nuffnang

Wednesday, January 18, 2012

UNANG PUTOK: May tanong ka ba? May sagot ako eh.


Una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagpadala ng kanilang mga tanong, maraming salamat. Pangalawa, gusto kong pagsisihan na ginawa ko ang portion na ito dito sa Akonilandiya, dahil ang hirap pala sumagot ng mga tanong. Pangatlo, ang mga sagot ko sa mga tanong ninyo ay hugot ko lamaang sa sarili kong guni-guni, mga giniling na kalokohan, at mga tinga sa utak, kaya pasensya na sa mga naghahanap ng totoong kasagutan. Pang-apat, gusto ko lang magpatawa kaya kailangan ko ang kababawan ninyo. Umpisahan na natin ito, lezgow!!


"Unang tanong"

GALING KAY: Khanto

URL: www.khantotantra.blogspot.com

TANONG: Ang mga may cancer ba na nalalagas ang buhok, nauubos din ang buhok sa kilikili at ibaba?

SAGOT: Maaaring hindi at maaaring oo, depende. 

Maaaring hindi, dahil lubos na makapagyarihan ang kili-kili ng mga tao, kaya nga may kili-kili powers eh, diba?

Maaaring oo, dahil minsan humihina din ang powers ng atin kili-kili kaya maaaring maapektohan din ito ng Radiation o Chemotherapy. So, depende 'yan sa powers ng kili-kili mo.

'yung sa ibaba naman o tinatawag natin na b*lb*l. Kung sa babae, malamang hindi apektado dahil malapit ito sa balon at laging nababasa, kaya nananaliti ang kapreskohan nito. Pero kung sa lalake, siguro oo, sa kadahilanan  may ulo din doon at ang ulo ang unang nalalagasan ng buhok.


"Pangalawang tanong"

GALING KAY: Mama

URL:

TANONG: Bakit may isang tanong? Bakit ako maganda? Bakit panot si Pnoy?


SAGOT

Bakit may isang tanong? Dahil may isang ikaw. Bakit ako maganda? Dahil malakas ang feeling mo. Bakit panot si Pnoy? Dahil siya ang President ng Pilipinas at siya ang sumbongan ng taong bayan, kaya magsumbong ka sa lolo mong panot.




"Pangatlong tanong"


GALING KAY: RYCKZ

TANONG: Kuya Akoni, bakit orange ang tawag sa orange, kung gayun bakit hindi red ang tawag sa apple? hihihi

SAGOT:

Sa apple muna tayo. Hindi tinawag na red ang apple ayun sa kulay nito dahil may ibang kulay ang apple, mayroon din green, diba? Kaya kung tatawagin red ang apple, magagalit o aalma ang "team green apple", magkakaproblema tayo dyan. Hindi sila makakapayag, unfair din naman kasi, biruin mo green apple tapos red ang tawag, diba? Kaya para maiwasan ang gulo sa pagitan dalawang team, apple nalang ang napiling itawag para fair sa billing.

Bakit orange ang tawag sa orange. Nung binibigyan ng pangalan o tawag ang lahat ng prutas, ang orange ang pinakahuling nabigyan ng pangalan. Sa dami ng prutas na bininyagan ng pangalan o tawag ay sobrang nahapo sila, kaya nung turn na ng orange ay tamad na sila mag-isip at  naubusan na sila ng ideas kung anu ang itatawag nila sa orange. Kaya para matapos na sila, tinawag nalang nila na orange ang orange ayun sa kulay nito para matapos na ang lahat.


"Pang-apat na tanong"

GALING KAY: Leah


TANONG: Bakit tinatawag minsan na "Blue blood" yung mga "Royal blood"..Bakit? Blue ba talaga ang blood ng mga Queens, Kings, at kanilang mga kaanak?

SAGOT:

Hindi totoong blue ang dugo ng mga Queens, Kings at kanilang mga kaanak (Royal bloods). Base sa experience ko, napatunayan ko ito na kulay pula din ang dugo nila nung unang gabi namin  ng ex-gf ko na royal blood o blue blood, nakita ko RED talaga. Tinawag silang blue blood dahil sa katayuan nila sa buhay, mataas ang kanilang pamumuhay at tinitingala sila ng mga tao. Nakuha ang tawag na 'yan (Blue blood) base sa kalangitan, kulay blue ito, mataas at tinitingala. Kaya ang blue blood ay dugong langit, mataas at tinitingala!



