nuffnang

Thursday, January 12, 2012

2 in 1


BARKER: [pasigaw] Oooohhh!! biyahe..biyaheng Akonilandiya, biyaheng Akonilandiya, basahero pasok na po, sakay na, maluwag pa, kunti nalang lalarga na, sa kaliwa po kulang ng isa, walohan po 'yan magkabilaan. Ooohh!!!sakay na po sakay na po, puwedi rin sumabit...

DRIVER: Puno na?!!

BARKER: Opo bossing...larga na.

DRIVER: Lalarga na po tayo, tumutok na po,  ito ang biyaheng Akonilandiya.

[RED]

[YELLOW]

[GREEN]

GO!!!

Parang adik lang ang intro noh?! Hindi ko alam kung anu ang nagpumilit pumasok sa isip ko at ganyan naisulat kong intro. LOL

Anyway, alam ninyo ba ang bagong Nescafe na 2 in 1, 'yung kape at cream lang, walang asukal?!! Kung oo/hindi, mainam dahil hindi tungkol dyan ang topic natin. Sponsor?!

PANGALAWA (2)

Ako'y nanalo sa isang pakontes. Oo nanalo sa isang pakontes ng kapwa blogger. Mukhang maganda ang pasok sa akin ng taong 2012 bilang bloggero, amen and amen. Siya yung sinasabi ko na naniniwalang ang mga tao ay nanggaling sa patatas at hindi sa unggoy o sa alikabok, ang tonto niya noh? Bilang selebrasyon niya sa kanyang blog dahil isang taon na rin itong nagbibigay ng katontohan sa madla, nagpakontes siya at syempre may premyo 'to, sekret. Questions and answer ang tonto niya, buti nalang may pagkatonto din ako, kaya ako ang nakakuha ng mataas na grado.

Kung kayo ay naghahanap ng katontohan sa katawan, handang magbasa ng mga nakakatonto na kwento, at mga katontohan na may temang R-18 dahil sa mga explicit words, siya na ang hinahanap ninyo.

Maraming salamat TONTO, aabangan ko ang package na premyo ko. *sana may cash* HAPPY ANNIVERSARY SA NAKAKATONTONG BLOG MO!

UNA (1)

Nakarecieved ako ng DM sa twitter nung January 7, 2012. Ganito ang sabi "Magbabalik ang featured blogger, pwedi ka?" Nagpaikot-ikot sa utak ko ang huling sabi niya, ang "Pwedi ka?" Sa tuwa ko nagkaorgasm na naman ako, naligo ako, syempre puweding-puwedi ako. Nilinis ko ang buong katawan ko, nagtoothbrush ako ng dalawang beses, nagmumug ng mouthwash, nag-shave ng B****l, at gumamit ng shower gel. Pagkatapos ay nagpabango ako, nag lotion sa buong katawan., at naglagay ng moisturizer sa mukha. Excited na talaga me sa imbetasyon niya, "Puwedi ka?" sumaglit na naman sa isip ko, muli, orgasm na naman ang nadarama. Pero naiba ang mode ko nung buksan ko ang e-mail ko. Shocked ako ate Xerex, kasi tatanongin lang pala niya ako, akala ko one night stand ang gagawin namin or magso-show kami sa web cam, iba pala ang pagkakaintindi ko sa sinabi niyang "Pwedi ka?" Sayang...

Hahaha, sa mga nalabuan dyan. Naimbetahan po ang inyong abang lingkod na kapayanamin ng isang kilala, bihasa at alamat sa pagsusulat dito sa blogspero. Natuwa ako dahil ang ma-featured sa kilalang DAMUHAN.COM ay isang napakalaking karangalan. Ako' lubos na nagpapasalamat sa author na si BINO, na itinuturing kong isang kaibigan dito sa blogspero at inaasahan na mag-level up ang friendship namin at umabot na ng personalan..LOOOL


Ngayon alam mo na kung  bakit 2 in 1 ang title ng post na ito. Oo nga pala, habang binabasa mo ito ay bumibeyahi narin ako papunta sa akin pinakamamahal na heaven. Kayo'y biyaheng Akonilandiya, ako naman ay biyaheng heaven. Kaya, ito ay isang schedule post, first time. hehe.

Maraming salamat, hanggang sa muling pagbabalik ng Hari ng Akonilandiya.





23 comments:

  1. galing nman parang hitting 2 birds in 1 stone...
    kaw na! [hehe]

    ReplyDelete
  2. Congrats ulit, ha.
    Sarap mo maging suki.

    ReplyDelete
  3. wow.. congratulations sa pagkapanalo mo sa kontes ni Tonto. Ay naintriga ako sa sekret na premyong yan.. :P

    Hahha! Tawa naman ako sa reaksyon mo sa tanong na "Pwedi ka?" LOL.. Ikaw talaga, akoni. hehe.. Congrats din sa pagiging featured blogger ng Damuhan sa buwan ng Enero. Yey! Burger naman jan.. Burger! Burger! :P

    ReplyDelete
  4. ingat po kahit di ko gets kung saan ang heaven na ito hihi =D ay teka uwi ka pong pinas?

    congrats nga pala ikaw na talaga ang sikat!=D

    ReplyDelete
    Replies
    1. masasagot na katanongan mo sa new post ko.

      Delete
  5. 2 in 1 nga, winner na, first featured blogger pa ng damuhan.com, ingat sa byahe pre

    ReplyDelete
  6. Ano yung heaven? Congratulations. Mukhang maganda nga ang taon mo Kuya. :) God bless. Babasahin ko pa lang ang panayam sayo. Naks, panayam!

    ReplyDelete
  7. hahaha. bilangin ang salitang tonto sa bawat talata ba ito? wat da! haha

    Ikaw na nga ang celebrity, new year na new year ikaw ang featured blogger! mabuhay ka kuya habib! ngayon ako na si jhengpot-NI. lels.

    Eh ang lagay sila lang ang may raffle at contest? Ikaw na featured blogger ng damuhan, tapos r-18 pa sa TABA, tapos nanalo pa sa pakontes ni tonto - eh wala ka man lang pabalato??? tsktsk. share naman your blessings kahit paagaw lang ng baryo oh. hahaha

    ReplyDelete
  8. sige try nating lumevel up ang ating pagkakaibigan. hahahaha

    ReplyDelete
  9. Nice, gsto q rn mameet si bino some other time, :))

    ReplyDelete
  10. congrats!! at numu-nuff-nang na a, kaya pala na-block ka na sa ofc explorer namin!

    ReplyDelete
  11. Akala ko about Nescafe 2 in 1 talaga pero now alam ko na kung bakit. Congratulations sa magandang pasok ng 2012 para sayo. Hala, natawa ako Tonto Potato. ang kulit.

    Yay, magkikita sila ni Heaven. Happy trip.

    ReplyDelete
  12. libreng landi na nafeatured ka pa!! hehehehe congrats simply me!!! (AKONI) hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat Quin, i will visit your blog soon. :) simply me. Akoni.

      Delete
  13. HAHAHHAHAHA
    nakakatuwa naman to XDD
    grabe LOL xD

    ReplyDelete
  14. weee.. congrats sa iyong napakaraming blessing...

    ReplyDelete
  15. Congrats sa pagkakapanalo mo sa kontes. Nakita ko lang din ang blog na to kay Bino, featured ka nga kasi. Wala lang. Hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang wala lang mong iyan ay mayroon sa akin. HUH?

      Delete
  16. Looks like maganda ang pasok ng 2012 ha. Cheers! :)

    ReplyDelete
  17. Salamat sa inyong lahat..kakabalik ko lang!! :)

    ReplyDelete