nuffnang

Monday, January 24, 2011

Tsismis

Sana dalawa ang puso ko ‘di nasa nahihirapan pa kung sino sa inyo…sana dalawa…tae! Naririnig ko ang kanta na yan kaninang umaga habang hinihimas-himas ko ang dibdib ko ng lotion. Paker na kanta na ‘yan, maganda ang kanta, gusto ko ang tune madaling kantahin sa video k. Pero nalilito ako sa lyric, sana daw ay dalawa ang puso para hindi nahihirapan kung sino sa kanila. Madapa ka, e ano ngayon kung maging dalawa ang puso mo? kaya mo na ba silang pagsabayin? Kahit maging tatlo pa yang puso mo o maging puso ka mismo, wala ka parin magagawa. Kung ako sayo hilingin mo maging dalawang toottoott mo o maging dalawa ka, may posibilidad pa ‘yun na mapagsabay mo sila threesome.

Naalala ko tuloy ang kaibigan kong tawagin nalang natin sa pangalan Marvin (tunay na pangalan), kagabi mangiyak-iyak ang malaking mama. Nalilito siya kung alin ang papanigan niya, ang kanyang puso o puson ang kanyang utak. Kung may taong makakaintindi sa kanya, isa na ako don, pangalawa na don si Jeff, pangatlo na don sa Nad, humabol na don si pasme at soon na don si Renel. Ayaw kong ilaborit ng husto dito ang crisis na pinagdadaan ng "best friend" kong si marvin (tunay na pangalan) dahil ayaw kong sumbagin niya ako ng kanyang limpong braso at baka hindi niya ako ulit ilebre ng Mousy.
Base sa mga na-experienced ko sa pag-ibig, napaka-weird sa pinaka-weird na feelings ito. Aba’y Potang ama, ang dami nang nagkandaluko-luko dahil sa potang amang pag-ibig na ‘yan, anak ng  bitchu-bitchu talaga. Isa ito sa napakamahirap ipaliwanag kaya wala akong paliwanag, hehehe. Lahat tayo hinahangad na maging masaya kaya pinag-uunahan natin ang pag-ibig na ito, pero ano nangyayari sa kaibigan ko ngayon na si marvin (tunay na pangalan)? Ayun, sumasakit ang kanyang kaluluwa dahil nilalamon siya ng kanyang konsensya,peace.
Ganun talaga ang buhay, sabi ko nga nakaprogram na sa atin ang lahat ng mangyayari, naka-destined na sa buhay natin ang masaktan, makasakit, mangaliwa at mampotah manluko. Kaya ang masasabi ko sa kaibigan kong si Marvin (tunay na pangalan), kung saan ka masaya suportahan kita hayop ka.

2 comments:

  1. hahahaha...This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. ang galing tlga saludo ako sau devz. .potang ama naman talga. .:)). .hai naku kakainis tlga yang puso na yan. ."ruq here"

    ReplyDelete