Ang nakaraan….
Nagkaroon ako ng kapangyarihan, nakuha ko ata don sa buhawi
na pumasok sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon, ganun talaga
dito sa mundo ang daming arte na hindi maitindihan parang babae. Kaya siguro
nila tinatawag na mother earth ang mundo, dahil babae ang mundo kaya ang daming
arte, komplikado din at misteryosa, hirap itindihin.
Nagkaroon ng sariling buhay at pag-iisip ang isa sa dual
personality ko na laging bumubulong sa akin, at nakakausap ko. Lahat ng tao ay
may dual personality, kokote ang tawag natin don at ‘yun ang nabuhay sa akin,
yun ang kapangyarihan ko, may kokote powers ako, tangina lang diba?
Sa pagharap ko sa isang halimaw na parang palaka, nagrescue
naman sa akin ang isang babaeng naka-two piece na si Liwanag daw, hindi ko alam
kung saan siya nanggaling…….at dahil sa boses na bulong ng bulong sa akin,
sinubukan kong lumipad dahil sa pag-aakalang ‘yon din ang kapangyarihan ko tulad nang kay Ligawa.
May mamuo kayang pag-iibigan sa amin ni Liwanag?
Ano naman
kaya ang epekto ng kapangyarihan kong “BOLA”?
Saan ko gagamitin ito?
Paano?
Sa pagpapatuloy….
Hindi ko akalain ang magiging kapangyarihan ko ay “BOLA”.
Oo, pambobola sa mga makakalaban ko. Sa daming kapangyarihan bakit ito pa ang
napunta sa akin? Akala ko makakalipad ako nang ibulong sa akin ng bose na may kapangyarihan daw ako, kaya tinangka kong lumupad, yun pala,
hindi ako nakaka-fly like a butterfly or kahit like an ipis man lang.
Ako: Liwanag…tuuuulllooooonngggggggggggg!!!!!!!
Mabilis na rumesponde si Liwanag sa akin bago pa magkalasug-lasog
ang katawan ko, sa bilis niya ay naunahan pa ako at nasalo.
Ako: wooowww galing ah.
Ako: thanks ah, pakiss nga!
Bigla akong nilaglag sa pagkakabuhat sa akin
Liwanag: Ito gusto mo?!! (naka-kamao sa aking mukha)
Ako: easy ka lang, masyado ka naman hot e. (nakataas ang
dalawang kamay)
Liwanag: teka, kung hindi ka naman tanga e, bakit ka nga ba
tumalon bigla?
Ako: sabi kasi ng boses na naririnig ko may kapangyahinan
ako, e akala ko lumulipad din ako tulad mo.
Boses: (kumakanta) aaang tanga-tanga, ang
tanga-tangaaaaaa!!!!!!
Hindi ko na pinansin ang boses na naririnig ko, alam kong
pipikonin lang ako non.
Liwanag: boses? (mukhang nag-iisip at mukha siyang masarap)
Boses: damulag ka talaga, bakit ka tumalon bigla?
Ako: natanong na ‘yan ni Liwanag sa akin, mag-isip ka naman
ng ibang tanong.
Boses: cge…hmmmm….ang ganda ni Liwanag noh? Ang sexy pa!!!
woowww…tingnan mo oh bakat..haha!
Ako: *Pabulong* Gago, wag ka nga, baka super punch ang
abutin ko sa kanya.
Liwanag: Tama na ‘yan kakausap mo sa sarili mo, taposin mo na
ang halimaw
Ako: Ha? Bakit ako? wala me powers gaya mo na may super
strength and super appeal na super ganda na suppppperrrrrrrr like it…
Habang nagsasalita ako ay napansin kung napahawak si Liwanag sa kanyang dibdib na parang may pinipigilan at bigla siyang tumalikod sa akin.
Ako: Oh ano nangyayari sayo?
Liwanag: Wala. Sige na, puntahan mo na ang halimaw, sundin mo
lang ang boses na naririnig mo. Siya ang guide mo, nandito ako para lang
mag-observe hindi puwedi makialam sa laban ninyong mga tao.
Lumingon na siya sa akin ng dahan-dahan with flying effect
ang hair niya…at napanganga naman ako at napatulala sa gandang nakikita ko.
Ako: wooowww soo ganda niya……
Boses: hoy laway mo, natulo na..hihihi
Ako: ayy….(sabay punas)
Liwanag: ew….Nag-hang ka nanaman..kadiri naman ito. Go na!
Ako: Okay.
Liwanag: cge bilisan mo, kailangan natin mag-usap mamaya
Ako: Wow I like that, walang good luck kiss?hehe
Liwanag: Mukha mo!!!
Ako: damot!pangit!!!!!!!!!!! (sabay takbo)
Liwanag: haaayyyyy..sa lahat ng bibigyan ng kapangyarihan
bakit pa ang taong ito. May sakit ata sa pag-iisip. Pero in fairness pogi siya
at malambot ang mga kamay. Ahihihihi (gumuhit ang ngiti sa mga labi ng babaeng
naka two piece habang sinusundan ako ng tingin papunta sa taong palaka).
Ako: uuyyy narinig ko ‘yun.
Nadatnan ko ang taong palakang nagtotoothpick habang
hinihimas ang tiyan na nakasandal sa poste ng meralco, at pakanta-kanta dahil
busog na busog.
Ako: langya, huli na ata ang lahat, may nabiktima na ang
itchuserang frog na ito. Teka paano ko magagamit ang kapangyarihan ko sa kanya?
Ako: boses, saan ka? Ano gagawin ko?
Boses: una, hindi boses ang pangalan ko, ako ikaw…ako ang kokote mo.
Ako: cge na nga, kokote ko-ewan, ano gagawin ko?
Kokote: bolahin mo, basta bolahin mo lang siya. Mag-isip ka
ng magandang bola para sa kanya. Malalaman mo ang kapangyarihan mo. sabihan mo
ng mga matatamis na words!
Ako: naku naman ang hirap naman nito, sana may super
strength ako, x-ray vision, at super speed, parang si superman?
Kokote: ulol! Mangarap ka..’yan lang ang nababagay sa’yo,
wala sa porma ng katawan mo para bigyan ka ng super strength, at lalong lalo nang
hindi pwedi sa’yo ang X-ray vision, sa kalokohan mo lang naman yun gagamitin
sigurado, super speed mukha mo, speed lumamon kamo!
Ako: ito naman ang dumi mag-isip sa akin.
Kokote: ogag baka nakakalimutan mo alam ko ang mga iniisip
mo, kasi iisa lang tayo.
Ako: oo na. KJ!!
Nilapitan ko si taong palaka, pagkakita sa akin ay bigla
itong tumayo. Nakilala ata ako.
Taong palaka: KEKEroKEKEroPEPE…Hindi mo ata kasama ang
pangit na babaeng iyon?
Hindi ko na pinansin ang mga shit niya dahil kinakabahan na
ako.
Ako: (boses Michael buble) hello…cutie frog…*wink*
(nakatagilid poseat sabay suklay sa buhok gamit ang kamay). Ngayon
ko lang narealize na may kakaiba kang appeal. Appeal na nakakahina ng tuhod,
parang may gusto akong palabasin dahil sa appeal mo.
Pagkarinig ng taong palaka sa bola ko ay mukhang naapektohan nga siya, nagblush siya. Ang kulay green na mukha niya at naging yellow green.
Halatang hindi alam ang gagawin, natataranta sa kung ano ang dapat niyang
ikilos, tense na tense ang puta sabay kumikislap-kislap ang mga mata.
Ako: …..alam mo bang paborito kong color ang green? masarap
kasi sa mata, parang ikaw….masarap (sabay ikot ng dila ko sa aking labi)
Nagdikit ang mga tuhod ng taong palaka, mukhang nanghina
siya, mukhang tinatablan na. Ilang sandali pa ay nanginig ang kanyang katawan,
halos madinig ko na ang bilis ng tibok ng puso niya. Napaluhod na ito, naiiyak
sa sobrang kaligayahan na nararamdaman dahil sa mga sinabi ko. Ilang sandali pa
ay hindi na ata napigilan ang sobrang feelings na nararamdaman niya. Kumulo na
ang chemical ng kaligayahan sa buong katawan niya. May mga duong lumabas sa
kanyang ilong, tainga, bibig at mata. Ilang sandali pa ulit ay nanginig na ang
buong katawan, nagvibrate na siya na parang dildo hanggang sa bumulwak na ang dugo
sa lahat ng butas ng katawan niya.
Kinabahan ako sa aking nasasaksihan, kanina pinagmamasdan ko
siyang inienjoy ang feelings niya, na parang naglalakad sa mga ulap ang
pakiramdaman, pakiramdam ng isang in love na nilalang. Ngayon ay parang
imperno na kinalalagyan niya, hanggang sa sumabog na ito.
Namatay sa sarap.
Hindi ako makapaniwala sa taglay kong kapangyarihan,
simpleng bola lang ‘yun at nagawang mapasabog ang puso’t katawan ng itchuserang
frog. Nilingon ko si Liwanag na punong puno ng mga katanongan ang isip ko.
Itutuloy....
Ayos ito Sir, ang pagpapatuloy ng Kapitan Bola. hehehe. maraming salamats
ReplyDeleteSir nandito ka pala. :) Salamat din. Ngayon lang ak nagkaroon ulit ng idea sa episode 4..hehe
DeleteLagi Sir akong nandito, minsan nga lang nakakapag comment, silent reader lang. Kaya pala Kapitan Bola, magaling sa bolahan. hehehe
Deletenakakalibog si ligaya.. teka babalikan ko muna ang mga naunang episode.. langya di ko nakalampas sa aking ang kwentong ito...
ReplyDeletegusto kong labasan hahaha..
gandang araw parkoy
ayos .. tagal ko to inabangan .. :)kahanga-hangang kapangyarihan .. hahahaha ...
ReplyDeletenatural na natural ang kapagyarihan kaabang-abang lalo na si Ligaya haha.
ReplyDeleteParang may naalala ako dun sa nangyari kay frog. lol.
ReplyDelete