nuffnang

Saturday, December 31, 2011

Huling paalam


Kahapon ang huling paalam ni Gat Jose Rizal, at ngayon naman ang aking huling paalam sa taong 2011. Kaya bago pumasok bagong taon 2012, nais kong balikan ang mga nakaraan post ko na nagbigay kulay sa akin bilang isang "manunulat".

Pipili ako ng 3 paborito kong blogs sa bawat buwan.

JANUARY

ANG BABAE - My first blog, hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit tungkol sa mga babae ang kauna-unahang blog na naisulat ko, hindi naman ako babaero, malandi lang.

DEAR YOU - Paborito ko dahil punong-puno ng emotion, tinatalakay ko dito ang aking sarili. Kinukwento ko sa'yo, kaya DEAR YOU. Isa sa mga unang naisulat ko nung nag-uumpisa palang ako magsulat na wala pang blog site at hindi pa ako dito malandi sa mga gamit na salita, in short, medyo seryoso pa ako dito.

MGA TSUK-TSAK-TSENES KO SA BUHAY - Ang beki lang ng title, tungkol sa pananaw ko sa buhay, mga kung anu-anong ka-tsuk-tsak-tsenesan. Tungkol sa puso at isip ito, isa ito sa paulit-ulit kong binabasa, feeling ko kasi ang galing-galing ko kapag binabasa ko.

FEBRUARY

GUSTO KONG MAGKASALA...-hahaha, natawa na ako dahil umiyak ang heaven ko habang binabasa niya ito. Gusto ko lang naman magkasala eh.

LOVE STORY-AKONI - Kwentong pag-ibig ko, 100% true story. Mahaba ito, umabot ata ng 7 episodes. My first romance-comedy story! Kikiligin ka sa tuwa.

MGA PAGKAIN PAMPASAYA - Tungkol naman sa mga pagkain na magbibigay kasiyahan sa atin katawan. Gusto ko ito dahil mahilig ako sa pagkain, kaya recommend ko ito sa mga emo.

MARCH

TIME MACHINE - Naisulat ko ito dahil sa mga nababasa ko nun na sana daw ay may time machine para mabalikan nila ang kanilang nakaraan, pero umangal ako, ayaw ko ng time machine.

SWERTE SA BUHAY - Kailan mo masasabi sa sarili mo na maswerte ka sa buhay?

DIARY - One of my all time favorite. Dahil sa diary, naging blogger ako kaya tribute ko ito sa kanya.

BLOG-IBIG - 55 % Fiction, 45 % True story, and 5 % trip lang. Gamit sa kwentong ito ang pangalan ng mga bloggers. Hindi ko nagawaan ng book two..LOL

Marami ako paborito na blog sa buwan ng Marso, pinilit kong pigain sa tatlo pero hindi talaga puwedi, kaya apat nalang.

APRIL


BATA - Tungkol sa mga bata nun at bata ngayon. Naisulat ko ito dahil sa nangyari kay Jun-jun, naaalala niyo ba ung insedente sa programa ni Wellie R.?

WHAT THE FACTS - Mga FACTS na hinaluan ng kalokohan.

KILI-KILI - Ito naman ay tungkol sa power ko, hindi kili-kili power ah, pero parang ganun na din. Para sa mga hindi nakakaalam, may kakayahan ako magpagalaw ng isang bagay na hindi ko hinahawakan.

MAY

THE SUPER FRIENDS - Tungkol ulit sa mga pagkain na may kapangyarihan. Matutuwa ka dito, kilalanin mo ang mga super friends ko.

MGA DAPAT IHANDA KAPAG MAGMAMAHAL - Kapag magmamahal tayo ay hindi natin talaga maiiwasan na masaktan, pero may mga tips ako na dapat ihanda mo kapag magmamahal ka. Lalo na sa mga taong sobra kung magmahal.

USAPANG PAG-IBIG - Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, walang pag-ibig sa buhay ko.

JUNE

LOKOHOSCOPE - Gusto mo bang malaman ang interpretation ko sa iyong Zodiac sign? Alamin ang kapalaran batay sa Kalokohan at guni-guni.

ANG ALAMAT NG "LALAKE" AT "BABAE" - Malalaman mo dito kung bakit "lalake" ang tawag sa mga lalake at "babae" naman ang tawag sa mga babae. Ito ang alamat...

BAKIT TATAY, DADDY, PAPA O AMA? - Ito ay pagpapaliwanag kung bakit tatay, daddy, papa o ama ang tawag natin sa mga nagdonate ng sperms sa atin ina.

