Una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagpadala ng kanilang mga tanong, maraming salamat. Pangalawa, gusto kong pagsisihan na ginawa ko ang portion na ito dito sa Akonilandiya, dahil ang hirap pala sumagot ng mga tanong. Pangatlo, ang mga sagot ko sa mga tanong ninyo ay hugot ko lamaang sa sarili kong guni-guni, sa mga giniling na kalokohan, at sa mga tinga sa utak, kaya pasensya na sa mga naghahanap ng totoong kasagutan. Pang-apat, gusto ko lang magpatawa kaya kailangan ko ang kababawan ninyo. Umpisahan na natin ito, lezgow!!
TANONG UNO
GALING KAY: Marvindelfs
TANONG: Bakit ang ako ay mataba?
SAGOT:
Una, nalabuan ako sa tanong mo. Siguro ang tanong mo ay bakit ka mataba? TAMA?! Okay, ganito ‘yun, mataba ka dahil may special na relasyon o pagkakaunawaan kayo ng mga kinakanin mo. Special ang turing mo sa mga kinakain mo, at special din ang turing nito sa'yo, kaya nananaba ka. Sa madaling salita, healthy ang relationship mo sa mga kinakain mo. CONGRATS!
TANONG DOS
GALING KAY: Juan
TANONG: Ano ang tanong na hindi mo masagot?
SAGOT:
WALA, lahat ng tanong ay kaya kong sagotin, o sabihin natin na lahat ng tao, baliw man o malandi ay kayang sagotin ang lahat ng tanong, as in lahat, walang tanong na hindi kayang sagotin ninuman.
Example:
Tanong: Kamusta kana?
Sagot: Ang isda ay nagba-back stroke sa kumukulong mantika pagkatapos magbutterfly.
Tanong: Ano ang pangalan mo?
Sagot: Masarap amoyin ang tinga.
Nalabuan ka?
Ganito ang gusto kong tumbokin dyan. Nabasa o pansin mo na lahat ng tanong sa halimbawa natin ay lahat din may sagot, diba? 'yung nga lang, ito ay lahat mali at katarantadohan na sagot, pero sagot parin 'yan, yun ang punto don, may sagot parin, kuha? Mali man o katarantadon ang sagot sa isang tanong, ito'y nagkaroon parin ng sagot. Hindi nga lang nakuha ang tamang sagot o ang sagot na hinahanap, pero still meron parin sagot o nasagot parin 'yung mga binigay na tanong.
Kaya walang tanong na hindi ko kayang sagotin o hindi ko masagot, kuha?
TANONG TRES
GALING KAY: Jhengpot
TANONG: Paano mo malalaman kung may pagtingin sa’yo ang isang tao? Kung meron paano mo malalaman kung anong klaseng pagtingin yun? Ano ang dapat gawin once na malaman mo na lahat?
SAGOT:
Pang papa Jack itong mga tanong mo, hindi ako eksperto sa mga ganyan pero sasagotin ko parin, good luck to me.
Paano mo malalaman kung may pagtingin sa’yo ang isang tao? Syempre, malalaman mo ito kapag nahuli mo siyang nakatingin sa’yo o lagi mo siyang nahuhuli na nakatingin sa’yo, pero yung tingin na maaliwalas ang kanyang mukha, at ‘yung tipong nakatitig siya sayo tapos ang tamis ng kanyang ngiti na sa sobrang tamis ay parang gusto mong dilaan ang buong mukha niya. Ganown, ibig sabihin nun ay may pagtingin siya sa’yo, tapos ikaw may pagnanasa sa kanya!
Kung meron paano mo malalaman kung anong klaseng pagtingin yun? Lumapit ka sa kanya, titigan mo siya sa mata tapos tanongin mo kumg may muta ka, kapag sinabing wala, sabihin mo “Ayy buti kapa mayroon.” Biro lang.
Malalaman mo ito sa takdang panahon, kapag lagi na kayo magkasama at nag-umpisa na siya manligaw sayo. Dun mo na malalaman kung anong klaseng tingin ang meron siya para sa'yo. Pero nasisiguro ko na special ka sa taong iyon, dahil hindi ka niya pag-aaksayahan ng tingin kung wala siyang pagtatangi sa’yo.
Pero kapag ang nakatingin sa’yo ay nakapaloob ang kamay sa loob ng kanyang pantalon o nakalabas ang dila at pinapaikot-ikot ito sa kanyang labi, aba’y manyakol tingin na ‘yun, umiwas kana, delikado ka nene.
Ano ang dapat gawin once na malaman mo na lahat? Walang "dapat gawin," Hanga’t wala pang namamagitan sa inyo na special na emotion at relasyon ay wala kang dapat gawin. Steady ka lang ineng, steady maligaya ka lang ang dapat. Wala kang obligasyon/dapat na gawin dahil lang sa nalaman mo na tinatangi ka ng isang tao o may pagtingin sa'yo ang isang tao. Kumilos ka ayun sa kilos mo, tumawa ka ayun sa tawa mo, lumakad ka ayun sa lakad mo, at umutot ka ayun sa utot mo. Tuloy mo lang ang buhay mo, kung ano ka, at kung sino ka.
