Isang gabi sa
isang probinsiya. Si Namprel dinadamayan ang kaibigang si Dodong na problemado
sa buhay pag-ibig niya. Nakaupo ang dalawa sa isang maliit na kubo sa may
bukirin ng palay o sakahan.
Namprel:
Pareng Dodong,
ayos lang ‘yan. Magagawaan mo din ng paraan yan, ikaw pa, saka hindi natin
sigurado kung talagang ayaw sa’yo ni Inday eh, saka mas tisoy ka don kay Mo, lalo na kay mang Kanor at sa palagay ko si Hayden lang naman ang mahigpit na kalaban mo sa kanya eh.
Magkaibigan
tunay si Dodong at Namprel at kapatid na ang turing nila sa isa’t isa.
Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan nung minsan ay mailigtas ni
Dodong si Namprel sa makamandag na ahas nung sila’y nangaso sa
kagubatan. Kung hindi agad nataga ng itak ni Dodong ang ahas ay baka natuklaw
na ang nakalabas na kuyukot ni Namprel, feeling kasi nito ay isa siyang
swag/gangster kaya ganun nalaang siya kung magsuot ng pantalon, hanggang hita. Nakapulubot ang ahas sa isang maliit na puno kaya sakto ang pangil
at kamandag nito sa sunog na kuyukot ni Namprel.
Dodong:
Pare, hindi ko
kakayanin makita na sa iba mapupunta si Inday, ikamamatay ko ‘yon. Alam mo ‘yan
pare, saksi ka kung gaano ko siya pinangarap at pinapangarap. Kahit puta ang tingin sa kanya dito sa nayon natin
dahil sa dami na niyang naging nobyo at mga manliligaw ay wala ako pakialaman pare, mahal ko pa rin
siya, yun ang importante sa akin, mahal ko siya at alam kong siya ang
magpapasaya sa akin. Siya ang magiging ina ng mga magiging anak ko at siya ang
tatawagin kong honey my love so sweet, wala nang iba pang mamahalin.
Namprel:
Ang korni mo,
hehehe, pero alam ko ‘yon at naiintindihan kita, kung may magagawa lang sana
ako. Kung may alam sana akong paraan o teknik sa panliligaw tinuro ko na sana
sa’yo, wala akong alam eh, ni-hindi ko nga alam paano manligaw at hanggang
ngayon….
Hindi pa
natatapos ni Namprel ang sasabihin niya ay natawa bigla si Dodong.
Dodong:
Hanggang
ngayon…ay hindi ka pa nagkakasyota, hahahaha, syotahin mo kaya kalabaw mo,
hahahaha.
Namprel:
Gago. Huwag mo
naman ako pagtawanan, saka lalaki ang kalabaw ko.
Ilang Segundo
muna sila tumahimik bago sumabog sa katatawanan.
Dodong:
Paano kasi
natatakot sa’yo ang mga babae, nasobrahan ka kasi sa pagka-barako, para kang
kapeng barako na nasobrahan sa pait, hindi ka na masarap, ang pait mo
na, hahaha. Bawas-bawasan mo kaya pagiging tigasin mo, minsan turn off sa babae
ang masyadong tigasin, magpakita ka naman ng kunting kahinaan, yang pagiging
barako mo bawasan mo at maglagay ka ng asukal para sumarap ka.
Namprel:
Eh ano gagawin
ko ganito talaga ako kung kumilos na parang naglalakad na bakal, at kung
magsalita ay parang uulan dahil sa mala-kulog na boses ko. Kung magagawaan lang
sana ng paraan ng agham at nang mga eksperto sa medisina para maiba ang
mga kilos at pananalita ko, matagal na akong nagpagamot sa kanila noh, kahit
maisangla ko pa ang sakahan ko pati mga kalabaw ko, isasama ko pa kapitbahay
namin si Mang Dondie.
Nagtawanan na
naman ang dalawang matalik na magkaibigan. Mahabang patlang naman ang sumunod
na namagitan sa kanila, nakatingin sila pareho sa hubad na kalangitan.
