nuffnang

Wednesday, January 25, 2012

palabas III: May tanong ka ba? May sagot ako eh.


Dahil marami pa ang natutuwa sa segment na ito at natatamad pa ako mag-edit ng mga blogs sa draft ko, napagdesisyon namin kasama ang sarili ko na sumagot ulet ng ilang mga katanongan na pinadala ninyo sa amin. Muli, first come first serve kami sumagot ng mga tanong ninyo, kaya pasensya na kung hindi pa namin nasasagot ang mga pinadala ng iba.


TANONG UNO

GALING KAY: Mayen
URL: www.janemayen.blogspot.com
TANONG: Bakit sa stop light red ang napiling color para sa stop? Puwedi naman yung green or yung yello bakit red? Curious lang ako kung anong isasagot mo, pag tinanong kung paano spell ng buo ang Mrs.? Diba ang Ms. - Miss at ang Mr. Mister? eh ang Mrs.- ????

SAGOT:
Magkaibang araw mo pinadala ang mga tanong mo, pero dahil iisang sender lang, napagdesisyon namin ng aking sarili na pagsabayin nalang namin sagotin. Lezgow!

Bakit sa stop light red ang napiling color para sa stop? Puwedi naman yung green or yung yello bakit red? - Umpisahan ko ang sagot namin sa isang tanong, hindi ka ba tumitigil kapag nakita mong namumula na ang mukha ng mama o ng tatay mo dahil sa galit or kung sino man na kinatatakotan mo? Kapag nakita natin na namumula na ang mukha ng taong kaharap natin dahil sa galit ay napapatigil tayo sa pagsasalita o parang nagiging maamong tuta tayo, diba? Dahil alam natin na baka masapak tayo at lumabas ang likido sa ilong natin na kulay pula. Ganun ‘yun mga kaloko, mga kaguni, at mga kalandi, isa 'yan sa dahilan kung bakit nila (kung sino man sila, wala me pakialam, ikaw baka gusto mong pakialaman) napili ang kulay na pula para sa STOP. Pero ang malaking dahilan talaga kaya napili ang kulay na pula ay dahil kulay dugo ito at ang ibig sabihin kapag naging pula na ang light sa traffic light ay kailangan mo nang tumigil, dahil kung hindi ay maaaring dumanak ang dugo mo sa kalsada.

Ayaw mo maniwala? Testing mo ng paulit-ulit hanggang sa magtagumpay ka.

Curious lang ako kung anong isasagot mo, pag tinanong kung paano spell ng buo ang Mrs.? Diba ang Ms. - Miss at ang Mr. Mister? eh ang Mrs.- ????Kung ang Ms ay Miss, at ang Mr. Ay Mister gaya ng sabi mo. Ang Mrs. naman ay Monster. Noong unang panahon kasi, kinatatakotan ang mga witch na babae, at monster ang tawag sa kanila ng mga tao. Pero nung season of the witch na at natalo ni Nicolas Cage ang demon, tapos sumunod pa ang tagumpay ni MERLIN para maging pantay-pantay ang turing sa mga tao at sa mga witch, dun na nag-umpisa ang lahat. Mula nun ay kapag may babaeng masama ang ugali ay tinatawag nila itong witch or monster. Sa paglipas ng panahon, napansin ng mga tao na karamihan sa mga babae ay nagiging masama ang ugali kapag may asawa na (lalo na kapag mayaman ang asawa), at ganun din kapag naging biyenan na, dun na nag-umpisang tawagin ng mga tao na monster ang mga ganun babae. Pero dahil sa takot naman nila, pinaigsi nalang nila ito sa Mrs para hindi halata.

Kaya;

Ms. – Miss
Mr. – Mister
Mrs. – Monster



TANONG DOS

GALING KAY: Anonymous
URL:
TANONG: Bakit green minded ang tawag sa mga taong medyo bastos ang pag-iisip o binibigyan ng kalandian meaning ang mga bagay-bagay?

SAGOT:
May pinatatamaan ka? ha? ha? hahaha.

Bakit green minded ang tawag sa mga taong medyo bastos ang pag-iisip o binibigyan ng kalandian meaning ang mga bagay-bagay? - Ganito 'yan kalandi, ang tagalog ng green ay berde, tama? At ang birdie ay ibon, tama? at ang tawag sa sex organ ng mga lalake ay birdie o ibon, tama? Kaya yun, ibig sabihin ng green minded ay titiminded, ang bastos noh?


*********************

Hangang dito nalang ulet, tawag na ako ni boss. MARAMING SALAMAT!


Note: Huwag seryosohin ang mga sagot at kung natuwa ka share mo naman, para matuwa din ako. LOL









15 comments:

  1. hahahaha! Mrs. = Monster!!!! Idol ka talaga!!! :) Ganun pala ang green minded. Hahaha. Laughtrip. :)

    ReplyDelete
  2. Napatanong din ako, ano nga kaya ang mrs.? Haha. Ikaw na talaga maparaan sa sagot. Naitataguyod mo eh. LOL.

    ReplyDelete
  3. hahaha... sabrang naliwanagan na ako. sobrang tawang-tawa ako sa monster. Ayoko na maging Mrs. tuloy, yun pala ibig sabihin nun. Kapatid isa kang henyo. Ang galing galing mo talaga.. Ayoko itry kung dadanak ng dugo pag di ako sumunod sa red light. Ok na na red na kung red.

    In fairness sa green minded ah? ganda ng connect. ikaw na!

    ReplyDelete
  4. hahaha, satisfy ako sa mga sagot mo?
    kaw na tlga pre [galing]

    ReplyDelete
  5. Greenminded tayong lahat!!! hahaha

    ReplyDelete
  6. haha ayos yun ah Monster plus titiminded haha.

    ReplyDelete
  7. Hahaha!! Parang ayoko tuloy maging Mrs.. Monster pala eh. LOL.. Joke. Mas okay nga namang pakinggan ang greenminded kesa sa titiminded. lol..

    ReplyDelete
  8. hahahaha. ispeechless much ako sa huling sago mo! tumbling to the highest level! at ang galing ng sagot mo sa stoplight! WTF as in Winner Tsong Fanalo!

    ReplyDelete
  9. parang ang dating doon lang, sa palagay ko nga rin ang mrs e monster dati, meron kseng mga mrs na parang monster kung magalit bwahaha

    ReplyDelete
  10. mrs. = monster?kaloka ka talaga kuya akoni. hihihi =D

    ReplyDelete
  11. *hagalpak sa tawa*



    -kol me empi-

    ReplyDelete
  12. mrs. greenminded = titiminded monster!

    haha. ang dami kong tawa! XD

    ReplyDelete
  13. hahaha ..naligayahan ako sa post mo na to,

    ROFL :p

    ReplyDelete
  14. lolo ang galeng ng mga sagot mo, parang napapaisip ako, nanloloko ba to o nanloloko? hahahaha

    sana madami pang magtanong :D

    ReplyDelete