Nabansagan akong "buntot ni Mariam" dahil sa hindi ako mahiwalay sa kanya. Kahit saan siya pumunta ay lagi akong nasa may likoran niya, nakahawak sa kanyang palda. Alam mo 'yung ganun? 'yung nakakubli lang ako sa likod niya, habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, yung pasilip-silip lang, ganun.
Kahit saan siya pumunta sumasama ako, umiiyak ako kapag hindi ako sinasama. Pinagsasabihan na nga siya minsan ng mga kamag-anak namin, kasi sobra daw niya akong sinanay na nasa tabi niya lagi, hindi na daw siya basta-basta makaalis tuloy dahil sa akin. Hindi ko alam pero sa mga panahon na 'yun, maliban sa tatay ko, siya lang ang kilala ko sa mundo, wala akong pakialam kung ano mangyari o kung sino man ang tao sa paligid, ang importante sa akin ay kasama ko ang akin ina, nakakapit sa kanyang palda.

Siguro mga 5 years old na ako nun, hindi parin ako makatulog na hindi siya katabi, na hindi ko siya kayakap. Tanda ko pa nun, kapag nagigising akong wala siya sa tabi ko ay magugulat nalang ang lahat dahil umiiyak ako bigla. Naging iyakin ako dahil sa kanya, alam ko kasi na kapag umiyak ako, sinbilis ng kidlat ay nandyan na siya sa aking tabi, pupunasan ang luha ko at sasabihin "Tahan na, nandito lang ako."
Minsan kapag may importante siyang pupuntahan na hindi ako dapat isama, kadalasan kapag may seminars siyang dadalohan, ay inuutakan ako. Papaupoin ako, at sasabihin sa akin na "Dito ka lang ah, 'wag ka muna aalis dyan, babalikan kita, dyan lang muna ako sa labas, babalik ako kaagad." Tapos hahalikan ako sa noo, ako naman ay mangiyak-iyak.
Kinagabihan pagdating niya ay magugulat siya, dahil aabotan niya ako kung saan niya ako nilapag. Oo, hindi ako umaalis kung saan niya ako iniwan at sinabihan na babalikan. Umiiyak ako kapag paalisin ako don sa upuan, nakakatulog na ako don. Minsan nagigising akong nasa kama, nagugulat ako kaya bumabalik ako don sa upuan. Pagkadating niya, magagalit siya, bakit hindi man lang daw ako pinatulog sa kama, tinatanong ako kung pinakain daw ako. Hindi rin kasi ako basta-basta kumakain kung wala si ina, kahit na sino pa mag-alok sa akin, kaya sobrang payat ko nung bata ako.
Sa mga panahon na 'yun kasi, laging busy si tatay sa trabaho, gabi na siya nakakauwi. Nakikita ko lang siya, kapag papasok na sa umaga at kapag day off niya. Kaya si nanay ang madalas kong kasama sa bahay, lalo na nung lumipat kami ng bahay sa City, dahil mag-aanim na taon na ako, mag-aaral na ako, kailangan ko nang bumitaw sa palda ni ina.
**************************
No comments:
Post a Comment