nuffnang

Monday, June 4, 2012

ZODIAC SIGNS BY PROF. AKONI




BABALA: Pweding seryosohin at puweding hindi seryosohin.

Hello earthlings!

Kamusta na ang mga masasarap ninyong katawan lupa? Patikim naman....

June na. (Insert “You don’t say?” meme)

Taena, hindi ko alam kung ano isusulat kong intro sa post na ‘to. Ganito ‘yun, sadyang hilig natin mga Pilipino ang magbasa ng Zodiac signs, ano ha? Minsan binabase natin dito ang ugali ng mga tao at pati narin sarili natin, pero pansin ko lahat ata o halos ata ng nabasa kong zodiac signs ay puro positive.

Si Aries ay mabait, mapagmahal, si Gemini ay matalino, pogi, magaling sa sex, etc…mga ganyan, tuwang-tuwa tayo kapag nakabasa ng positive sa zodiac sign natin (insert “You don’t say?” Meme), may nagpoposte pa nga ito sa “About me” sa mga social network. Never pa ako nakabasa ng parang negative ng mga Zodiac sign, kaya naman gumawa ako ng aking sariling intrepretasyon sa mga Zodiac signs, LOL.

Ayus na sa bones-bones ang intro.

TIRA!!!



Aries – Madaling magalit ang mga taong ito, tapos mga pakialamero’t pakialamera. Gusto nila sila lagi ang nasusunod sa lahat ng oras, mga walang konsiderasyon, aarrrgggghhhh. Mahilig o adik sila sa seks…teka, sino Aries sa inyo? Contact niya ako.

Taurus – Mga tuso ang mga Taurus na ito, gusto nila lagi silang nakakalamang, mga mapang-angkin. Wala silang pakialam sa iba dahil matitigas ang ulo, mga sutil, matakaw, tamad, seloso at kung anu-ano pang chenes.

Gemini – Hak! Sila naman ‘yung mga tamad, laging nabobored ang arte nila, kaya tsismis ang inaatupag, madaldal ang mga Gemini ng kung anu-anong shit. Salawahan, malandi, mababaw, may pagkatuso din, laging hindi mapakali at ignorante sa mga gadget. Dual ang personality, kaya siguro napagkakamalan iba ang sarili niya sa sarili niya, anlabo lang.

Cancer – Madrama ang arte nito, yung mga tipong paawa epek-ek-ek, gusto laging kaawaan, kaya siguro pinangalan ang sakit na cancer dahil sa paawa at drama epek nito. Mga sumpongin, pagbago-bago ang isip at nabubuhay sila sa nakaraan, pessimistic.

Leo – Mayabang pa sa Leon, bossy naman ang drama nito. Gusto niya siya lang nakikita parang gusto ata nito’y siya lang matira sa mundong ito.

Virgo – Ah si Virgo, mga mapanghusga sa kapwa, kaya naman sobrang perfectionist ang arte nito, hindi uso sa kanya ang kasabihan na “Nobody is perfect” dahil para sa kanya, siya si Nobody, kaya perfect siya. Kuripot ka din!

Libra – Mga tanga, madali silang maimpluwensyahan ng mga tao, mga mahiyain pero malalandi din (contact me pls). Hindi sila makapagdesisyon para sa sarili nila, laging nangangailangan ng mag-aaproba para sa kanila. Mga salawahan, mapilit din ang mga taong ito at siyempre, malihim, winner!


Scorpio – Seloso’t selosa, kasapi ito sa samahan ng mga EMOtionalista.  Very controlling sila at mga uhaw sa attention. Mahilig sumabit sa lahat kahit walang rason, pakialamera’t pakialamero din kaya minsan laging napapatrouble, oh ano ka?!


Capricorn – Seryoso at madrama din ito, ‘yung tipong gustong lumuha sa ilalim ng ulan at tumira nalang sa sementeryo o sa tuktok ng bundok.

Sagittarius – Careless at irresponsible, pero ayaw ng nasa baba lang siya. Masyadong mapurol at mababaw, hahaha, madalas katiin ang hitad, contact mo din ako. Pabago-bago din ang isip!

Kunti nalang…tinatamad na ako.

Aquarius – Mga backstabbers, mga traydoooooooooooorr, hahaha, isa pa, TRAYDOR!!! Mga walang pakiramdam, malalamig ang damdamin, kaya mga loners ang mga Aquarius na ito.

May kulang pa ata, ayyy si PISCES.

Pisces – wala akong pakialam sa’yo dahil tinamad na ako.

Sige na nga, isang mapangarapin, pero yung tipong delusional na at kailangan mo nang gisingin, hindi na yun pangarap, illusion na, kaya para silang laging nawawala. Masyadong napapalayo sa katotohanan kaya kailangan nila dumaan sa akin para maramdaman nila ang cloud 9 na sinasabi nila.


********************* 


Oh, nasapol ka? Ibig sabihin ang galing ko, pwedi ko nang palitan si……ayy wala akong kilala na magaling magbasa ng mga zodiac signs.


Hanggang sa muli, earthlings!



15 comments:

  1. ahahaha.. super inabangan ko pa naman ang sasabihin mo sa zodiac ko (pieces) biglang tinamad eh noh!

    ReplyDelete
  2. hahahaha! panalo sa libra!!! ako ba yan?!!! oo TANGA ako at alam na alam mo yan! hahaha
    malihim?!! wahahahahaha!!

    ReplyDelete
  3. aun oh parang zenaida seba lng ang dating pero malufet ang sau.
    negative nga. hahaha

    ReplyDelete
  4. @POT - hehehe..ang haba kasi muntik na ako kaposin..tinamad na kanina magsulat

    Iyakhin - Isa ka palang LIBRA..hehe

    Palakanton - ano nga sayo?

    ReplyDelete
  5. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH ang negative nitong Zodiac Sign na to.

    ReplyDelete
  6. bakit halos swak na swak ang horoscope ng libra! Winner!

    ReplyDelete
  7. di ako nasapul. iba kasi ung nakalagay sa scorpio lol

    ReplyDelete
  8. ay hindi ako backstabber...front stabber!!! ahaha

    hello brotha!

    ReplyDelete
  9. Hindi ako mahilig magbasa ng Zodiac signs kaya di ko alam kung ano ang mga positive. Pero ang dami mong oras ah, nagawan mo silang lahat (pwera sa isa) ng mga negative, haha!

    ReplyDelete
  10. nagawa naman ni kuya akoni lahat ah. anyway..naloka lang ako sa mga description haha kaloka. =D

    ReplyDelete
  11. Hahaha. Taurus ako. At least tuso kaysa tamad o maarte. Winner. :D

    ReplyDelete
  12. talagang may babala sa unahan. regular mo ng gawin ito para masaya.

    ReplyDelete
  13. Tama tlga ung s aries ganyan ung kinakasama ko,db madali dn silang matukso? Kc nga db mahlig at adik s sex.

    ReplyDelete
  14. ahahaha ,, grabeh naman sa capricorn di naman aku madrama nuh .. :)

    ReplyDelete
  15. ah ok tanggap ko na ganun ang libr ramdam ko nman sa sarili ko yn e

    ReplyDelete