Pinagmamasdan ang mga kislap ng bituin na lalong nagpapaganda sa nakakaakit na
kalangitan.
Dodong:
Alam mo p’re, paminsan-minsan
magkunwari kang natatakot ka din, ‘yung kahit sa ipis o sa alupihan ay
takot ka. Minsan kailangan mo sabayan ang trips ng mga babae para makuha mo ang
sympathy nila, kasama ang panty. ‘yung maipaparamdam mo sa kanila na
naiitindihan mo sila. Naiitindihan mo sila kung bakit sila takot sa ipis,
gagamba, daga, alupihan at kung anu-ano pang pinandidirihan nila, ganun.
Nakangiting
sinulyapan ni Namprel ang kaibigan.
Namprel:
Diba mas gusto
ng mga babae ang lalakeng tagapagtanggol ang tindig at porma, yung parang super
hero sa pelikula at mga nobela, na malakas, matapang, walang takot sa mga ipis, ‘yung parang
mga bida sa action movies?
Dodong:
Oo, yan ang mga
katangian na kadalasan hinahangaan ng babae sa isang lalake, sa pisikal na
aspeto ‘yan, crush ang tawag dyan o paghanga. Pero iba ang sa pag-ibig, kung
puso ang usapan o pag-ibig, ang mga katangian na hanap ng mga babae ay yung
super heroes na may kakayahan makinig sa mga daing nila sa mundo, may kakayahan
damayan sila sa oras ng kalungkutan, may kakayahan hawakan at hagkan sila sa
dilim at bubulong sa kanila na, huwag kang matakot kasama mo ako. Mareklamo ang
mga babae, kaya ang kailangan nila ay tagapakinig o makikinig sa kanila, ‘yung
may kakayahan maintindihan sila, may kakayahan maramdaman ang saloobin nila,
ganun. Mas epektib yan sa mga babae, weakness nila yung lalaking hindi lang may
puso kundi may taenga pa, lalaking may puso at taenga, kuha mo?
Namprel:
Hindi.
Dodong:
ayy ibilad mo sa
ilalim ng mainit na araw yang utak mo para maging daing at nang mapakinabangan
naman, hahahaha.
Tawanan na naman
ang dalawa.
Namprel:
Biro lang, pero
tama ka, ang galing mo talaga. Eh paano yan torpe din ako eh, kapag may kausap
akong babae lalo na kung gusto ako ‘to? naku po para akong natutunaw na sorbetes
sa ilalim ng init ng araw.
Dodong:
Edi ang gawin mo
kapag ganun na ang sitwasyon ay padilan mo sa kanya ang sorbetes para hindi
masayang. Hahahaha, kung feeling mo natutunaw ka, sabihin mo, oh lady, please I
am melting, lick me, lick me baby. Hahaha.
Laugh trip na
naman ang dalawang magkaibigan.
Namprel:
Loko-loko ka.
Alam mo, kung puwedi lang sana ako magwish na sana maging daan ako o tulay para
ibigin ka ni Inday ay gagawin ko. Tutulongan kita sa kanya. Ako ang magiging
tulay mo sa puso ni Inday. Malaki ang utang na loob ko sa’yo pare, kaya kung
ano man kailangan mo para mapasagot mo si Inday, magsabi ka lang.
Biglang kumidlat
na parang flash ng kamera ang kalangitan.
Dodong:
Say
kamoooteeeee….piniktyuran na tayo ng langit. Uwi na daw tayo dahil gabi na,
magdadrama ka na naman daw. Saka baka maubosan ng gaas ang lampara
natin, madilim na oh, at madulas pa sa ilog.
Namprel:
Sige, kita
nalang tayo next week. Punta ako bukas sa bayan para ibenta mga ani ko.
Dodong:
Sige, mag-iingat
ka at maraming salamat ah, lagi mo ako dinadamayan, huwag kang mag-alala,
pagbalik mo e-libre kita ng kamote que at lugaw kay Aling Maria, food trip
tayo.