"Panglimang tanong"

GALING KAY: Mustasa

URL: www.facebook.com

TANONG: Kamusta ka?

SAGOT:

Maputi naman ako, ikaw kamusta ka na, maitim ka parin ba? Natanggap mo ba yung pera na pinadala ko sa'yo? Bayaran mo ang utang natin sa tindahan ni Aling Maria ha?

Si Jun-jun, 'wag mo pinapabayaan, may umaabot na balita sa akin na habang lumalaki daw si Jun-jun ay nagiging kamukha ni Kumpare, pero ayos lang yun sa akin dahil ang pogi naman ni pare eh, sana sa kanya talaga magmana si Jun-jun para may chance na maging artista si Jun-jun natin, diba? Oo nga pala, si Junior nakapagpatuli na ba? Ga-graduate na sa College ah, sabihan mo kasi na walang namamatay sa tuli, saka 'wag kamo mahiya na malaki na siya, kasi kamo mag-asawa na tayo nung magpatuli ako diba? hehehehe, naalala ko na naman 'yun.

Sige lagi ka nalang mag-iingat Mustasa ng mata ko.


**************************



NOTE: First come first serve tayo, kaya sa susunod na ang iba.

Ikaw, may tanong ka ba? May sagot ako eh. Click mo ang litrato sa may bandang kanan sa taas, "Itanong kay Akoni"





17 comments:

  1. wahahaha, tawa ako ng tawa dun sa sagot kay mustasa

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Wow naman si Mustasa. Nangangamusta! LOL. Sure ka bang babae yan? Bakit ginawa mo agad na asawa? Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ramdam ko babae 'yan...hehehe...hindi ganyan ang paraan ng pangungumusta ng lalake..

      Delete
  3. yun ang astig na tanong "kamusta ka?" walang paligoy ligoy..tangina. Rated R18 ka, bakit di mo pa dinerechang "bulbol" kailangan pa bang mag ***.haha

    ReplyDelete
  4. lol..may ganito k pla...
    achieve ang sagod,lalo kay mustasakalabasa!tnt

    ReplyDelete
  5. aus ang mga sagot ah, llo na yung tnung ni Leah, kya pla ganun...
    [panalo] hehe saka na ako magtanung isisp muna.... cgro sa fb na lang!

    ReplyDelete
  6. hahahahahahaha. Ang galing mo talaga kuya, pa-share nga nito sa fb! Kahit may kalokohan ang talino pa rin ng sagot mo! havey na havey!

    ReplyDelete
  7. Ahhh.. ganun pala yun. hehe.. Kakulay nila ang langit, at silaĆ½ tinitingala. Great answer! :)

    Natawa ako sa answer mo ke mustasa. hihi.. Benta!

    ReplyDelete
  8. natawa naman ako sa tanong mommy.. sagot pa lang sa unang question syempre benta na. Ang galing mo kaptid meron ka talagang aking talino... :) Gusto ko din yung sa orange part. haha.. ang babaw ko no? At yung sagot kay ms. Leah, parang kung titignan mo mukang ni-research haha.. oo nga naman.. Galing. Guto ko to super. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. LOL.. Pinagisipang mabuti yan, ms Mayen.. hihi.. Bravo, Akoni!

      Delete
  9. nakakaloka yun kay mustasa ang ikli ng tanong sa kanya yung pinakamahabang sagot hihihi at naniwala ako na totoo yung sa blue blood makatotohanan naman eh wahahahahaha

    ReplyDelete
  10. ayos ang portion!!!! magtatanong ako soon :)

    ReplyDelete
  11. Galing ng sagot sa orange pati sagot sa Royal Blood. Pwede na ilagay sa wikipedia. hehehe

    ReplyDelete
  12. Nagulat naman ako sa naglalagablab na header mo!
    Galing ng mga sagot ah, ikaw na ba ang papalit kay Ernie Baron- na sasagot sa aming mga katanungan? Uy tanong na ito ah! =)


    BTW, sir hindi po bagay sayo ang Cath Kidston, coz if it is, hmmm magiisip si Heaven! Pero sa kanya, definitely bagay =)

    ReplyDelete
  13. hahaha epic yung tanong na musta ka...

    anep ang kulit lang :D

    ReplyDelete