October 22, 2009 2:31 am
Riyadh, K.S.A
Dear YOU,
Bago ang lahat ay kukumustahin muna kita, kamusta ka na? Sana sa mga oras na ito ay nasa mabuti kang kalagayan. Kung ako naman ang iyong tatanungin, sa awa ng Diyos, ako’y nasa mabuting kalagayan din. Ganun parin ako, laging nag-iisip.Habang isinusulat ko ang liham na ito ay nakikinig ako ng musika ni Michael Buble, senti ang trip ko ngayon kaya Jazz ang pinapakinggan kong tugtog. Ang sarap sa tenga, sarap sabayan, pakiramdam ko nga lumulutang ako sa ere, pero ang aking utak ay parang nasa ferry’s wheel, umiikot kung saan-saan, hindi ko alam kung bakit, madalas ay hindi ko makontrol ang aking pag-iisip, pero huwag mong iisipin na may sakit na ako sa pag-iisip. Hindi ko lang alam kung bakit ganun, minsan nga gusto kong itanong sa Goodsearch.com pero hindi rin niya masagot. Sinubukan ko din hanapin ang aking pangalan sa Word map pero wala din don.
Inihaw (sarap), may sumagi sa aking isipan ngayon, ano ba ang pangarap mo? ako kasi mayroon, kaso hindi ko pa mabuo “complicated” sa wikang banyaga. Oo may trabaho na ako ngayon, kaya lang hindi naman habang buhay e dito lang ako, diba? O Hindi rin naman pweding hanggang dito lang ako, diba ulit? Paano kong mag cost cutting sila at matanggal ako? Maghahanap ng bago?. Alam mo, magmula noong makahanap ako ng trabaho dito sa Saudi Arabia at magsimulang kumita ng salapi, parang malabo pa rin sa akin ang lahat. Parang hindi ko parin alam kung nasaan ako ngayon at kung ano pa rin ako ngayon? Kung ano pa rin ako bukas. Alam mo na ang ibig kong sabihin, hindi ka naman bobo e. Parang ‘yung nagtatrabaho ako ngayon, pero para lang ba kumita ng pera? Minsan kasi naiisip ko na gusto kong magtrabaho para magkaroon ng sense of being, alam mo ‘yun? ‘yung magtatrabaho ka dahil gusto mo, hindi dahil lang sa “pera”. ‘yung pakiramdam mo may pakinabang ka sa mundo dahil sa mga ginagawa mo. Ang sarap ng feeling ng ganun,diba na naman?
Alam mo ba, noong bata pa ako e pangarap kong maging pintor? Oo,pintor! Gusto kong maging artist, tingin ko kasi sa kanila, cool sila. Mangha ako sa mga gawa nila. kaya nga noong nasa college ako e gusto kong mag-shift ng fine arts kaso walang nagsabi sa akin na “kung saan ka Masaya, suportahan ta ka”, kaya ang nangyari ipinagpatuloy ko parin ang kurso ko, kahit hindi ko siya feel. Kaya ayun ang nangyari ay laging nagsasabong sa mga grades ko ang 2 at 3.
Bilib ako dati sa aking pagpipinta, kahit anong makita ko ginagaya ko o maisip ko ay pinipinta ko, kahit ang kinakalabasan e parang minolestya ng 10 adik, Masaya parin akong tinitingnan ang aking obra (naks). Alam mo bang nanalo din ako sa isang pa-contest sa MSU? Oo, 1998 CBP, sumali ako sa pacontest sa pagpipinta, mga more than 200 ata ang sumali kung hindi ako nagkakamali. Ang theme namin is “Relation of man to the Nature” ata un. Basta guguhit ka lang about that. Naleyt pa ako ng dating noong magdo-drawing na, ang daming sumali pala, kinabahan ako sa una at naawa ako sa aking sarili, paano kasi pencil lang ang dala ko na wala pang pambura. Noong tingnan ko ang mga katabi ko, astig complete sa mga gamit, napailing lang ako. Pero the show must go on ika nga, tuloy ang laban ika nga ni Nonoy. Tumigil muna ako sandali at paulit ulit kong binabasa ang theme namin, hanggang sa makakuha ng idea. Ayun, gumuhit lang ako ng bilog, nilagyan ng mapa para magmukhang mundo, tapos nilagyan ko ng mga guhit-guhit para naman magmukhang basag na mundo, at finally nilagyan ko ng kamay ng tao na parang pilit niyang binubuo ang basag na mundo, cooooooolllllll..!!! nakihiram lang ako ng color pen sa katabi ko para makulayan naman kahit papaano. Pero sayang kasi hindi ko nakuha ang aking medalya, 5th placer pala ako, hindi na masama para sa isang bagohan. Paano kasi, ‘yun kaibigan ko, napagkasunduan namin na huwag umattend ng graduation sa CBP, ako tumupad sa kasunduan, siya hindi. Nakita kong nakaupo siya kasama ang ga-graduate din, napailing nalang ako ulit, nanghinayang. Lalo na noong matawag ang pangalan ko sa entablado, sobrang tuwa ko, pero hindi ko pinahalata, tahimik lang ako at sinisisi ang sarili lalo na ang aking kaibigan nanabotahe sa akin. Hindi na ako umakyat sa stage para kunin ang medalya ko, sapat na sa akin ang nalaman na kasama ako sa nanalo.
Siguro bored kana sa kakabasa nitong liham ko sa’yo, tiis lang malapit na ako matapos, unang liham ko naman ito sa’yo e, binasa mo na rin kaya tapusin mo na. Kanina pala habang naglalaba ako at pinagmamasdan ang pag-ikot ng mga damit ko sa loob ng washing machine, naisip ko na parang mas nakakahiligan ko na ang pagsusulat kaysa pagpipinta. Gaya ng lagi kong nasasabi, mahilig ako mag-isip, past time ko ‘yan. At dahil doon parang gusto kong makita ang aking imahinasyon, kaya ginawa ko ang pagsusulat, ito lang ang alam kong paraan para maging totoo ang imahinasyon ko, para maisalin ko sa papel at mabasa. Sa pamamagitan kasi nito nakikilala ko ang aking sarili, kung sino ako, at kung ano ako. Ikaw sino ka?
Malapit na tayo, ngayon kung gusto mong itanong sa akin kung ano ang gusto ko? sasabihin ko sa’yo. Gusto kong maging maayos ang buhay ko, gusto kong maging masaya, gusto kong maging totoo sa lahat, gusto kong maayos ang future ko hindi para sa akin kundi para sa magiging pamilya ko, lalo na sa magiging anak ko. Ayaw ko kasi maranasan niya ang mga naranasan ko noong kabataan ko, ayaw kong maging ikalawang yugto siya ng aking buhay.Sana kung anuman ang maging kapalaran ko dito sa planetang ito, sana maging Masaya talaga ako, ‘yung 100% saya? Parang 100% cotton. Hindi naman sa hindi ako Masaya ngayon, Masaya naman ako kahit papaano lalo na’t nabibili ko halos lahat ng gusto kong material na bagay at nakakapagpadala ako ng pera sa nanay at tatay ko, na hindi na nila kailangan magtrabaho pa at nakakatulong ako sa pag-aaral ng mga pinsan ko. pero ibang saya ang hinahanap ko, ‘yun deep inside na saya. Ang maging masaya, taas noo kahit kanino.
Basta, tamaguchi, Chula, ammpphhfufufufu, tiktaktikatak, churva ekek, chuva chenes eklavo. (wala lang)
Nagtsisismis sa’yo,
Akoni
No comments:
Post a Comment