Namprel:
Wala ‘yon
parekoy, walang wala ito sa pagsagip mo sa buhay ko…
Dodong:
Pagsagip ko sa
kuyukot mo.
Natawa na naman
ang dalawang magkaibigan.
Nagngitian sila,
nagkatitigan pero dahil sa walang kislap sa mga mata nila, umuwi nalang sila.
~~~Kinabukasan
nang 06:09am…~~~
Naglalakad si
Dodong na iniisip parin kung paano niya mapapaibig si Inday. Sa kanyang pagmumuni-muni
hindi na niya napansin na umabot na pala siya sa ilog. Nangiti siya sa bagong
nasilayan ng kanyang mga mata.
“May bagong
tulay na pala, kailan pa ito?” sa isip niya.
Habang masayang
binabaybay ni dodong ang tulay, nagulat siya dahil natanaw niyang patawid din
si Inday na mukhang galing sa palengke dahil nakaayos ito. Una ay natuwa siya,
nakangiti siyang pinagmamasdan ang alindog ni Inday habang naglalakad na may
bitbit na bayong at peryodiko na nakaipit sa kilikili nito.
Ilang Segundo
lang ay nahimasmasan si Dodong mula sa pagpapantasya kay Inday. Kinabahan
bigla, hindi niya alam ang gagawin. Patakbo siyang bumalik kaya nauga ang
tulay, dahil dito’y muntikan nang malaglag si Inday, buti nalang ay napakapit
ito sa taling nagsisilbing hawakan ng tulay. Napalingon si Dodong dahil sa
narinig niyang sigaw ni Inday.
Mabilis uli na
tumakbo pabalik si dodong kay Inday para isalba ito, kahit alam niyang malaglag
man si Inday ay hindi ito mapapahamak dahil mababaw lang ang ilog.
Dodong:
Inday, ayos ka lang
ba?
Inday:
Oo, nagulat lang
ako dahil sa pagtakbo mo, bakit kasi?
Dodong:
Bigla kasi akong
niromansa ng hiya nung makita ka.
Inday:
Ikaw
talaga…bakit naman?
Dodong:
Ganun talaga,
kapag ang puso ng tao ay nakita o natagpuan o naramdaman ang kaparehas nitong
puso ay bumibilis ang tibok nito. Para bagang nag-uutos sa nagmemeari na ilapit
dito. Kaya ayun, sa sobrang utos ng puso ko na lumapit sa puso mo, hindi ko
tuloy alam ang gagawin ko. Mas nangibabaw parin ang kaba at ang hiya ko sa’yo,
kaya tumakbo nalang ako.
Inday:
Pinakilig mo
naman ako, parang nararamdaman kong gusto narin ng puso ko na lumapit sa puso
mo dahil sa mga winika mo at ginawa mong pagtulong sa akin ngayon.
Natuwa si Dodong
sa mga narinig niya, kaya inimbitahan niya si Inday na magmeryenda sila sa
lugawan at kamote que-han ni aling Maria mamayang hapon.
Dahil sa
pangyayaring iyon ay natuwa din si Inday kay Dodong. Madalas na silang magmeryenda
sa lugawan ni Aling Maria, minsan ay sa tulay sila tumatambay at doon kinakain
ang kamote que na opkurs bili nila sa tindahan ni aling Maria.
Pagkalipas ng
ilang buwan ay nagkaroon na si Inday ng paghanga sa binata, hanggang sa maging
pag-ibig na ito, at makalipas ng ilang buwan ulit ay naging magkatipan na sila.
~~~Makalipas ang
kalahating taon ulit…~~~
Magkahawak kamay
na naglalakad si Dodong at Inday sa ibabaw ng tulay habang pinapakinggan nila
sabay ang mga musika ng April Boys sa bagong biling Walkman ni Dodong, tig-isa
sila sa headset nito. Mula noon maging sila na ni Inday ay naging special na sa
kanila ang tulay na ‘yon. Pinangalan pa ito ni dodong ng “Tulay ng pag-ibig”,
dahil dito nagsimula magkalapit at magkakilalanan ang mga puso nila. Sa tulay
na’yon tumulay ang pag-ibig ni Dodong patungo sa puso ni Inday.
