nuffnang

Thursday, March 22, 2012

Patawad


Lahat tayo ay may parte sa kanyang nakaraan
na pilit at gustong makalimutan
parang may sarili na itong kagawaran sa atin pagkatao
na paulit-ulit pinagsisisihan
minsan pinagbabayaran ng matagal.

Tayong lahat ay may mga karanasan na pilit tinatakasan
Pilit ikinukbli sa munting pitak ng ating pagkatao
Karanasang ‘di lubos maisip kung bakit pinagdaanan
Kasalanang paulit ulit na pinagsisihan ng matagal.

Maniwala ka kapag sinabi kong naging masamang lalaki ako
Masamang lalaki na ang pag-ibig ay pinaglalaruan.
Larawan ako ng isang lalaki na kung magmahal ay pilit
Mukhang anghel subalit halimaw sa pag-ibig.

Sa dami ng aking napaibig hindi na mabilang sa daliri
Mga pag-ibig na nasayang lamang dahil sa katakawan sa laman.
Pag-ibig na kunwari pero maraming bumigay sa aking mga ngiti
Kaya naman ang luha nila’y pagkatapos ay puede mo ng paglanguyan.

Ang hinuha ko noon ay ako’y isang tunay na lalaki
Kapag iba’t ibang babae ang kasama ko sa kalye
Tatlumpong babae na minamahal sa una at pinasaya
Parang nagpapalit lang ng damit sabi ng iba.

Wala akong pakialam kung may masasaktan
Mahalaga ay agos ng ligaya ng aking puso hanggang puson
Masaya…yan ang madalas kong nasasambit
Para akong saranggola sa himpapawid na nagpapatianod sa duyan ng hangin.

Bayani kung ako’y ituring ng mga kaibigan kong lalaki
Iniidolo at ipinagmamayabang dahil ang isang tulad ko ay pambihira lamang
Maliit daw na parang uri ng kulisap sa damuhan na matindi ang kamandag
Mga diskarte ay hindi mo daw makikita at mababasa kahit saang silid-aklatan.

Parang galunggong na kumakawala sa lambat ng mangingisda
Parang isang kulisap na aandap andap ang aking gunita
Parang isang maligno ang nagpaalala sa akin
Parang mga panitikan ang aking kasalanan na dapat isa isahin at bigyan ng linaw.

Tuwing sumasagi sa aking balintataw ang nakaraan
Mga makasalanang pag-ibig na nagpapabagabag ng aking katinuan
Ako’y parang nilalamon ng aking konsensya na di ko kayang sumbatan
Sapagkat ang tanging hiling ko lamang ay marinig ang salitang kapatawaran.
PATAWAD!




 ************************

Lahok para sa "Bagsik ng panitikan" contest ng damuhan ni Bino. SALI NAAAAAAA!


26 comments:

  1. maraming salamat sa pagsali pre! :)

    ReplyDelete
  2. ang lalim kuya akoni?
    pwede bang hulugan ng 5php coin yan tas kanta tayo ng SENTI ng yano????

    ReplyDelete
  3. Galing pre... gudluck sa atin...

    ReplyDelete
  4. i really like this line
    "Larawan ako ng isang lalaki na kung magmahal ay pilit
    Mukhang anghel subalit halimaw sa pag-ibig."
    galing ng tula. gudluck pre.

    ReplyDelete
  5. nakita ko na naman yung puson! napaisip tuloy ako. lol

    halimaw kayo gumawa ng tula nappressure na ko . lol

    ReplyDelete
  6. i'm sure pinatawad kana ng isa don...

    ReplyDelete
  7. goodluck master A!
    na sad ng unti sa poem..pero im sure ok na siya. (kung sinu man yun)

    ReplyDelete
  8. true to life ba yan tol akoni hehehe... galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakahusay ng akda mo AKONI! isa ito sa pinakamagandang entry na nabasa ko...
      Lahat ng tao nagkakamali at nagkakasala, ngunit ang tanging mahalaga ay marunong tayong magsisi, magbago, at talikuran na ang maling gawain, pagkat lahat ng bagay ay may kabayaran lalao na kung ikaw ay may pusong nasaktan... Makakamit lamang ang kapatawaran kapag itinigil na ang kalokohan... cheers!

      Delete
  9. Ganyan talaga pag bata pa mahilig sa laro.Napatawad ka na ng mga kalaro mo akoni.

    ReplyDelete
  10. Salamat guys at nagustohan ninyo...hehe.

    ReplyDelete
  11. galing naman... ikaw na akoni!

    ReplyDelete
  12. wow, galing talaga ng asawa ko..goodluck honey!

    sigurado ako, napatawad kna nila...


    -HEAVEN-

    ReplyDelete
  13. Ang daming gumawa ng tula. good luck!

    ReplyDelete
  14. Napakahusay ng akda mo AKONI! isa ito sa pinakamagandang entry na nabasa ko...
    Lahat ng tao nagkakamali at nagkakasala, ngunit ang tanging mahalaga ay marunong tayong magsisi, magbago, at talikuran na ang maling gawain, pagkat lahat ng bagay ay may kabayaran lalao na kung ikaw ay may pusong nasaktan... Makakamit lamang ang kapatawaran kapag itinigil na ang kalokohan... cheers!

    ReplyDelete
  15. wow ang heartrob ng tula :)

    Gudlak ...

    ReplyDelete
  16. O di ikaw na ang pakalat-kalat sa kalsada at pinag-aagawan. hehehe.

    Ang palikero ng iyong tula.

    Kamusta na Akoni?

    ReplyDelete
  17. good luck yey mukhang wagi ka na naman pre!

    ReplyDelete
  18. hindi sapat ang bagsik! dapat dito "ANG BANGIS" haha! ang bangis mo brod! lols!

    ReplyDelete
  19. Nagbasa. Humusga. Tunay kang lalaki pre. Mabagsik at sbi nga ni Bon, ambangis mo! :)

    ReplyDelete