nuffnang

Monday, March 12, 2012

PampaEpal




Greeting earthlings…

Break muna ako sa drama, hindi na kaya ng lakas ng dibdib at tibay ng aking mga mata. Sapat na siguro ang mga nailabas ko, na sa totoo lang ay malaki naman ang naitulong sa akin kahit hirap ako sa pagkukwento.

Kaya ngayon, officially back na naman sa mga kalokohan at mga guni-guni ang Akonilandiya. Mahirap na kapag tumagal ang drama baka makalimutan ko na ang pagka-corny ko o baka mawala ako sa sarili, ang hirap pa naman hanapin ang sarili.

Para sa araw na ito, umpisahan natin sa isang kalokohang kakayahan. May kakaiba akong kayang gawin na baka ako lang ata ang gumagawa nito sa buong students ng pilipinas, charot. Nagsimula ito nung sa college, naiinggit ako nun sa mga lalake na magagaling maggitara, lalo na 'yung mga may banda. Putek lang kasi, dami nilang chicks, dami nilang napapabilib, at madami silang friends na chicks, alam ninyo 'yun guys?

Isa ako sa nagtulog-tulogan nun habang abala ang lahat sa paghakot ng talento na pinamimigay ng Diyos, kaya ni-isa wala akong nakuha, “nga-nga ako” ika nga sa Eat Bulaga. Buti nalang may nakuha akong kunting diskarte, mga kalokohan at kakulitan.

Ang tatlong yan ang naging sandata ko nung nagbibinata ako para makadiskarte sa mga chicks, oo hindi pa ako nun malandi, kaya tatlo lang nun, ngayon apat na.

Hindi ako nagpapahuli sa mga papable guys nun na may talentong ginagigiliwan ng mga babae. Kaya may naisip din akong kakayahan na naging pampaepal ko sa mga chicks, panoorin ninyo muna....



Ano nalabuan ka?

Mga ganyan talento lang ang kaya kong gawin, 'yung mga hindi ginagawa ng mga normal na tao, LOL. Una kong sinubukan 'yan nung may makatabi akong grupo ng mga chicks sa library namin, siyempre, lalake eh tapos nagbibinata, kailangan mag-pa-impress move kapag may chick sa tabi, diba? Automatic 'yun. So ang ginawa ko, nagsulat ako ng pabaliktad, kinopya ko yung laman ng libro kahit hindi ko naman kailangan.

Ayun effective, ilang sandali pa ay narinig ko na silang nagbubulongan, "Tingnan ninyo siya magsulat oh...kakaiba, baliktad, at parang normal lang sa kanya, ang galing." Ganun.

Mula nun, tuwing nakakasalubong ko sila sa library namin, binabati nila ako ng "uyy si baliktad magsulat oh.." Hanggang sa naging friends ko sila, and the rest is history. #AlamNa



Note: Kung hindi nagana ang video sa chrome, Mozilla Fire Fox ang gamitin. Kung ayaw parin, ewan ko sa'yo. Bukas na rin ang comment box. I miss you guys, charot!LOL



18 comments:

  1. ikaw na ang multitasking king.,,,
    ikaw na magaling magsulat na pabaliktad...
    ikaw na!!

    ReplyDelete
  2. galing....
    nabitin ako sa video kala ko may porn na kasama. tsskkk sayang. [just kidding]
    welcome back pre....
    iba nman na try ko left & right na mag kasabay ipang sulat pero try lng...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow, astig yun pre..kaya kong magsulat ng left, pero pagsabay HINDI.

      AXL- youre the man. :)

      Delete
  3. astig!as in wow!impressive nga to kuya =D

    ReplyDelete
  4. perness... husay ng talento sa pagsulats ng pabaliktads :p

    ReplyDelete
  5. mamaya ko pa mapapanood. Yong dalawang kamay nagsusulat the same time kaya mo?

    ReplyDelete
  6. May resto akong nakainan na ganyan sila magsulat... nakalimutan ko lang kung anong resto iyon.

    ReplyDelete
  7. kaya mo ba magsulat ng patalikod? ako hindi

    ReplyDelete
  8. hanep kapatid sa talent ah? sumakit ang ulo ko sa labo. pero bumilib ako at ni-try muna bago mag-comment naka madali lang eh. hindi pala.. talent nga yan..

    masaya ako na medyo sumasaya na ang mood dito. :)

    ReplyDelete
  9. hahahah kaya ko din yan! woooh mabuhay ang mga abnoy.lols

    kaso mas maganda sulat mo, caps lock lahat sakin eh. tska di ko kaya yung may hawak na camera! mas bongga ka sa part na yun!

    ReplyDelete
  10. Hello guys, namiss ko kayong lahat..:)) salamat, nandito pa pala kayong lahat.

    ReplyDelete
  11. hahaha.. kaya ko rin yan, akoni! pabaliktad magsulat.. pero hindi ganun kabilis, at lalong hindi ko kaya na merong hawak na camera. hehehe..

    ReplyDelete
  12. Hehehe bat may charot sa dulo? hahaha. Natawa ako kasi naalala ka nga nila pero "Baliktad' naman tawag sayo. Hahaha. Buti naging friends kayo.

    Di ko mapanood kasi blocked ang YT.

    ReplyDelete
  13. Sige na nga! I'm sure napabilib mo nga ang mga girls na yun sa library =) At library talaga ang tambayan ah? Pero ako din bilib, ang ganda ng sulat kahit baliktad na =)

    ReplyDelete
  14. Welcome back akoni! Kahit walang talent e bawi na lng tayo sa kabaitan, gusto rin ng mga chicks yon. Natawa ko sa pakitang gilas na pinamalas mo pero effective ha!

    ReplyDelete
  15. McRich - Thanks p're. Tama ka, ang pinakamahusay na talent sa buong mundo ay ang pagiging mabait.

    Kristeta - Kapatid na kris. Oo library tambayan ko, masarap matulog don..hehe

    Sey - may charot kasi nahihiya..hehe. Yeah, marami akong naging kaibigan dahil don..haha

    Leah - naging yan na signature ko for 2 years. hehe.

    ReplyDelete
  16. hahaha galing ng brain mo... hayup.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha talent nga ...

      oo nga bat ganun ang lakas ng dating sa mga chicks pag miyembro ng mga banda.

      lols.

      anyways welcome back ..hehe

      Delete