nuffnang

Friday, December 2, 2011

Ang alamat ng "LMAO"


Isang gabi nag-inuman ang dalawang magkaibigang Arjie at Nad, at sa bakuran ng bahay ni Arjie nila ito ginanap. Pikonin si Arjie kapag nalalasing, tumatahimik at minsan ay bigla nalang nanununtok. si Nad naman ay laugh trip, wagas kung makatawa parang wala nang bukas.

"Hahahahahahahahahaha!!!! Pareng Arjie, tagay ka pa...hahahahahahaha" Alok ni Nad kay Arjie, pero parang nakatulog na si Arjie dahil sa kalasingan. "hahahahaha...gagong 'to tinulogan ako, HOYYYYY ARJIE!!!!!!!! Hahahahahah" Panggugulat ni Nad kay Arjie. Napikon si Arjie sa ginawa ni Nad, nagulat eh. "PusangINA naman oh!!" Biglang bangon ni Arjie. "Hahahahaha pareng Arjie, lasing kana, wala ka pala sa akin eh..hahahahaha" Panunukso ni Nad. "Pusang ina 'to ah, eh ano pakialam ko hayop ka?" Galit na sagot ni Arjie, pero malakas na tawa lang ang ganti ni Nad. "Pusang ina, pasok muna ako sandali, dyan ka lang" Galit parin na sabi ni Arjie kay Nad at ganun parin si Nad, tawa parin ng tawa. "Hahahahahahahaha, Arjie, papasok ka? Magsusumbong ka sa lolo mong panot? hahahahahaha, mag sumbong ka pa sa lola mong kakapatak lang ang huling regla kahapon, hahahahhaha" patuloy parin sa pagtawa si Nad.

Hindi na sumagot si Arjie, pumasok nalang siya sa loob. Makaraan ang ilang minuto, lumabas si Arjie na may dalang napakatalim na Samurai. Lalo pa siya nagalit ng makitang naka-brief lang na tumawa si Nad, nakapamewang pa ang loko, parang si Mr. Pogi ng dragon ball Z kung makatawa.

Nad: Hahahahahaha....ang preskoooooooooo..hoooooo..hahahahahha

Patuloy parin sa trip si Nad, at si Arjie naman ay dahil sa nadagdagan pa ang pagkapikon niya kay Nad, pinuntahan niya ito at biglang tinaga ang kaibigan, pero dahil may tama din ng alak si Arjie, hindi niya napurohan si Nad. Ang puwet ni Nad ang natapyas at natanggal, bumagsak sa lupa habang tawa parin ng tawa si Nad.

Nad: LMAO!



7 comments:

  1. hahaha..natawa ako sobra. LMAO nga. My God brother you are a henyo.. Galing galing. sana may ganyan din akong guni guni.. kakaloka ka..

    ReplyDelete
  2. Hello pretty ladies...hehe.Thanks mayen, quota na ako dahl natawa ka..Mama, oo Laughing My Ass Out ibig sabihin...hehe..out ang puwet..LMAO..sleep na me..4am na!

    ReplyDelete
  3. next naman ung alamat ng shet hehehe

    ReplyDelete
  4. grabe naman si nad......natanggal na ang puwet at natapyas tawa pa rin ng tawa.......

    ReplyDelete
  5. akalain mo na yun pala ang alamat ng LMAO! :D eto dapat ang sinusulat sa libro ng elementary, maraming matutunan talaga! :D

    ReplyDelete
  6. Hehe.. so eto pala ang kwento ng LMAO. Now I know. Lols.. LMAO! :P

    ReplyDelete