Today, first of January 2012 it is 1 year since I launched this blog and oh boy have I learned a lot about being a blogger? I sure have. When I started it was just because I thought it could be fun to have something to be mine on the internet and bakit ako nag-e-English?
Kung hindi kayo nagkakamali, nag-umpisa ako magsulat nung 2009. Pero hindi ko pinapabasa, sinasarili ko lang (mahilig talaga ako magsarili), wala lang trip ko lang magkwento sa sarili ko, close kami eh. Hanggang sa madiskubre ko ang exclusive site para sa mga MSUans, ang GMN o Global Msuans Network. Bilang taga Mindanao State University, nagsign-up ako at don ko nakita ang "blog post."
Nung una, nagdadalawa at kalahating isip ako na magpost, iniisip ko na baka pagtawanan lang ako ng kung sino man makakabasa. Kaya ang ginawa ko nagtesting post muna ako, gusto ko muna alamin ang magiging reaksyon ng mga membro don. Hindi ko matandaan ang testing post ko, parang ang title ata nun eh “Mga katanongan ko sa buhay” na karamihan naman ay nababasa ko lang sa mga pader sa internet, gusto ko lang naman malaman ang reaksyon ng mga makakabasa.
May nag-comment at tawang tawa daw siya, pagkabasa ko don ay parang may kakaibang kaligayahan na kumalat sa buong katawan ko, parang gusto kong magkaroon ng multiple orgasm sa mga sandaling 'yun dahil sa saya na nararamdaman ko, at doon ko na naisip na magkalat ng katatawanan sa mundo ng internet kahit kunti lang ang kakayahan ko. Nagsulat ako agad ng blog, ito ay ang “Ang babae”, marami ulet ang natuwa, kaya lalo ako tinigasan na magsulat pa ng madami, at doon na nag-umpisa ang lahat.
Ang kaibigan kong si Delfs ang una kong pinapabasa sa mga sinusulat ko bago iposte, pinapaaprobahan ko muna sa kanya kung nakakatuwa ba o nakakagago ang sinusulat ko, lagi naman okay sa gago. Lagi niya sinasabi sa akin na gumawa nalang daw ako ng sariling blog site para magkaroon ng mga basahero at malaman ko kung anong klase akong “manunulat” at anong klase ang mga sinusulat ko.
Ang problema eh, wala akong alam sa tinatawag na blog site na ‘to. Doon naman pumasok sa eksena si AL-MUSINGAN, ang mahiwagang dragon. mayroon akong libro nun ni Bob Ong ang “Kapitan Sino”, kaya nung magsabi sa akin na hihiram daw siya, naisip ko na magandang pagkakataon 'yun para humingi ng pabor sa kanya. Pumayag akong ipahiram sa kanya ang libro ko sa dalawang kondisyon, mag-pole dance siya sa harap ko ng 5 minutes at another lap dance for 5 minutes ulet, syempre hindi siya pumayag dahil hindi naman totoo 'yan (shet nakapagsinungalin na naman ako, nakakaliit pa naman ng putotoy ang pagsisinungaling), kaya sabi ko na gawaan nalang niya ako ng blog site, mabilis naman siyang nakipagdeal na parang pulitiko. Doon na nag-umpisa ang lahat at heto ako ngayon, kinukwento ko sa inyo kung paano ako napadpad sa mundo ng blogging.
Tulad ng nasabi sa unang paragraph, ang unang intension ko nun ay magkaroon ako ng “bagay” sa internet na matatawag na pag-aari ko, galing sa utak ko/sariling gawa ko. Ang pangalawa ay ang makaguhit ng ngiti sa masasarap niyong mga labi, pero may mas maganda pa pala, lalong lumawak ang pananaw ko sa buhay, sa mga bagay-bagay. Nalaman ko na maganda pala magkaroon ng blog site kapag petiks ka sa trabaho, lalong nahasa ang “skills” ko sa pagsusulat at pagpetiks sa work na hindi mahahalata ni boss, at nagkaroon ako ng mga friends at imaginary friends.
Ngayon pinagdiriwang ko ang isang taon ko bilang isang full pledge blogger, sana ay tumagal pa ako ng isang taon o maraming taon, sana ay 'wag muna pumurol ang utak ko, sana ay 'wag tamarin ang mga daliri ko sa pagtitipa, at sana ay 'wag mag "sabaw" ang pag-iisip ko na lumikha ng mga kwento, kalandian man o seryoso.
Sa mga basahero ko, maraming-maraming salamat sa inyo. Naging malaking bahagi kayo upang ako'y hindi matigil sa pagsusulat ng mga guni-guning ligaw at mga giniling na kalokohan. Aaminin ko, minsan dumadating ako sa punto na tinatamad na ako magsulat (choosss), pero dahil sa inyo pinipilit kong magtinga sa utak ko at pigain na makaisip ng mga akda na magpapasaya sa inyo. Sana ay napapasaya kayo ng aking mumunting kaharian hindi man kasing sikat ng ibang mga big time bloggers!
Maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta, I love you all!
MALIGAYANG BAGONG TAON LALO NA SA MGA MUKHANG DRAGON!
nasa kasarapan ka sir akoni ituloy ang pagbayo wag tumigil at baka may mabitin. Ilabas lahat ng katas at huwag hahayaang maipon lamang ito sa iyong sarili. Iputok mo. Sa loob man o labas basta iputok mo. Mabuhay ang kaharian
ReplyDeletehappy new year,,,nagpaputok ka?lol
ReplyDeleteayaw kong magmura pero pooteeekkk sa multiple orgasm haha..
sulat lng ng sulat hanggang tamarin tulad ko haha...
Umaarte???may approval??wooppps
ReplyDeletehahaha whats with the multiple orgasm!!! hahaha... happy anniv kuya habib! Alam mo hanga ako sa pagsusulat mo, nakaka-inspire talaga ang mga adik na katulad mo. MDito ko na-relaize na may mabuti din palang nagagawa ang pag-aadik! haha lol. Epic ka kuya. Isa ako sa mga umiidolo sayo. At kung mamatay man ako isa ka sa aawardan ko ng Gawad Jhengpot Award! bongga diba! Mabuhay ang mga sabog! hehehe
ReplyDeleteweppie... apinuyir..... anwyay... apianibersare sa iyo... ahahahha... isang taon ka na.... lactum lactum inum ka ng inum...
ReplyDeletehala ka, napakaliit na ng pututoy mo kakasinungaling nyaha!
ReplyDeletehappy 1st blogoversary syo at congrats, maTABA (r-18) ka na talaga!
happy new year.....
ReplyDeleteHappy New Year and Happy Blog Anniversary Kuya Akoni! :) More power to you and to your blog. :) Blog on!
ReplyDeleteTse! malibog!!!hehe Happy New Year! Happy Blogsary! Happy Peanut! Happy Haus Donut! Ano pan gusto mong happy ang dapat kong sabihin? hehe
ReplyDeleteWow ang sweet naman talagang kung minsan kailangan pa talaga magpiga ng utak ah? Parang effortless naman. Sakto lagi ang timpla. hehe.. Congrats sa isang taon mo kapatid. Hindi ka naman nagkamali sa inisip mo ba baka pagtawanan ka. Lagi ka naman namin pinatatawanan, ibang level nga lang. Magandang uri ng pag tawa. Naku wag mo kami iiwan.. mamimiss ka namin talaga..
ReplyDelete