Ganito nalang ba palagi? Ganito nalang ba palagi? Ganito nalang ba palagi?
Katanongan umiikot ngayon sa akin isipan, nag-umpisa ‘yan kaninang breakfast namin ng mga kasamahan at kaibigan ko.
Kaninang umaga pagkagising ko, parang hindi maganda ang mood ko. ‘yung gusto mo e nakahiga ka lang, alam mo un? Parang nakadilat lang ang mga mata mo pero blanko ang isip mo. Nakakatawa minsan kasi pag may nakakita sayo na ganun ang mode mo ay magtatanong ng “Hoy, nakatulala ka dyan, Ano ba ang iniisip mo?” e kaya ka nga nakatulala dahil blanko ang isip mo tapos itatanong sa’yo kung anu ang iniisip mo? Halluuueerrrr. Minsan nangyayari sa akin yun ung nakatingin lang sa kawalan ng mga ilang seconds pero wala akong iniisip, siguro nagha-hang lang minsan ang utak ko.
Habang salo-salo kaming kumakain kanina ay nag-uusap-usap kami, typical na nangyayari sa hapagkainan. Pero kung iisip ko ngayon kung anu ang mga napag-usap namin ay wala akong maalala maliban sa isa. “Ganito nalang ba palagi?” Biglang sambit ng kalbo namin kasama, pagkadinig ko don ay parang hinigop ng katawan ko ang katanongan na ‘yun, hindi ko alam kung bakit. Tinanong ko siya kong anu ang ibig niyang sabihin? Anak ng bakang baog, wala daw sabi niya sa akin habang naghuhugas ng plato at tinutulongan ko siya.
Pumasok ako sa aking kwarto, nanood ako pero nandon parin ang tanong sa aking isipan. Hindi ako mapakali, kaya kinuha ko ang tuwalya ko para maligo. Putchang palaka, pati sa shower ay naiisip ko parin ‘yun.
Gusto kong sagotin ang tanong na ‘yun sa aking sarili, kaya humarap ako sa aking computer, nagsimulang mag-type baka makahanap ng sagot. Tinanong ko ang aking sarili, ganito nalang ba palagi? Pero madaming pumapasok na sagot sa isip ko, hindi ako makapili ng tamang isasagot ko. Siguro ang pinakamalapit na sagot ko don ay dahil sa situation namin mga OFW.
Ganito nalang ba palagi? Laging pakiramdam mo ay nag-iisa ka, lagi nalang may pressure sa sarili mo dahil sa mga mahal mo sa buhay sa pilipinas. Puro nalang pag-aalala sa kanila ang iniisip mo. Alam ko, inaalala din nila kami at iniisip pero hindi nila nararamdaman ang pressure cooker na nararamdaman namin dito. Ang dami namin tinitiis para lang sa kanila. Hindi sa nanunumbat ako, pero minsan gusto din namin makaramdam ng kaginhawaan kahit sa kalooban lang namin.
Malungkot ang buhay namin dito, once a month lang ata kami napapangiti ng totoo dito, ‘yun ay tuwing sasahod na. Pagkahawak sa sahod namin ay ang mga mahal na namin sa buhay ang unang maiisip namin. Hahatiin ang sahod ng ilang beses na hati dahil kailangan din namin magbayad ng utang. Oo, mayaman kaming mga OFW, mayaman sa utang dito. Minsan nakakalungkot lang isipin na hindi mo lang mapagbigyan ang kamag anak mo o kaibigan ay tatawagin ka na nilang ng “nagbago ka na” at sasama na ang loob nila sayo. Hindi nila naiisip na kumakain din kami dito at hindi libre ‘yun.
Mahirap ang situation namin dito, dahil malayo kami sa mga mahal namin sa buhay. Hindi kami komportable dito, nakikitira lang kami dito, wala kaming karapatan dito, alila kami dito. Nakalimutan na nga namin kung paano mag-saya e, ‘yung katulad noong mga panahon na nasa pinas pa kami? hay, pero kailangan parin namin manatili dito, kailangan parin namin magtiis dito para sa mga mahal namin, para sa future na magiging anak ko at ng pamilya ko. Hindi ko alam kung hangang kailan ang kailan?
Gustohin ko man umuwi ng pilipinas, pero ano? Ano gagawin namin dun? Gugutomin ko nalang ang pamilya ko? hahayaan ko nalang silang maranasan nila ang naranasan ko nun? Gagawin kong part 2 sila ng naging buhay ko nun? Ano?!! Ha?? Bakit?!! Bakit ba ang drama ko ngayon?! Hahaha..paker, madapa ka!!!
Ganito nalang ba palagi?
No comments:
Post a Comment