nuffnang

Wednesday, June 6, 2012

KM3: TINIG (Anong tinig?)



Tinig?

Ano ‘yan?

Tao ba ito?

Pagkain?

Bagay?

O lugar?

Kailan pa nagkaroon ng tinig ang mga tulad kong hampas lupa, kaming mga dukha, kaming mga salat sa buhay? Wala kami niyan, hindi naririnig ang mumunting tinig namin, nandito kami nakagapang sa lupa, nakatingala sa inyo, at inaapak-apakan ninyo.

Walang nakikinig sa amin o walang nakakarinig sa amin, kung may makinig man, walang umiitindi o makakaintindi, kung may umitindi man, walang magbibigay o magpapahalaga, lahat na bingi sa mala-kulog na tinig ng salapi.

Sa panahon ngayon, salapi ang tinig ng mga tao, kung wala ka nito, wala kang tinig, walang makikinig sa’yo, para kang isang pipi. Mabubulok ka nalang sa isang tabi na wala man lang makakarinig sa’yo, walang lilingon sa’yo, bingi sila sa mga hinaing mo. Wala kang salapi eh, kaya mamatay kana dyan.

Ang tinig na ‘yan ay para lang sa mga mayayaman, para lang sa mga may salapi, sila lang ang pinapakinggan. Malakas ang tinig nila dahil sa boses ng salapi, lahat nakikinig, lahat sumasamba, kaya nito mapapintig ang mga tainga sa isang sitsit lang.

Kung sino pa ang may tinig, sila pa ang mga bingi, gusto nila sila lang ang pinapakinggan, gusto nila sila lang ang may tinig, sila lang may karapatan. Apektado na pati narin paningin nila at pakiramdam, mga manhid na sa mga tulad ko. Kaya mamamatay nalang kami dito sa isang sulok na umiiyak, nagmamakaawang humihingi ng tulong habang lumulubog sa kumunoy ng kahirapan.

kaya ano itong pinagsasabi mong tinig?

Wala ako niyan, umalis ka sa harapan ko baka masipa ko mukha mo. Lalabas ako, gagawa ng paraan para magkaroon ng kunting tinig. Nakikita mo ba ang lalaking iyon? Mayaman yan, maraming salapi sa bahay nila, isa ‘yan sa mga nabingi ng tinig ng salapi. Siya ang magbibigay sa akin ng boses, siya ang tutupad sa pangarap kong balang araw magkakaroon din ako ng TINIG.



10 comments:

  1. wow nakahabol...goodluck pre :)

    ReplyDelete
  2. ang galing sir akoni.... goodluck sa iyong entry!.. :D

    ReplyDelete
  3. tinig = salapi

    super check! dumedeep ang show brotha, matindi! me like...^__________^

    good luck!

    ReplyDelete
  4. Ang siga ng entry eh
    Gigil na gigil? Hehehe

    PS: Wala pa rin akong dinesign na header. Ako na tamad. Hahaha!

    ReplyDelete
  5. iniintay ko talaga ito parekoy hehehe

    riyalidad na pangyayari..

    ReplyDelete
  6. habol pre ah...
    gigil at my pinaghugutan ang mga salita mo.
    parang sumasalamin lang sayo ah. hehe

    ReplyDelete
  7. Goodluck akoni :)

    ang diin ng pagkakatipa sa keyboard ah ... hehehe

    ramdam ko ang akda.

    ReplyDelete
  8. Ang angas nito ser!
    Lalaban talaga!
    Konting comment lang baka masipa ako...

    ReplyDelete
  9. Aalis na nga't baka masipa pa ako. Ano ba yang pinagsasabi mong Tinig ha Akoni? Sinong gago ang nagtanong sayo niyan? Lol.

    Alam mo, totoo naman na kapag may salapi at nagdikitan na ng kapangyarihan ang ating mga sarili, malakas pa sa kulog ang tinig, pero kapag nalalanta at nanagupa ang kamangmangan, kahirapan at kawalang bilib sa sarili...hindi malayong nakabibingi ang Tinig. Iyon ang reyalidad. Kung hindi man pantay ang tinig, malay natin sa kabilang daigdig, walang tinig ang pantay o nakalalamang.

    Maraming salamat sa pakikiisa sa KM3.

    ReplyDelete