JULY

SILANG MGA PRUTAS - Naging paborito ko talaga nun ang gawaan ng blog ang mga prutas, mga katotohanan tungkol sa prutas na hinaluan ng kunting kalokohan.

BACK TO THE PAST/FUTURE - Buhay OFW, tungkol sa paglalakbay namin papunta sa future at past.

SALAMAT SA KANILA - Naging malupet man sa atin ang mga mananakop, may dapat parin tayong ipagpasalamat sa kanila.

AUGUST

Lil Akoni - Isinilang ang totoong magdadala ng pangalang AKONI.

PAMAHIIN 2012 - Isa sa mga pinagsisihan kong post, hindi natuwa si mama at si ate, sorry ate and mama, i love you both.

Dalawa lang tutal apat naman sa Marso eh, para balanse.

SEPTEMBER

ANGEL SA LUPA - Tribute ko sa mga kaibigan ko, mga angel sa lupa.

ANAK NG OFW - Para sa mga anak ng OFW na may hinanakit sa mga magulang. Dapat maitindihan niyo, anak kayo ng OFW.

BAGAHE NG ISANG OFW - Hindi ang bigat ng bagahe namin ang nagpapahirap sa amin mga OFW tuwing aalis kundi ang bigat na nararamdaman namin.

OCTOBER

MGA DAPAT MAIMBENTO BAGO AKO MAMATAY - Tungkol sa mga gadgets na puweding mangyari o maimbento sa hinaharap.

TRIVIA: uhaa..uhaa..: Bakit umiiyak ang mga sangol pagkapanganak galing sa sinapupuna ng ina?

BIYENAN - Tribute ko sa biyenan ko. Anong relasyon mayroon kami ng aking biyenan?


NOVEMBER

KATOTOHANAN: DALAWANG BESES TAYO PINANGANAK - Napag-alaman ko na dalawang beses pala tayo pinanganak at nanganganak din ang mga lalake.

TAONG LOBO - Tungkol sa lalakeng may kakaibang sumpa, paborito ko ito, dami ko tawa habang sinusulat ko.

NAMIMISS KITA, NGUNIT HINDI AKO MAGBABALIK SA'YO - Isa ito sa maipagyayabang at maipagmamalaki kong accomplishment sa taong 2011. I am so proud of my self, no f*cking.

DECEMBER

THE ADVENTURE OF TONTON - Hindi makakalimutan nangyaring kababalaghan sa akin buhay.

SA ISANG GASOLINAHAN - Isang kwentong punong-puno ng emotion, kathang isip na pangyayari. Hindi lang tatlong beses ko nabasa ang storya na ito. Kung baga ay pang FAMAS sa akin ito.

TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS - Ito ang dahilan kung bakit ako nanominated bilang R-18 blogger of the year sa TABA AWARDS 2011. Hindi pa tapos pero pipilitin magkaroon ng ending!


Sana ay napasaya kayo ng Akonilandiya, MALIGAYANG BAGONG TAON!!!




10 comments:

  1. happy new year pre, bukas ko na basahin post mo just wanna greet muna!

    ReplyDelete
  2. hahah, kailangan may recap talaga bago magtapos ang taon. hehehehe :D

    Happy New Year sir Akoni!

    ReplyDelete
  3. Happy New Year! More post next year. Di ako pwede mag-gawa ng ganto, madaming laktaw. LOL.

    ReplyDelete
  4. hindi ko nabasa ang karamihan sa mga posts mo ngayong taon, kasi, newbieng tutubi pa lang akong palipad-lipad from 1 lungga to another, pero pwamis sa 2012, tatambay ako sa bahay mo hanggang sa ikaw na ang mauta haha :) happy new year akoni!

    ReplyDelete
  5. Happy new year YOW...

    Khanto - Oo parang sa telebisyon lang..puro replay..hehe. Happy new year sana manalo ako sa pakontes mo.

    palakanton - ayos lang di magbasa, mga replay naman yan eh..hehe happy new year din sayo.

    ReplyDelete
  6. Maligayang Bagong taon!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  7. Yeah, puro replays ang mababasa sa mga blogs ngayon. Nakakatuwa. Pero iba yung sa'yo 'cos imbes na highlights ng 2011 mo ang feature, mga fave articles mo. :) Unique.

    Happy 2012 sa'yo. Keep your stories coming!

    ReplyDelete
  8. manigong bagong taon sa iyo! ung tungkol sa ofw ang pinakagusto ko'ng post ;)

    ReplyDelete
  9. Happy New Year kptid! :)

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete