nuffnang

Tuesday, January 25, 2011

Trabaho sa trabaho

Wala akong magawa ngayon dito sa office. Usually hahahaha English, bihira lang ang busy hahaha na naman days hahahaha nakakarami na ko dito sa trabaho, parang palay na bihira lang sa isang bilaong bigas.

At dahil wala na naman akong magawa ngayon dito, kung anu-anong malalaswa kalokohan na naman ang umiikot sa utak ko, pero dahil sa mahina utak ko, ito wala akong maisip. So haha apat na, tatlo lang ang nangyayari sa akin dito, inaantok ako, inaantok ako at inaantok ako, yan ang mga nangyayari sa akin kapag wala akong magawa dito sa trabaho ko habang parang pwet ng manok ang nguso ko at nakatutok ang aking mga mata sa harap ng computer hahaha ko.

Mahirap ang walang trabaho sa trabaho. May trabaho ako tapos walang trabaho, parang ang gulo noh? Pero alam ko naman na gets hahahaha English mo kung ano ang ibig kong sabihin, sige na nga sabihin ko na kung ano ang ibig kong sabihin. Ang gusto kong ipagiling sa utak mo ay mahirap kapag nasa trabaho ka tapos wala kang magawang trabaho, ayos na? sige isa pa, ito sa palagay ko ay madali lang, nandito ako ngayon sa aking trabaho pero wala akong trabaho, teka parang mas lalong lumabo. Last chance hahaha gumagaling na ako, wala akong trabaho ngayon dito sa trabaho ko, ah ewan.

Kadalasan ginagawa ko sa kapag ganitong crisis haha yeh bebe English ulit  sa buhay ko ay naglalaro ako ng aking sarili mga games, gaya ng ZUMA, PLANTS VS ZOMBIES, at iba pa. Ang SUDOKU din, ito nakakalibang at nakakainis. Noong una hindi ko alam ito kung paano e-solve hahaha kaya nag-research hahahaha ako sa internet lol at nalaman ko naman, madali lang pala kailangan lang ilagay ang mga numbero na walang mauulit horizontally hahahaha at vertically hahaha. Pero ang pag-aakalang madali lang ay isa palang panaginip ko, mahirap din pala kakailangan mo ang isang mahabang pasensya sa sarili kung hindi, mapupunit mo ang papel at kakainin mo nalang sa inis, nate-tense haha ako sa Sudoku dahil minsan inu-orasan ko kung gaano ko kabilis matapos ang isang Sudoku puzzle hahaha. Kapag easy level 5 to 7 minutes hahaha lang, kapag sa moderate level 10 to 12 minutes hahaha, at para sa mga baliw level 20 minutes hahaha minsan isang araw.

Time check 10:30 am hahaha, kunting tiis nalang, malapit na ang lunch break hahaha, kunting isip pa ng paraan para mapanatili kong alerto ang mga cells haha ko para hindi makatulog. Oh em ge hahaha, wala na akong maisip para pigilan ‘to, inaantok na naman ako. kailangan kong mag-log out hahaha para makapag-internet hahaha, oo magla-log off hahaha pa ako dahil walang internet connection hahaha itong account hahaha ko. Pero dahil Pilipino ako, may paraan tayo dyan, ginagamit ko ang account hahaha ng mga kasamahan ko na may internet connection hahaha. Kaya, log off haha muna ako dahil ibang account hahaha ang gagamitin ko. babuussshhh eklavussshhh!

No comments:

Post a Comment