-Sulat ko ito mula sa FACEBOOK FAN PAGE ko (Naks ako na ang may FB fan page), sa mga mahihilig ng mga nakakatuwang litrato na ninakaw kung saan-saan lang, pero minsan lang naman ay nakakapost ako ng sariling gawa ko.
-Matagal na ito don sa FB Note ko, at dahil wala akong maipost dito, repost ko nalang ito.
iTo nA!
SUGGESTION LANG FACEBOOK
Kanina pagkatapos ko magbanyo at patulog na sana ako nang biglang umandar ang gilingan ng kalokohan sa utak ko,
kaya napabangon bigla, nagkamot ng kuyukot at inamoy. Mga ganitong pagkakataon kasi ay hindi ko dapat palanpasin,
dahil bihira na talaga ngayon gumiling ng kalokohan ang utak ko, nagkakalawang
na ang makina. Kahit nga panghuhuli ng mga ligaw na guni-guni ay hirap na hirap
din ako at bago pa mapunta sa kung anu-anong katsuktsakan itong mga pinagsasabi
ko ay uumpisahan ko na ang dahilan kung bakit naudlot ang paghihiwalay ng
katawan at kaluluwa ko pasamantala.
Ito’y dahil sa FACEBOOK.
Hindi ko na kakailanganin pa ng explanation tungkol dito,
ang dami na natin nabasang blog o sulat na ang topic ay tungkol sa facebook.
Siyempre, meron din ako noh? Pero kakaiba ito, hindi ito tungkol sa kaadikan o
mga nangyayari at nagaganap sa facebook, hindi ito tungkol sa pagpopost sa
status ng mga drama o problema sa love life o ang tungkol sa kapangitan ng
kaibigan mo, at hindi ito tungkol sa pagpopost ng mga….ewan alam na niyo ang
mga ‘yun. Ito ay suhestiyon ko sa facebook. Oo ako na suma-suggestion kay kuya
Mark Zuckerberg.
May dalawa akong suggestion na sana mayroon o magkaroon ang
facebook.
Una, Sana may expiration ang "Facebook Friends"
Kailangan after 6 months ay mag-send sayo uli ang friend mo ng
request na gusto pa niyang maging Facebook Friend mo, kung hindi ay automatic
na itong madedelete sa friend list mo. Ang astig at angas lang nun, diba?
Ganun, ganito 'yan....
After 6 months ay may notification na lalabas na "Renew
your friendship with Akoni" ganyan. Tapos pagclick mo ay may button na
"YES" at "NO". Pag YES ang pinili mo, automatic
na itong magsesend ng notification sa akin na gusto mong mag-extend pa ang
pagiging facebook friends natin. Pagkarecieve ko naman at pagclick sa
notification, may lalabas din na button na "Allow" at "Dump".
Pag allow ang pinili ko, ibig sabihin ay gusto pa kita ulit maging
friend sa loob ng anim na buwan. Kung Dump, ibig sabihin ay gusto na
kitang itae, gusto na kitang mawala sa facebook friends ko, automatic kanang
madedelete. Pero puwedi ka pa naman magsend ulit ng friend request sa akin, may
second chance parin.
Sa ganyan paraan ay maiiwasan natin maging dekorasyon
lamaang sa “friend list” ng iba. Malalaman mo pa kung sino ang ayaw nang
magrenew ng facebook friendship sa'yo, LOL. Tapos puwedi kang mag-inarte, dump
ka lang ng dump sa mga ayaw mong ma-extend ang friendship sa facebook.
Sa ganitong paraan din ay magkakaroon ng bonding ang mga
users ng facebook, siyempre kailangan nilang kaibiganin talaga ang mga nasa
friend list nila lalo na yung mga crushes o gusto nila, kailangan maging mabait
sa lahat para hindi ma-DUMP after 6 months. Kapag may ganito na, sigurado ako
ang totoong magkakaibigan lang ang magiging magkafacebook lamaang, diba? At
sigurado ako na kapag may ganyan na ay maraming mabubuong pagkakaibigan sa
facebook, hehehe.
2. Sana may kasamang explanition ang bawat friend
request.
Ang astig at ang angas lang, kapag magsesend ka ng friend
request sa isang tao, kailangan mo magpaliwanag ng hindi lalagpas sa 60 words
at hindi bababa sa 50 words kung bakit ka nagsend ng friend request sa kanya.
Required yan, hindi masesend ang friend request kung walang kasamang
explanation.