*******************
Hanggang tatlong tanong nalang pong munang tayong ngayong, dahil lumalalim na ang gabi (dito) baka malunog na ako at may pasok pa ako bukas. Hanggang sa muli po sa susunod na episode ng.................
"MAY TANONG KABA? MAY SAGOT AKO EH."
MARAMING SALAMAT!
ayos..me sagot na din me :))
ReplyDeletehahaha galing naman sumagot.kaw na... pang love to love yan tanong mo jhengpot ha hehe
ReplyDelete-Jay
Oo nga naman lahat ng tanong may sagot. Naiisip ko kasi sa word na sagot puro tama, pwede nga namang kalokohang sagot lang. hehehe.
ReplyDeletedi naman talaga kami nag-eexpect ng tamang sagot. hehe.. sa tingin ko ang gusto ng karamihan ay ang sagot na galing sa guni-guni mo. hehe.. ngayon tuloy pag naiisip akong tanong naalala kita. tanong ko kya kay akoni? hehe.. tinalo mo na si google kaptid. baka mawalan na sya ng trabaho. haha.. may tanong pa pala ako. hehe..wait lang.
ReplyDeleteyou're sweet talaga lil sis..hehe..thanks, ang intention ko lng din ay mapangiti ang lahat, at magkaroon ng sagot sa tanong nila na mapapapa..."aaaaaaaaaaaahhhhh...." sila.hehe
DeleteSey - Apir sweetie...
Jay - thanks..hehe..nagbabalik ka na
Marvin- now you know.
lahat ng tanong may sagot... dipende na lang sa isasagot mo... hmmmm... nagiisip ano kaya ang itatanong ko????
ReplyDeletehahahahah.. HAVEY!!! antawa ko at ang proud ko sayo kuya! ikaw na nga!!! Dinugo ako sa sagot mo sa tanong ko, parang pinagsisihan ko na din na nagtanong pa ko. haha. Anyway, napakaganda ng sagot mo, nafeel ko na nahirapan ka din dahil ang seryoso men!
ReplyDeleteKulit!! Haha kaw na ang haru ng katanungan. Kim atienza the green version haha
ReplyDeletepwede ka ng pamalit kay ernie baron hehehe. walking encyclopedia
ReplyDeleteUyy, yung sagot mo sa second question may sense. Hahaha. Naks.. Nagiisip. Nageefort. May napupulot kami. Hahaha.
ReplyDeleteHahaha.. tama nga naman, Lahat ng tanong, meron talgang sagot. hehe.. At natuwa naman ako sa sagot sa tanong ni Jhengpot. hihi.. Ganun pala.. I see. :D
ReplyDeleteThis is sooo makulit and I like it. Hehe.
ReplyDeletePwede mo ng palitan si pareng wiki lalo na ngayong nanganganib na siyang mawala.
ReplyDeleteBakit maalat ang asin?
Kasi mahala ang bigas.
hahaha
gusto ko ang question #1 at gusto ko din ang sagot mo! muntik na ako humagalpak ng tawa dito sa opisina sa tapat ng amo ko! lintek!
ReplyDelete"healthy ang relationship mo sa mga kinakain mo." waaaahhhhahahah! panalo 'to!
inam.. ayus na segment to.. hahaha
ReplyDeleteikaw na ang ehemplo ng katalinuhan at kalokohan... hehehe... hindi ko lubos maisip na masagot mo ang akala kong napakahirap na tanong ko... yon pala chicken mani lang sa 'yo... hehehe... clap clap clap...
ReplyDeleteDapat ay maalala ko na ialis sa 144% ang screen ko kapag dadalaw ako dito, nagugulat ako sa naglalagablab mong banner!
ReplyDeleteAt syempre, sino nga ba ang may sabi na ang sagot sa lahat ng tanong ay tama? Diva? At pati tanong na pangheart pwede itanong! Pwedeng pwede mo nang i-career ito. =)
bwahahaha, gsto ko yung sagot sa number 2. :p
ReplyDeletenapaka-relevant ng answers :D
tanong ko lang paano mo ginawa ang Akoni Landiya na parang nagbabaga....
ReplyDeletekinuha lng yan sa google, ipagtagpitagpi ko lng sa paint.
Deletesalamat guys...
ganun ba....
DeleteHahahaha! Aliw to the max!!! Sumakit ang bangs kong curly. Haha.
ReplyDeleteKeep the questions coming. Hehe.
ReplyDeletewow ang galing talagang lahat ng tanong ay may sagot [tama naman talaga] di nga lang tama pero may sagot
ReplyDeleteklap, klap, klap [astig]
pwede nang pumalit kay papa jack ..hahaha
ReplyDeletemanyakol na tingin? ayos siguro gawin yun in public...hahaha