nuffnang

Wednesday, April 9, 2014

Ano ang nangyari…





Ganito ang nangyari, pagkatapos ng maraming taon pagiging OFW, napagdesisyon kong umuwi na ng Pilipinas for good, for bad, for average, for love, for care, for lust, etc…

Ganun nga ang nangyari, nandito na ako sa Pilipinas. Sa una masaya, sempre dami pera eh, dami ipon, Don Juan!  Tapon don, tapon dito. Kalat dito, kalat don. Bawal magtapon ng basura.

Kaya ganito na ang nangyayari ngayon, ubos ang ¾ sa pera. Ngayon tipid dito, tipid don. Bawal magkasakit, lalo na ang magmahal (hey para yan sa mga tambay na wala pang asawa). Naging typical father na lang at tambay sa bahay, at ilang buwan na lang ay puwedi nang sumali sa that’s my tambay ng Eat bulaga. Pero masaya, namiss ko din ito eh, nakakapagod pero masaya, oo masaya. Putangina ang saya!

Maghanap ng trabaho, ah hindi mag-apply, that’s my shit now. Tanong don, tanong dito. Putanginang Pilipinas. Kailangan ko ng kaperasong papel para matanggap sa trabaho, yes, kailangan kong pumasa muna sa Civil Service. Nakalimutan kong nasa Pilipinas pala ako, ito yung bansa na kailangan maganda ang nakasulat sa resume mo kesa alam mong gawin, at kahit alam mo na ang trabaho kailangan may papel kang itatapal sa puwet nila. And yes, kailangan kilala mo ang putanginang boss nila o isa sa boss nila. Tatanggapin ka hindi dahil sa kung sino ka o dahil sa karunongan mo kung hindi dahil kilala mo si kuwan, anak ka ni kuwan, kamag-anak ka ni kuwan, etc... Tawagin na lang natin, REPUBLIKA NG KUWAN ang Pilipinas.

Almost 10 years ako nawala sa Pilipinas, isang dekada halos, oo, inulit ko lang. Ang hirap pala magbalik pilipinas, una, wala kang aabotan sa mga kaibigan mo. Syempre, noong umalis ka ipinagpatuloy nila ang kanilang buhay…na wala ka. Puno na ang dyip ng buhay nila, gustohin ka man nila isakay, wala ka nang masisingitan pa. Suwerte ka kung pasabitin ka. GAGO!

Pagtading mo’y hahanapin mo ang iyong sarili, mag-iisip at magtatanong. Saan nga ba tumigil ang buhay ko noon dito sa Pilipinas? Oo, kailangan mong hanapin ang dating “ikaw” na iniwan mo dito sa Pinas para makapagpatuloy ka. Bumalik ka sa nakaraan mo, kailangan mag-umpisa don sa sitwasyon mo nong bago ka umalis. Kailangan mo uli hanapin ang sarili mo, ang dating sarili mo. Yes, pang maalaala uli ang peg mo.

Pero kahit ano mangyari o nangyari, there’s no place like home.






5 comments:

  1. waahhh , dito ka na pala sa 'Pinas ... welcome back to home sweet home : )

    ReplyDelete
  2. mahirap talaga dito sa pinas. pero mas mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay. welcome back :)

    ReplyDelete
  3. yown, next month ako naman ang sasabak dyan! hehe! kayang kaya natin yan, basta, laging tandaan walang maling desisyon, nasa diskarte at paninindigan lang yan! =)

    ReplyDelete
  4. nako i feel you, bilang ofw, pero sa ngayon ala pa ko balak mag retire. mahirap talaga sa atin. ang bulok ng sistema no? kaya di tau umaasenso. haist

    ReplyDelete
  5. naisip ko...ano kaya mangyayari sa akin pag ako'y umuwi rin...

    http://ofwsadisyerto.blogspot.com/

    ReplyDelete