nuffnang

Tuesday, January 10, 2012

BOOK REVIEW: LUMAYO KA NGA SA AKIN



Kuha sa google
Hak! Hindi lang kayo ang marunong mag-book review, ito ang kauna-unahang book review na gagawin ko at baka ito na rin ang huli.

Ito ay tungkol sa bagong libro ni Bob Ong na pinamagatang “Ang pagbabalik ni Datu Iman sa Kampo” Jowk syempre, ito ay ang “Lumayo ka nga sa akin”.

Nagsimula lahat nung isang araw ng makarecieved ako ng text message mula sa aking butihin mudra na mapagmahal. 




GSM

Nanay: Anak nakuha mo na ung package?

Ganyan ang text sa akin ni Nanay:. Natawa ako kasi naisip ko 2 pm pala dumating eh, alangan pagkalapag na pagkalapag sa table/office  eh itatakbo na nila agad dito sa location ko. Isa pa, malayo 'tong lugar ko sa town, kaya nag-expect ako na before 4 pm na nila maipapadeliver dito.

Nagreply ako

Akoni: Wala pa nay, kakadaan lang ng UPS (mailman) namin pero wala binigay. Mamaya tawagan ko sila, ask ko.

Ganyan ang reply ko kay nanay. Natawa na naman ako ulet sa reply niya, parang hindi na siya makahintay na dumating na ang mga libro. Kaya nagdesisyon nalang ako tumawag sa office ng UPS namin, pero walang sumasagot. Hinayaan ko nalang, hindi ko matandaan kung nagreply pa ako kay mama o hindi, basta mga ilang minuto lang lumipas dumating ang mailman namin, dala ang isang plastic, spell Happines.

Nagtext ako agad

Akoni: nanay, nandito na. hehe tumawag ako walang sumasagot. Nasa daan na pla papunta d2 opis ko. Yes!

Ganyan ang text ko kay nanay. Sa sobrang tuwa ko hindi ko alam kung alin sa mga libro ang uunahin ko, pero dahil ung kay Bob Ong ang title nito ‘yung ang inuna kong basahin.

Habang binabasa ko. May ngiti sa akin mukha habang binabasa ko ang libro, pahinto-hinto nga lang dahil minsan tinatawag ako ni sir dahil may ipinapagawa. Nasa kalagitnaan na ako nung mag-alas kwatro na, uwian na namin kaya nagdesisyon ako na sa bahay ko nalang taposin.

Dahil natuwa ako sa nababasa ko. Kahit sa loob ng bus namin ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa, hindi ko alintana ang init at masamang amoy sa loob ng sasakyan namin, ang importante hindi naputol ang orgasm na nararamdaman ko sa aking pagbabasa.

Mga 10 to 15 minutes lang ang layo ng bahay namin. Tulad sa seks, importante minsan na ‘wag muna taposin ang init na nararamdaman, mas mainan at masaya kapag medyo patagalin para mas tumaas ang rurok na aabotin sa oras ng panghihina. Tips!

Dumating na ako sa loob ng aking kwarto. Nagbihis at nagsalamin para akitin ang aking sarili, joke. Nagbukas ako ng computer at ginawa muna ang mga kung anuman dapat gawin. Mga bandang alas otso na ng gabi, saka  ko na tinapos ang pagbabasa sa bagong libro ni Bob Ong na pinamagatang “Lumayo ka nga sa akin.”

Maganda!


Next book review: ‘wag lang ‘di makaraos…
  




21 comments:

  1. baka naman gusto mong isali sa book review mo ang paghiram ko ng libro mo.. paksyet... eksayted pa naman ako... ehehehehe.... pero ayos... isa kang alamat...

    ReplyDelete
  2. Hahaha..kanya-kanyang review lang yan..lol, don ko na isama sa next book review ko..lol

    ReplyDelete
  3. ok sa book review ah, kahit di tlaga ako mahilig magbasa ng libro naintindihan ko ang review mo!
    LOL natapos sa review naiwan un story ng book!

    ReplyDelete
  4. Hindi mo nabasa mama? ayun oh sabi ko "Maganda"...hahaha

    Palaka - hahaha, at least may book review parin, maganda..hehe

    ReplyDelete
  5. hindi lang sa movie review ka kamangha-mangha, pati sa book. ayus makabili nga ng libro na iyan..

    ReplyDelete
  6. booooooooooo lol
    kala k review kasi babasahn ko pa ung book n yan n bigay ng fren ko,,,sows...makaraos lng?jokes
    next time wag mang bitin sakit sa bangs :P

    ReplyDelete
  7. hahaha. hmmm, grabe yung book review mo.. may ganito officemate ko. nakakatuwa nga yung book. pero isang page lg nabasa ko. :)

    ReplyDelete
  8. ha ha ... ikaw na nagpasimula ng one-liner na book review " Maganda " ... he he ayos ka talaga Akoni ... 'pag lumabas na ang libro ko , i-review mo rin , pero 'wag naman one-liner , two lines mo naman he he ...

    ReplyDelete
  9. Yan ang book na kasalukuyang binabasa ko kapag may meeting kay mayor. nakakatuwa.

    ReplyDelete
  10. Rence - tama, enjoy basahin, pang masa.

    Edgar - Oo ba, pangarap ko magkaroon ng kaibigan na may librong napublished..hehe

    Sey - Oo nga, ang daming nagsidatingan na package..haha month ksi ng pareregalohan...hehe..may sakit u nun, i hope okay kana..

    ReplyDelete
  11. ang haba....super haba...ng conversation nyo ni momsie!
    tumambling ako sa haba..lol
    tapos na rin ako sa librong yan...masaya! yown lang! :D

    ReplyDelete
  12. hinanap ko ung book review dito. nasan??? hehehe

    ReplyDelete
  13. wot wot.... ayoko basahin dahil bibili ako nyan. :D

    ReplyDelete
  14. Ahahaha panalong book review ito. Ibang klase.

    ReplyDelete
  15. ang hhhhhhhhhhhhhaaaaaaaabbbbbbbbbbbbbbaaaaaaaaa tol..

    ang comment ko lang sa book review mo, "Maganda!"

    Hoho. Gaya-gaya. XD

    ReplyDelete
  16. exceptional ang book review ...


    hehehe..

    spoiler ka naman maxado..lolz

    ReplyDelete
  17. Ibang klase talaga iyang si Bob Ong....lalo na sa mga quotes niyang gawa......ang hindi ko nakakalimutan na quotes niya ay ito...

    "kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ang pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng isa pa kung mahal mo talagang tunay ang una."

    ReplyDelete
  18. ibang klase ka talaga kuya hihi ganda ng book review..ibang ibang version =D

    ReplyDelete
  19. Nung nakita ko yan nung new year sa national bookstore nag-dalawang isip pa ko. Sabi ko pa "Kay bob ong ba talaga toh" .. Di na ko bumili, for sure naman maraming bibili hhiram na lang ako. o kaya mas maganda ipa-raffle mo na lang yan kuya :) hahaha

    ReplyDelete