Sa ganyan paraan ay maiiwasan ang sunod-sunod na friend
request galing sa kung sinu-sino nalang na hindi mo kakilala. Mapapagod pa
magpaliwanag ang mga taong walang ginawa kundi magpadami ng facebook friends,
inaadd kahit sino para lang dumami ang friends nia. Sa una palang ay malalaman
mo na kung kakilala mo ang nagrerequest o gusto lang makipagkaibigan.
Kung pakikipagkaibigan lang naman ang intention mo, ilagay
mo sa explanation box na gusto mo siya maging kaibigan, na hindi mo siya kilala
pero gusto mo siyang kaibiganin, makiusap ka, diba?
Example:
Hello, ako si Akoni, hindi kita kilala at hindi mo rin ako
kilala pero nagsent ako ng friend request sa’yo dahil gusto kitang maging
kaibigan. Maraming salamat! At dahil kailangan umabot ako ng 50 words, kunwari
ay may sinasabi pa ako dito sayo na may sense. Sana ay accept mo ang friend
request ko. Mwah!
At kung kakilala mo naman, magkwento ka sa kanya kung bakit
nagsesend ka ng friend request sa kanya.
Example:
Walang hiyang kamote na yan, ikaw pala ‘yan? Hahahaha, hanep
ah…hindi ko akalain na maaaring magmukhang tao pala ang kamote. Langya, dati eh
kulay champorado ka Lang pero ngayon kulay champorado ka parin pero may gatas
Na, hahahaha. Batik-bati na mukha mo, black and white na. HOY accept mo friend
request ko hayop ka.
Oh diba ang astig, magkakaroon ng explanation box ang friend
request at magkakaroon ng expiration ang facebook friendship?
Oo, naisip ko pa 'yan. Ganito lang talaga kapag napadami ang
nakain na betsin.
~~~~~~
-Oh ayan, sa mga nag-aabang ng update ko rito sana ay nag-enjoy kayo at may natutunan kayo ng kunti. Hehehe. At sana nasagap ninyo ang mensahe na gusto kong iparating.
IBALIK ANG FRIENDSTER! slash meebo slash ano ngyari kay multiply? slash bakit blue si facebook?
ReplyDeleteNamimiss ko ang MEEBO...hehe..ang Friendster hindi ako naging active don, wala lang sa akin. Mas lalo na ang multiply, ano yun???ehehe. Blue ang facebook dahil mga feeling blue ang kadalasan pinoposte ng mga users. :)
Deletek. sagot ni kuya mark. haha
ReplyDeletefor the first suggestion, may point ka dun.. kasi dami nga naman stagnant or even wapakels na mga nasa friends' list, lalo na yung mga nangsstalk lang naman.. pwede.. pwede yang expiration mode...
for the second one, kinda awkward, its like youre gonna make lapit to someone and gonna make apply ng job.. job of friendship? merong eligibility, and that would bounce back to you, what can you offer as an fb friend????
...hehehe.. just saying... good morning!
Hi, hello. Apir tayo sa una. hehe..Dapat talaga magkaroon niyan, kasi minsan may chat ako, nag hello ako..eh putcha, sinagot ako ng hu u po? baliw lang.
DeleteSa pangalawa. HIndi naman siguro awkward, kasi para malaman na kakilala mo siya. hehe. para accept agad. Nagpapakilala lang. Wala akong maioffer pero puweding makabuo tayo ng isang "tunay na Friendship" charot. ehehe
tumpak at may sense ang iyong mga kaisipang naibahagi... galing... wais!
ReplyDeletegusto ko ung may expiration ang friend request. tama yan!
ReplyDeleteang ganda ng idea mo dun sa expiration ng facebook friends ha. kahit medyo kailangan ng effort go pa rin.
ReplyDeleteFacebook is a business, they practically won't implement this unless they'd see this as beneficial for them, money wise. :)
ReplyDeleteParang unlike button lang, parang forever never gonna happen ito.
Gusto ko yung explanation pag may friend request!
Hindi naman ata makakaapekto sa business nila. I mean walang users na mawawala. :) Pero may point ka, malaki. Naisip ko lang yan dahil nung minsan may chat ako na FB friend ko, tpos reply sa akin ay HU U? LOL
DeleteGusto ko yung una mong suggestion kuya tama nga naman. Ang dami ko ring friends na tambay na lang. Dun naman sa pangalawa dapat bawal ang copy paste baka naman kasi kung ano lang ilagay haha
ReplyDeletematalinong suggestion sana balang araw makagawa ka ng isang social site na makakapagpatumba kay facebook haha
ReplyDelete