nuffnang

Saturday, June 9, 2012

Happy Mother’s Day




Isa ako sa mga taong walang kinikilalang okasyon, walang birthday, walang valentine’s day, walang new year, at kung anu-ano pang okasyon na tinatangkilik ng mga pinoy at sinasamba ng ilan o nakakarami (No offense meant). Lahat ng araw ay normal na araw lang sa akin, ordinary days lang ang peg. Walang special na  araw o okasyon sa akin, ganun ka-boring ang buhay ko….para sa inyo.

Nasanay na ako na graduation day lang may handaan sa bahay o may celebration sa bahay, kaya hanggang sa paglaki ko ng kaunti ay medyo nadala at nakasanayan ko ang ganun paniniwala. Kahit sa pakikipagrelasyon  ko nun (take note: Sa babae) ay ganun din ako, walang anniversary, walang monthsary, at kung anu-ano pang may “sary” sa dulo.

Madalas ako masabihan ng sweet pero hindi thoughtful, pati birthday kasi nila ay nakakalimutan ko na o ang mga specials na araw nila, sariling birthday ko nga nakakalimutan ko eh, ‘yung kanila pa kaya? Kaya naman, minsan nabuburaot sila sa akin, minsan iniisip nila na kuripot lang ako dahil sa hindi ako nagreregalo kaya hindi ko inaalala talaga na may special na araw (sa amin). Hindi naman sa ganun ng slight pero hindi ko lang talaga nakasanayan mga loves ang mag-celebrate ng kung anu-anong pinauso ng mga tao, hindi ako tao,  alien ako, Charot.

Pero nitong paglaki ko ng kaunti, at dahil sa pakikibagay narin sa inyong mga tao, medyo nagkaroon ako ng kunting pansin sa mga okasyon. Pero hindi lahat, tulad ng sa Valentine’s day, hindi ako nakiki-celebrate dahil hindi ko naman kilala si Valentine at wala akong connect sa kanya, iba yung pag-ibig niya, iba yung pag-ibig ko, magkaiba kami ng pinaglalaban at paniniwala. Kaya yung monthsary namin ni Heaven ang ginawa kong araw ng mga puso para sa akin, tapos mahal na araw ay yung araw ng kasal namin, pindutin ito para sa karagdagan kaalaman, LOL.

Teka, ang dami ko nang shit pero wala parin yung “Mother’s day” na nasa title ng blog na ito.

"Okay, bakit mother’s day ang title ng post mo?". Bulong ng malanding langaw sa akin.

>

Sino ba nagpauso ng mother’s day?


Bakit may mother’s day? 


Paano at bakit nagsimula ito?


Pogi ba ako?


>


Sa tagal ko sa planetang ito, never ako nakapag-celebrate ng mother’s day, I have no idea folks (naks) kung anu ‘yan o kung bakit mayroon ganyan.

Hindi na ako nagresearch patungkol dyan, at hindi rin ako kumukontra sa mga tumatangkilik dyan. Pasensya na, pasensya na, ika nga ni Lito Lapid pero nagkataon lang na mayroon akong sariling paniniwala, sariling konsensya ko ang pinahatol ko sa paniniwalang ito.

Para sa akin kasi, mas mainam na ang Mother’s day ay yung araw na pinanganak ka, magiging araw-araw pa ang Mother's day dahil araw-araw ay may nagbi-birthday, diba? 


Ang birthday kasi ay yun ang araw kung saan naging mother o naging mother ulit ang nanay mo. Ang araw ng kapanganakan mo ang dapat mong gawin mother’s day. Imbess na mag-celebrate tayo para sa atin sarili dahil sa araw ng kapanganakan natin, bakit hindi tayo mag-celebrate ng mother’s day? Bilang pagkilala sa kadakilaan at katapangan ng isang ina sa araw na yung na pinanganak ka. 


Nasaksihan ko kung paano manganak ang isang babae, higit pa sa tinu-torture sa mga napapanood natin pilekula ang nararanasan nila. Hindi ko na alam kung may hihigit pa sa sakit na ‘yun na nararamdaman nila tuwing nanganganak sila. Nakakalimutan natin minsan na habang nagsasaya tayo sa araw na 'yun (birthday natin) ay iyon din ang araw kung kelan naging imperno ang pakiramdam ng mga nanay


Ang dapat sanang e-celebrate na "birthday" natin ay yung gabi o araw na ginawa tayo ng mga parents natin, 'yan, puwedi tayo magsaya dyan dahil masaya ang mga magulang natin yung araw o gabing 'yun, nagsaya at nasarapan sila kaya magsaya at magpakasarap din tayo tanda ng paggunita sa araw o gabing 'yon.

Kaya mga kapatid, mga kaibigan, mga kapanalig, LOL, kung anu-ano na pinagsasabi ko. Seryoso, kung magse-celebrate ka ng b-day mo, ialay mo nalang para sa nanay mo. Kung b-day mo ngayon, puntahan mo ang iyong ina at sabihin mong “Happy Mother’s day Ina, sorry sa sakit na naramdaman mo nung pinanganak mo ako. Babawi ako sa’yo ngayon araw na ito, pasisiyahin kita, mwah”



Happy Mother’s day!


*Maraming salamat sa mga bumati at babati pa. 


7 comments:

  1. honga noh? maitanong ko nga sa parents ko kung natatandaan pa nila kung kelan nila ako ginawa ng ma icelebrate na yan. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Birthday ko ngayon, batiin mo nanay ko. hahaha atras ka ng 9 months mula sa buwan ng kapanganakan mo para malaman mo kung kelan ka ginawa..hahaha..

      Delete
  2. dahil dito namimiss ko ang parents ko na wala na sila...

    ReplyDelete
  3. Happy birthday kuya Akoni at Happy Mothers day sa mama mo.
    Makatwiran ang iyong mga tinuran simula ngayon kikilalanin ko na bilang mothers day ang araw ng aking kapanganakan.

    ReplyDelete
  4. Awww.... ano ba nakakalerks lang ang post na ito. :) Namiss ko tuloy Mommy ko :|
    Pero happy father's day na rin sa lahat ng dad and daddy nyo. :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete