nuffnang

Monday, January 7, 2013

MOVIE REVIEW NA NAMAN



Heeeyy macarena!! Haaayyyiii!!!

Namiss ninyo ba ‘yung mga movie review ko, 'yung gaya NITO, NITO, o ITO?

Hehehe, alam kong hindi, pero puwedi kunwari lang namiss niyo, kahit kunwari lang?

Ang pagkukunwari ay isa sa pinakamalakas na sandata ng isang tao laban sa ibang tao, nagagamit ito para takpan ang hindi gustong makita ng iba at magagamit para piliin ang emosyon na gusto makita ng iba. For triple X sample, magkunwari ka lang na malungkot ka makakakuha kana ng sympathy, ganyan. At hindi lang sympathy ang makukuha kung lalake ka kundi pati panty, more pagkukunwari ng isang lalake na miserable kuno ang buhay niya (buhay pagibig, buhay pamilya, etc...), dramas at everything ay more panties ang makukuha. Ibig sabihin hindi lang puso ng mga babae ang malambot sa kanila kundi pati ang hindi-ko-mabanggit-dahil-nahihiya-ako-at-kinikilig.

Oo, may mga lalake na sinasamantala ang pagiging pusong mamon o pusong maawain ng mga babae. Magdrama lang ang lalake ng ala Christopher De Leon tagos na'to sa puso ng mga babae, minsan diretso na sa puson, kaya doon na mag-uumpisa ang sympathy at panty. At oo, nagawa ko na minsan sa buhay ko ang teknik na ‘yan, effective tsong mas malakas ‘yan sa sinasabi kong Dolphy at Fernando Poe teknik.

Para sa mga sinasabi kong teknik, finger mo dito ang cursor mo.

At tulad ng ibang blogs ko naliligaw na naman ako, LOL, misleading na naman ang title. So, balik tayo sa bumbonan ni pinoy, ayyy sorry sa daan matuwid na blog ko.

Ito na ang movie review.

May napanood akong movie noong isang araw at sobra akong nagandahan at na-enjoy ito. Kadalasan kapag gusto ko ang isang movie matagal ko ito panoorin, minsan nga inaabot pa ng dalawa o buong araw. Hindi ko tinatapos agad, ginagawa ko itong parang tv series, after 10 minutes pause or stop na ako then gagawin ko na kung anong trip kong gawin sa kama habang nakahilata ako o sa loob ng banyo, tapos balikan ko naman ulit, ganun lang hanggang sa matapos ko na. Weird talaga ako minsan, kaya minsan gusto kong bawasan ang mga pagkain na mayayaman sa betsin dahil naapektohan na ata nito ang utak ko.

And ‘yun nga nag-enjoy talaga ako sa movie na iyon, love story ito. Tungkol sa pag-ibig na walang kamatayan at nangyayari sa tamang oras lamaang. Pinapahiwatig ng movie na maaaring tunay nga ang pag-ibig niyo sa isa’t isa pero nasa maling oras naman kayo. Pero maaari din na magtagpo ulit ang pag-ibig ninyo kung talagang kakampi ninyo si mareng destiny at aling fate, at maaari din na maging forever nalang alaala ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa.

Sobrang ganda ng daloy ng kuwento at ang ganda ng mga leading lady, dalawa ang leading lady kaya parang dalawa ang story, ang ganda diba? Sana mapanood niyo rin ang movie na ito.

Tapos na ang movie review, ang ganda ng movie noh?






9 comments:

  1. ano ung movie? anubah! hahaha miss you papi mwah! lol

    ReplyDelete
  2. ewan ko sa u! hahaha

    ReplyDelete
  3. Natawa ako sa relationship ng sympathy at panty. Ano yung title ng movie ser?

    ReplyDelete
  4. walang title...masisira ang trip ko.

    ReplyDelete
  5. Bollywood ba yang movie? iyan kasi lagi mong twit kaya malamang iyun na nga. haha. ano raw? Lanyang post to!

    ReplyDelete
  6. Ano nga daw? HAHAH!

    Gusto ko yung drama to panty! lol

    ReplyDelete
  7. sabi ko na nga ba hindi ako dapat umaasa ng makabuluhang movie review mula sayo. lol

    ReplyDelete