Hindi madali ang maging kaibigan o makipagkaibigan dahil may mga pagsubok rin kailangan pagdaanan para ito ay matawag na kaibigan. Ang kaibigan ay isang taong magbibigay halaga sa iyong buhay, taong kasama mo sa lahat ng oras, ang masasabihan mo ng mga sekreto at mga reklamo mo sa buhay, ang pagsasabihan mo ng mga kuro-kuro, ang magiging idolo mo, ito ay ang kaibigan habang panahon. Bawat isa sa atin ay may sariling kahulugan sa “kaibigan”, ang ibig sabihin ay lahat tayo’y kailangan ng kaibigan para maka-survive at maging madali ang pamumuhay. Pero mayroon din naman ibang tao na nabubuhay para sa sarili lamang ngunit sila ay kakaunti lamang.
Makinig ka ayy mali magbasa ka, may kwento ako sayo, ito ay tungkol sa amin ng aking kaibigan. Kung paano namin naitayo at naiguhit sa panahon ang pundasyon ng aming pagkakaibigan. Hindi naman naging mahirap sa amin ang pagbuo sa aming samahan, dahil una pa namin pagkikita ay nakagaanan na namin ang isat-isa, parang love at first sight ba. Nag kakilala kami noong 1994, kapanahunan ng aming kamusmusan, kapilyuhan at kakulitan. Sa aming dalawa siya ang pinakamatalino at ako ay mat.....auummhhhhmmmm mabait ako. Idolo namin ang isat-isa, pero hindi kami nagkakainggitan. Hindi namin hinahaluan ng inggit ang aming samahan, hindi naging big deal sa amin kung sino ang mas matalino, sino mas pogi, sino ang mas makulit, sino ang mas sikat at kung sino ang mas madiskarte. Nagkakaroon man siguro ng inggit sa amin pero hindi namin ito hinahayaan na masira o masagi man lang ang aming pagkakaibigan, iyan ang naging sekreto namin kung bakit hanggang ngayon ay matatag parin ang aming samahan, higit pa ito sa samahan ng mga commercial ng alak, higit pa sa samahan ng barangay GINEBRA. Mula noon lagi na kaming magkasama, sa pag-uwi, sa recess, pati sa pakikipag-away, away ko away niya ang kadalasan nangyayari. Nais kong ibahagi ang mga nagpapatibay ng aming “SAMAHAN HABANG PANAHON”.
Honesty is the best policy, ang walang kakupas-kupas na kasabihan, sino kaya ang nakaisip nito? Bawat isa ay dapat maging makatotohanan o laging honest sa kanyang kaibigan, ito ang isa sa mga ingredients sa pagkakaibigan namin. Hindi kami naglilihiman, kahit ano pinag-uusapan namin, mapapelikula, mapalipunan, mapa*censored*, mapa Jao at kung ano2x pang mapa. Naging totoo kami o honest sa aming sarili na naging resulta upang maging honest sa aming pagkakaibigan. Hindi namin tinitingnan ang bawat mali namin, pinupuri namin ang bawat isa openly. Pag may hindi mapagkasunduan o tampuhan sa isat-isa ito ay aming pinag-uusapan at inaayos. Humihingi ng tawad kung ang isa ay nag kamali. Sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay nadadaan sa maboteng usapan este mabuting usapan. Lagi kaming nagdadamayan, laging nandyan siya kapag may problema ako at ganun din ako sa kanya, ginagawaan namin ng paraan para malutas agad. Ang problema niya ay problema ko at ang problema ko ay problema niya pero kadalasan ako ang problema niya, ang sweet diba? We love each other unconditionally ika nga, ay yun lang pala ang kondisyon sa amin. Hindi kami nagkakalimutan, laging may communication sa amin, saan man mapunta. We give more than we take!
Kung saan ka masaya suportahan ta ka, ang sabi sa commercial, iyan din ang lagi namin sambit sa bawat isa. Encouraging each other! Kapag kami lang dalawa parang kami ang pinakamagaling sa lahat sa sobrang encouragement na binibigay namin sa isat-isa. Para sa kanya napakaspecial kong tao, puring-puri niya ako sa lahat ng bagay, siya ang nagbibigay sa akin ng determinasyon para maging matatag at kapakipakinabang, ang dami kong natutunan sa kanya. Special din siya sa akin, higit pa sa special siopao, pansit, kare-kare, spanish bread at kung ano2x pang special. Kung saan at ano man kami ngayon, isang dahilan ay ang encouragement namin sa isat-isa, ang suportahan namin. Hinuhusgaan namin ang bawat isa ng magandang panghuhusga, we always wish good luck for each other *English ah*, “just be there when he needs me” *nosebleed na*. Pinapakinggan namin ang isat-isa, nag papalitan ng mga advices.
Magpatawad, "To Err is Human to fogive is divine". Bihira lang mangyari ito sa amin, dahil bihira lang kami magkasala sa isat-isa. Nagkakaroon lang agad ng pagpapatawad sa pagitan namin, kapag napabayaan namin ang aming friendship, we say sorry tapos keep on rockin’ na naman. Have faith in each other. Naniniwala kami sa aming pagkakaibigan, naniniwala kasi ako na walang pagmamahal kung walang pagtitiwala. We believe each other!
Siguro sa mga nakakakita o makakakilala sa amin iisipin na may pagkababae kami, anu veerrrrrr kalokray talaga, eh kasi nag-iiyakan kami. Meron bang ganun na dalawang lalakeng mag kaibigan tapos nag iiyakan? Ha? Kakagulat noh? Bihira lang kasi ang ganyan sa mga lalake, pero sa amin dalawa no big deal yan sa amin. We cry a lot!hehe..lalo na pag-broken hearted at nabasted ng isang babae o nakipag break sa GF, pero iyak lang ah, walang hug!hehe, kiss? slight lang. Minsan mayroon din selos na nagaganap sa pagitan namin, halimbawa kapag ang isa sa amin ay nagkakaroon ng ibang kaibigan o naging malapit sa ibang kakilala niya, nagseselos ako/siya, at nag-kokomprontahan kami, pinag uusapan din namin un at with matching iyak pa. ganun kahalaga sa amin ang namin friendship, natatakot kaming mawala ang friendship namin kaya hindi namin ito pinapabayaan, believe kana ba? hindi kami nauubusan ng tulong sa isat-isa, lagi kami handa kung may problema ang isa sa amin, handa para tumulong, dumamay at umiyak. We simply express ourselves, hindi kami nahihiyang ihayag ang amin saloobin para mas lalong mapatatag ang aming samahan.
Ito ang matindi at malupit sa lahat, ito marahil ang nag-bond at nagpatibay lalo sa aming friendship, ang laging nagpapalakas sa amin pagkakaibigan, we had fun a lot. Ang dami namin FUN time. Kahit hindi na FUN ay nagagawa parin namin maging FUN ito, talentado kami jan. Sa mata lang eh nagkakaitindihan na kami, naiintindihan na namin kung anong joke ang gusto namin ipahiwatig, ayos tawanan to the max. Kapag magkasama kami, punong puno lagi ng halakhakan, kahit nawawalang kalabaw at naliligaw na butiki sa kisame ay inuusisa namin, "tawa cge hala tawa" ganun kami, kahit kalabaw ay sasakit ang tiyan sa kakatawa sa amin, Nakakagawa kami ng sarili naming mundo, mundo na puro saya at kami lang ang nakakaitindi. We could talk 24 hours, kaya niyo yan? Buong araw at gabi kayo mag-uusap? Kami oo, kaya namin yan, ganyan kami. Uupo lang at mag uusap buong araw at buong gabi, iyan ang bisyo namin. Eni-enjoy namin ang aming friendship, iyan ang laging nakahain sa amin araw-araw.
Kapag magkasama kami, kahit sino at ano ay kaya namin patumbahin, huwag lang sa away o masamang bisyo, hindi kami nagpapatalo kahit kanino. Sa ngayon kami ay magkalayo sa isat-isa pero andun pa rin ang aming pagkakaibigan, napapanatili pa rin naming maging matibay at matatag ang aming samahan.
Sana sa akda kung ito ay may natutunan ka. Kung paano maging mabuting kaibigan, kahit hindi ka perpekto. Laging tatandaan ang pagkakaibigan ay mahalaga kapag naeenjoy mo at na-aappreciate mo ang inyong samahan with no holds barred. Its mutual bond for life that you cannot give up. sana mabigyan mo din ako ng sarili mong tips to make friendship long lasting, dahil alam kung marami pang mga pagsubok na dapat namin pagdaanan. Good luck sa inyo ng iyong kaibigan!
No comments:
Post a Comment