nuffnang

Sunday, January 2, 2011

November: Gentledevil and akoni

Araw ng martes ngayon, habang hinihigop ko ang aking mainit na kape ay napalingon ako sa bandang kanan ko, sa may dingding nakita ko ang aking kalendaryo. Lahat ng buwan ay may mga marka, pero may isang buwan na wala ni isang marka sa mga araw nito, ito ay ang buwan ng November.  Napaisip ako tuloy, bakit wala man lang akong nailagay na marka dito? Nilapitan ko, kinuha at isinaw-saw ko sa aking kape, deym mali. Ilan minuto kong tinitigan, may mga naalala akong mahahalaga sa buwan na ito, nakaramdam ako ng kiliti sa aking utak, kailangan maisulat ko ito.

*higop muna ng kape* hmmm sarap, coffee with cream. Parang nakikita ko ang aking sarili na sarap na sarap sa kapeng iniinum habang nag-iisip kung papaano niya uumpisahan ang kanyang isusulat tungkol sa buwan ng November. Ayun nakikita ko na naman ang aking sarili humigop ulit ng kape, kausapin ko kaya siya? Huwag nalang baka magalit, baka maistorbo ko ang aking sarili sa aking ginagawa. Pero nakikita kong nahihirapan talaga ang sarili ko mag-iisip e. Sige lalapitan ko na ang aking sarili, tutulongan ko siya sa kanyang ginagawa. Kailangan kong tulungan ang aking sarili.

Habang sinusulat ko ito ay may naramdaman akong lumapit sa akin, nagtataka ako, hindi ko siya napansin dumaan sa may pintoan, wala naman  ibang daanan kundi ‘yun. Nararamdaman ko na siya ngayon sa aking likoran, sino kaya ito?

Nandito na ako sa likoran ng aking sarili, ano kaya una kong sasabihin sa akin sarili? parang ganito ba? excuse me boss, gusto mong tulongan kita? Parang nahihirapan kang mag-isip ng isusulat mo ah? Ayos!! ‘yun nalang ang sasabihin ko. Tinapik ko na sa balikat ang aking sarili,

Gentledevil: Akoni, pahigop naman ng kape mo. Mukhang sarap na sarap ka dyan eh. Gusto mo tulongan kita dyan sa ginagawa mo?  mahilig din kasi ako mag-sulat.

Sino kaya itong nasa likod ko. Nararamdaman ko parang may gustong sabihin sa akin. Tinapik niya ako sa balikat at napalingon ako. Ayyy ako lang pala.

Akoni: Maupo ka, Sige share tayo dito sa kape ko, hindi ko rin naman yan mauubos.

Gentledevil: Paano mo mauubos yan e sa drum ka na nagtimpala ng kape mo.hahaha

Akoni: sobra ka naman, malaki na ba yan sayo? Parang balde lang e.hehehe

Gentledevil: Teka, nawawala na ako, ano ba ang sinusulat mo? 

Akoni: Ha? Tungkol sa buwan ng November, ano ba ang alam mo tungkol dito?

Gentledevil: Aahh sige share ko sa’yo mga nalalaman ko tungkol sa buwan na ‘yan, usog ka don ng kaunti.

Gentledevil: Ang buwan ng November ay pang-labing isa sa lahat ng buwan ng taon.

Akoni: Oo alam ko ‘yan, tell me something new.

Gentledevil: Ano ka ba? intro ko palang yan e, kalma ka lang, mahina ang kalabaw.

Akoni: Okay, ano pa?

Gentledevil: Ang salitang November ay mula sa latin word na “novem”, na ang ibig sabihin ay siyam.

Akoni: Ha? Novem ibig sabihin ay siyam? Eh kasasabi mo lang kanina na pang-labing isa ang buwan ng November sa lahat ng buwan ng taon.

Gentledevil: Anak ng....Ano ka ba?!  Hindi pa ako tapos sa pagpapaliwanag ko e humihirit ka na, higopin ko mata mo e.

Akoni: aahh okay sorry carried away lang, bakit nga?

Gentledevil: Kasi nga originally pang siyam ang November sa Roman Calendar noong kapanahonan niyo. Hahahahaha,

Akoni: tado! Sige na ituloy mo.

Gentledevil: Pinalitan ito noon ng Catholic Countries nang e-adopted nila ang Gregorian Calendar noong 1582, at kung sino man si Gregorian un ang hindi ko kilala.

Akoni: Hahahaha…ayos ah. Ano pa alam mo tungkol dito? Ung kakaiba naman.

Gentledevil: Sige, alam mo ba....

Akoni: hindi!

