Naranasaan mo na bang yung feelings na parang nagsasawa ka na sa iyong sarili (walang malaswang meaning)? Minsan may oras na parang ayaw mo na sa sarili mo nakita mo sarili mo sa salamin, mangangarap ka na sana ibang tao ka nalang? Kung hindi pa, okay fine plastic, ako kasi minsan OO at sasabihin ko ulit sa’yo OO, ayaw kong dumurang nakatingala dahil sa mukha ko lang babagsak ang laway kong may kasamang plema, gets mo? Ganun talaga ang tao, hindi makontento sa kung anong mayroon siya, laging naghahangad ng “more”. Pero kaya tayo nilagyan ng common sense para isaksak natin sa utak natin na ang lahat ay may hangganan at lahat ng sobra ay nagiging hindi mabuti para sa atin. Oo, sang-ayon ako sa iniisip mo ngayon, kahit ako naghahangad din ng so-bra sobra. Kaya tao ako and I wanna be a billionaire so fucking bad.
May mga taong ang yaman-yaman tapos may mga taong ang hirap-hirap, may mga taong ang ganda-ganda tapos may mga taong ang panget-panget, may mga taong ang talino-talino tapos may mga taong ang tanga-tanga, may mga taong ang tapang-tapang tapos may mga taong ang duwag-duwag…STOP! Balanse lang ang buhay, kung may mabuti may masama, kung may babae may lalake, kung may ikaw may ako, gets mo? Kaya utang na loob tumigil ka na sa kakareklamo mo dyan, hindi ka nag-iisa, Madapa ka!
puson Puso o utak? Ito ang may pinakamahalagang parte sa buhay natin mga tao. Mahirap balansehin ang gusto ng dalawang organs na ‘yan, pero sa huli ikaw parin ang masusunod dahil ikaw ang nag mamay-ari nito. Puso, pag ito ang pinairal mo kadalasan aani ka ng batikos sa mga taong nakapaligid sa’yo, minsan tatawagin kang tanga, pero ang maganda dito malinis ang konsensya mo. Utak, minsan kapag ito naman ang pinairal mo malaswa ka ay nagiging makapal ang mukha mo, kahit sabihin na natin nag-iisip ka lang. Pero pwedi mong gamitin para maprotektahan mo ang mga mahal mo sa buhay.
Hindi para sa’yo, para sa akin: Kung walang choices talaga kung saan ako papanig dyan, siguro nalalapit ako sa utak. Minsan makasarili ang puso, sariling kaligayahan lang ang hinahangad “Ang importante masaya ka” sundin mo ang putchang putcho mo. Ano ‘yun, masagasaan na kung sino? Masaktan mo na kung sino? Masarap ang tusino? Ang utak, para ma-protektahan mo ang mga mahal mo sa buhay. Ginagamit para protekhanan mo pati ang putcho mo. ‘yun nga lang hindi ka magiging masaya, pero alin ang importante sa’yo, maging masaya ka o maging masaya ang mahal mo? Piliin mo ang putcho kung gusto mong sumaya, piliin mo ang iyong utak kong gusto mong sumaya ang mga mahal mo sa buhay, ang utak naman e kayang pakiusapan ang puso. Sa huli lahat magiging masaya rin nasa pagtanggap lang yan, ang puso mas madaling tumanggap kaysa kay utak, ‘yon ay kung may dalisay at malinis kang puso.
Iba’t iba ang trip ng bawat tao, kaya nga hindi tayo magkakapareho ng mukha e kasi hindi rin parepareho ang gusto natin, yong iba nakikigaya nalang o nagkataon lang.
Oo alam ko paborito mo rin ang bacon at tusino, so sasabihin mong pareho tayo? Tama ka may pagkakapareho tayo ng mga gusto pero hindi lahat. Halimbawa tulad ng sa parte ng katawan, ikaw may magandang katawan at ako’y may mamantikang katawan pero lahat parin katawan, sa design lang nagkaiba. Sa mukha, may mukha kang yummy at may mukha naman akong ‘Graawwwrrrkksss’ tissues pls. Buti nalang nandyan ang mga nanay na laging magsasabing “ANG GANDA/POGI NG ANAK KO” haay salamat nanay, the best ka talaga at buti nalang magkakaiba rin tayo sa pagtingin, kaya “Beuaty is in the eye of beholder lalo na sa mga beerholder”.
Haayy brrrrr…ang lamig parin ngayon sa labas, buti nalang hindi ako inaantok. Nakarami ako ng tulog kagabi lagpas alas dyes y medya na ako nakatulog (pinakamaaga kong tulog). Maganda ang gising ko tuwing taglamig dito sa bansang Middle east, feel na feel kong parang nasa pinas lang ako. Lalo na kapag umuulan, wow dream come true. Bihira lang ang ulan dito, tatlo o apat na beses lang sa isang taon kung umulan. Swerte ka na kung nakalima ka, got to believe in magic na kung nakaamin ka na, at kung nakapito kana, adik kana baka nasa pilipinas ka lang.
Oh sige na…dyan lang muna, hanggang sa susunod na churvahan ah. Thanks!
No comments:
Post a Comment