Kasalukoyan
tumutugtog sa Walkman ni Dodong: Honey My Love So Sweet By: April Boys
Bakit ba ako'y laging ganitolagi akong 'di mo pinapansinPara na lang akong lagingSumusunod sa gusto moLagi kitang inaalalaKahit 'di mo ako pansinHoney my love so sweet.
Dodong:
Alam mo kung nandito
siguro si Namprel, sobrang tuwa non dahil sa nangyari sa atin. Ang ganda ng
kanta, hani my lab sooooo swwwiittt.
Kahit ako'y 'di mo pinapansinHindi ako nagagalit sa'yoPagka't alam ko na ang iyongDamdamin para sa 'kin'Di mo lang alam ang akingNadarama 'pag kapiling kaHoney my love so sweet
Inday:
Saan kaya
nagpunta ang kaibigan mong si Namprel? Oo nga parang storya natin, honey my
love so sweeettt.
Kahit sino ka pa basta't mahal kitaLagi na lang akong sumusunod sa'yoMahal kita at 'yan ay totooHoney my love so sweet.
Dodong:
Hindi ko nga
alam eh, walang nakakaalam. Kahit pamilya niya hindi nila alam. Lumuwas na nga
sila ng Manila para hanapin, baka raw pumunta sa mga kamag anak nila roon. Ewan
ko ba saan nagpunta ang gago na ‘yun, mula nung gabing iyon pagkatapos namin
mag-usap hindi na nagpakita pa ulit sa akin. Oo nga, ikaw talaga naaalala ko
kapag naririnig ko ‘to, alay ko ‘to para sa’yo, hani may lab so
swwiitttt..hehehe
Kahit ako'y 'di mo pinapansinHindi ako nagagalit sa'yoPagka't alam ko na ang iyongDamdamin para sa 'kin'Di mo lang alam ang akingNadarama 'pag kapiling kaHoney my love so sweet.
Inday:
Huwag kang
malungkot honey my love so sweet, dahil kung saan man siya ngayon sigurado ako
na kaligayahan mo parin ang hangad niya. Mahal na mahal kita Dodong ko.
Kahit sino ka pa basta't mahal kitaLagi na lang akong sumusunod sa'yoMahal kita at 'yan ay totooHoney my love so sweet
Dodong:
Alam ko honey my
love so sweet, salamat. Mahal na mahal din kita Inday ng buhay ko.
Lumakas ang tugtog...
Walang ibang mahal kundi ikaw lamangSabihin mo sa akin ako'y mahal mo rinO giliw ko ako ay pakinggan moHoney my love so sweetHoney my love so sweetHoney my love so sweet
At nagkatitigan
sila, nag-usap ang kanilang mga mata, nagbulungan ang kanilang mga puso, at
unti-unti nang nagdikit ang mga labi nila habang patapos na ang kanta ng April
Boys sa Walkman ni Dodong.
SEMI END
~~~~Flashback~~~~~
Noong gabing
pauwi na ang magkaibigan…
Dodong:
Sige pare mauna
kana, dito nalang ako dadaan kasi titingnan ko pa ‘yung kalabaw ko. Ingat ka sa
ilog may nagpapakita daw don, hahaha
Namprel:
Gago. Nanakot ka
pa, tagain ko pa magpapakita sa akin eh. hahaha.
Nang umabot na
sa ilog si Namprel ay biglang may lumabas na nilalang sa harapan niya, totoo
nga ‘yung winika ng kanyang kaibigan.
Natatakot
na Namprel:
UNN
(Unidentified Na Nilalang):
Ako
ang wish master pinoy bersyon 2.0 kaya korni at OA, huwag kang matakot, hindi
ako kaaway, nandito ako para tulongan ka at tuparin ang hiling mo.
Takot
parin na Namprel:
UNN:
Isa
akong kai…kaibi..kaib..,narinig ko kanina ang hiling mo para sa kaibigan mo.
bwehehehe
Namprel:
Hiling
ko? ‘yong hiniling ko na sana maging tulay ako sa pag-iibigan nila ni Inday?
UNN:
Sakto,
at good news dahil matutupad ‘yon.
Namprel:
Paano?
UNN:
Ito
ang bato, lunokin mo at hilingin mo ‘yon.
Wala nang kung
anu-ano pang shit si Namprel sa isip niya, ang tanging umiikot lang don ay ang
kagustuhang matulungan ang kanyang matalik na kaibigan, ang kagustuhang
makaganti ng utang na loob sa kanya. Kaya hindi na nagdalawang isip pa ay
kinuha na ang bato, isinubo at agad-agad nilunok.
UNN:
Huwag kang
sisigaw ng darna!!!
Namprel: *Nakapikit ang mga mata*
Sana maging
tulay o daan ako para ibigin ni Inday si Dodong.
KIDLAT
HANGIN
ULAN
HANGIN
KIDLAT
KULOG
At ilang sandali
pa ay binalot ng makapal na usok ang paligid, nagkantahan ang mga palaka,
nagsayawan ang mga isda sa ilog, nagpatugtog ng musical instruments ang mga
kuwago at tatapusin ko na ito dahil ang korni at OA na at pasensya na. Hanggang
sa unti-unti nang nagiging tulay si Namprel, literal na tulay ng ilog.
*Tumunog ang
stupid love ng SALBAKUTA*
THE END
pinost na din sa wakas! salamat sa paglahok :)
ReplyDeleteWaaaah! grabe ha, as in literal na naging tulay nga si Namprel sa pagiibigan nila Dodong at Inday. Story of sacrifice, love and romance pala ito.
ReplyDeleteBigla kong naalala ang love team nila Dingdong at Antoinette Taus dati hahaha!
Goodluck po sa entry nyo!
Papsi good luck sa entry mo. Effort nga eto sayo. Eto na yata ang pinakawholesome na nabasa ko sa blog mo. Pag ibig eto ah at hindi kalandian. LOL Trending para sa bwuan ng Pebrero.
ReplyDeleteGood luck sa entry natin :D
Anlupit ng pagkakasulat Sir. nakakatuwa ang palitan ng kwento ng magkaibigan. talagang naging tulay ng pag ibig si Namprel para sa kaibigan nya at kay Inday, at naging kakaibang happy ending. hehehe Goodluck Sir.
ReplyDeletedi ko na-expect at nahulaan ang pangyayaring magiging literal na tulay si namprel. Akala ko nagtanan kasama ng kalabaw!!!
ReplyDeletenaks naman. light lang ang story!!!
Ibang iba yung style ng entry mo dun sa iba. Nakakatuwa kasi ikaw na ikaw yung story funny, witty and may deep side. Good luck kuya. :-D
ReplyDeleteKaya pag hihiling, kailangan specific para di matulad kay Namprel hahaha... Sweet nila Dodong at Inday! Pasok sa buwan ng Feb-ibig!
ReplyDeleteCongrats sa Entry!
Pinagtyagaan ko ito kahit mahaba at tangina worth it! LOL dami mo alam! Sana manalo ka bwahaha.
ReplyDeleteayos!mabuhay si Namprel bagay sa tigas ng pagkatao nya ang maging tulay!
ReplyDeleteGoodluck sa patimpalak! Hands down galing!
Ang galing mo dito kuya akoni, kanina q lang po nakita yan.. Good luck po kuya.
ReplyDeletebe careful what you wish for, ayan tuloy naging literal na tulay si Namprel!! Panalo po ito!
tatak Akoni to. walang kupas pare. hahaha
ReplyDeletenapangiti este napatawa ako ng sobra s mga banat.
tapos epic ang twist. akala ko pinatay ni namfrel yung babae tapos ngpaplastic surgery siya eh.lolz
Apir sa entry na to !