BABALA: Pweding seryosohin at
puweding hindi seryosohin.
Hello earthlings!
Kamusta na ang mga masasarap
ninyong katawan lupa? Patikim naman....
June na. (Insert “You don’t say?”
meme)
Taena, hindi ko alam kung ano
isusulat kong intro sa post na ‘to. Ganito ‘yun, sadyang hilig natin mga Pilipino
ang magbasa ng Zodiac signs, ano ha? Minsan binabase natin dito ang ugali ng
mga tao at pati narin sarili natin, pero pansin ko lahat ata o halos ata ng
nabasa kong zodiac signs ay puro positive.
Si Aries ay mabait, mapagmahal,
si Gemini ay matalino, pogi, magaling sa sex, etc…mga ganyan, tuwang-tuwa tayo
kapag nakabasa ng positive sa zodiac sign natin (insert “You don’t say?” Meme),
may nagpoposte pa nga ito sa “About me” sa mga social network. Never pa ako
nakabasa ng parang negative ng mga Zodiac sign, kaya naman gumawa ako ng aking
sariling intrepretasyon sa mga Zodiac signs, LOL.
Ayus na sa bones-bones ang intro.
TIRA!!!
Aries – Madaling magalit
ang mga taong ito, tapos mga pakialamero’t pakialamera. Gusto nila sila lagi
ang nasusunod sa lahat ng oras, mga walang konsiderasyon, aarrrgggghhhh.
Mahilig o adik sila sa seks…teka, sino Aries sa inyo? Contact niya ako.
Taurus – Mga tuso ang mga Taurus
na ito, gusto nila lagi silang nakakalamang, mga mapang-angkin. Wala silang
pakialam sa iba dahil matitigas ang ulo, mga sutil, matakaw, tamad, seloso at
kung anu-ano pang chenes.
Gemini – Hak! Sila naman ‘yung
mga tamad, laging nabobored ang arte nila, kaya tsismis ang inaatupag, madaldal
ang mga Gemini ng kung anu-anong shit. Salawahan, malandi, mababaw, may
pagkatuso din, laging hindi mapakali at ignorante sa mga gadget. Dual ang
personality, kaya siguro napagkakamalan iba ang sarili niya sa sarili niya,
anlabo lang.
Cancer – Madrama ang arte
nito, yung mga tipong paawa epek-ek-ek, gusto laging kaawaan, kaya siguro
pinangalan ang sakit na cancer dahil sa paawa at drama epek nito. Mga
sumpongin, pagbago-bago ang isip at nabubuhay sila sa nakaraan, pessimistic.
Leo – Mayabang pa sa Leon,
bossy naman ang drama nito. Gusto niya siya lang nakikita parang gusto ata nito’y
siya lang matira sa mundong ito.
Virgo – Ah si Virgo, mga
mapanghusga sa kapwa, kaya naman sobrang perfectionist ang arte nito, hindi uso
sa kanya ang kasabihan na “Nobody is perfect” dahil para sa kanya, siya si
Nobody, kaya perfect siya. Kuripot ka din!
Libra – Mga tanga, madali
silang maimpluwensyahan ng mga tao, mga mahiyain pero malalandi din (contact me
pls). Hindi sila makapagdesisyon para sa sarili nila, laging nangangailangan ng
mag-aaproba para sa kanila. Mga salawahan, mapilit din ang mga taong ito at
siyempre, malihim, winner!
Scorpio – Seloso’t selosa,
kasapi ito sa samahan ng mga EMOtionalista. Very
controlling sila at mga uhaw sa attention. Mahilig sumabit sa lahat kahit
walang rason, pakialamera’t pakialamero din kaya minsan laging napapatrouble,
oh ano ka?!
Capricorn – Seryoso at
madrama din ito, ‘yung tipong gustong lumuha sa ilalim ng ulan at tumira nalang
sa sementeryo o sa tuktok ng bundok.
Sagittarius – Careless at irresponsible, pero ayaw ng nasa baba lang siya. Masyadong mapurol at mababaw, hahaha, madalas
katiin ang hitad, contact mo din ako. Pabago-bago din ang isip!
Kunti nalang…tinatamad na ako.
Aquarius – Mga
backstabbers, mga traydoooooooooooorr, hahaha, isa pa, TRAYDOR!!! Mga walang
pakiramdam, malalamig ang damdamin, kaya mga loners ang mga Aquarius na ito.
May kulang pa ata, ayyy si
PISCES.
Pisces – wala akong
pakialam sa’yo dahil tinamad na ako.
Sige na nga, isang mapangarapin, pero
yung tipong delusional na at kailangan mo nang gisingin, hindi na yun pangarap,
illusion na, kaya para silang laging nawawala. Masyadong napapalayo sa
katotohanan kaya kailangan nila dumaan sa akin para maramdaman nila ang cloud 9
na sinasabi nila.
Oh, nasapol ka? Ibig sabihin
ang galing ko, pwedi ko nang palitan si……ayy wala akong kilala na magaling
magbasa ng mga zodiac signs.
Hanggang sa muli, earthlings!
ahahaha.. super inabangan ko pa naman ang sasabihin mo sa zodiac ko (pieces) biglang tinamad eh noh!
ReplyDeletehahahaha! panalo sa libra!!! ako ba yan?!!! oo TANGA ako at alam na alam mo yan! hahaha
ReplyDeletemalihim?!! wahahahahaha!!
aun oh parang zenaida seba lng ang dating pero malufet ang sau.
ReplyDeletenegative nga. hahaha
@POT - hehehe..ang haba kasi muntik na ako kaposin..tinamad na kanina magsulat
ReplyDeleteIyakhin - Isa ka palang LIBRA..hehe
Palakanton - ano nga sayo?
HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH ang negative nitong Zodiac Sign na to.
ReplyDeletebakit halos swak na swak ang horoscope ng libra! Winner!
ReplyDeletedi ako nasapul. iba kasi ung nakalagay sa scorpio lol
ReplyDeleteay hindi ako backstabber...front stabber!!! ahaha
ReplyDeletehello brotha!
Hindi ako mahilig magbasa ng Zodiac signs kaya di ko alam kung ano ang mga positive. Pero ang dami mong oras ah, nagawan mo silang lahat (pwera sa isa) ng mga negative, haha!
ReplyDeletenagawa naman ni kuya akoni lahat ah. anyway..naloka lang ako sa mga description haha kaloka. =D
ReplyDeleteHahaha. Taurus ako. At least tuso kaysa tamad o maarte. Winner. :D
ReplyDeletetalagang may babala sa unahan. regular mo ng gawin ito para masaya.
ReplyDeleteTama tlga ung s aries ganyan ung kinakasama ko,db madali dn silang matukso? Kc nga db mahlig at adik s sex.
ReplyDeleteahahaha ,, grabeh naman sa capricorn di naman aku madrama nuh .. :)
ReplyDeleteah ok tanggap ko na ganun ang libr ramdam ko nman sa sarili ko yn e
ReplyDelete