Gentledevil: Tae, hindi pa ako tapos.

Akoni: Nagtanong ka e, edi sumagot ako.

Gentledevil: Huwag ka nga magulo, tinutulongan ka na nga e. 

Akoni: Ooohhhkaaayyy...ito naman.

Gentledevil: Ang bulaklak ng November ay “Chrysanthemum” at ang birthstone nito ay “topaz” na ang ibig sabihin ay wisdom, courage and serenity.

Akoni: Hahahaha topaz? Parang supas lang ah, at ang wisdom, courage and serenity ay parang itlog, hotdog at pasta…mga sahog ng topaz..hahaha, cool.

Gentledevil: Anak ng…tumigil ka nga.

Gentledevil: Sa bulaklak naman tayo ng November, nasabi ko na sayo kanina na Chrysanthemum ang bulaklak ng November at hindi ang mga Viva hot babes. Ang Chrysanthemum ay with love and cheerfulness, at alam mo ba kung ano ang nakatagong meaning ng Chrysanthemum during Victorian era?

Akoni: Sino si Victorian era?

Akoni: Hindi ko alam, ang secret lang niya ang alam ko at hindi ako interesado kanya, kay Chrysanthemum lang tayo ngayon.

Akoni: Ganun ba? ako ang court niya ang alam ko..aheehehehe..Anak ng…

Akoni: sige na nga, ano ang nakatagong meaning nito?

Gentledevil: Ang landi mo.

Akoni: hehehehe..sige na, ano ang nakatagong meaning dito noong kapanahonan ng Victoria's secret and Victoria's court?

Akoni at Gentledevil: bwahahahahahahahahahahahahahaha

Gentledevil: Adik!!! Ibig sabihin ay “You’re a Wonderful Friend”.

Akoni:Aaaaaaaa……nak ng….kaya nga pala may mga kaibigan akong mga wonderful gaya ng gabay ko ung iba naman e wonder fools,hahahaha…Ano pa? ang haba na nito ah,

Gentledevil: sige lang hayaan mo na.

Gentledevil: Ito pa, may mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa buwan ng November . Halimbawa, taong 1969 ng November 10 ang unang labas ng sesame street sa PBS television, oh diba? November 6 1860, naging presidente ng America si Abraham Lincoln.  November 28, 1925 naman pinanganak si Mickey Mouse sa telebisyon, November 24, 1859 naman na-published ang theory of evolution ni kuya Charles Darwin.  November 22, 1963 pinatay ang pinakabatang naging president sa USA na si John F. Kennedy, oohhh haaa?

Akoni: Cool nga…sige dagdagan mo pa.

Gentledevil: Nangyari ang pagpatay kay John Kennedy sa Dallas, Texas kung saan gaganapin ang laban nila Manny Pacquiao at Antonio Margarito itong darating na November 13, 2010.

Akoni: Woooowww pati future pala na mangyayari sa November ay alam mo?

Gentledevil: Oo naman, ito ang pinakamatindi, sa lahat ng pangyayari sa buwan ng November, ito ang huwag na huwag mong kakalimutan, ang November 10, 2010, birthday ng gabay ko, pati narin ang November 13 dahil birthday ng kumapre mong si RENEL.

Akoni: Oo nga noh? Birthday pala ni Renel sa November 13. Happy Birthday renel.

Akoni: pero grabeness, bilib na talaga ako sayo.

Gentledevil: ako pa?!!akoni. At ito pa ang cheesy sa November, noong taong 2008 November 6 ay naging magkasintahan sina Habib Macarampat at Norjanah Lawi. 

Akoni: Hahahaha ang cheesy nga, grabe, saludo na talaga ako sa’yo. Teka diba tayo ung si Habib Macarampat?

Gentledevil: Hahahahahaha..ungas tayo nga ‘yun..hehehe..At mayroon na naman napaka-cheesy na mangyayari itong November.

Akoni:  ha? Talaga? Ano ‘yun? Kailan?

Gentledevil: Tange, ang slow mo talaga, sa November 11, 2010.

Akoni: Hahaha..OO nga noh? Magkakasama si Habib at Norjanah. Pero diba ikaw yun?

Gentledevil: Tanga, tayo un.hahahaha.

Akoni: Sige na, pwedi na ito ang haba na nga e, salamat sa tulong mo ah.

Gentledevil: Walang problema. ako pa? akoni...


Parang nakikita ko ngayon ang aking sarili na kinakausap niya ang kanyang sarili, makisali kaya ako sa kanila? Nandito na ako sa likod ng aking sarili habang kinakausap ang aking sarili.

1 comment: