Bigla kong naalala na may portion pala na “Itanong mo kay Akoni: May tanongkaba, may sagot ako” dito sa akonilandia. Buti nalang may nagpadala
ng tanong mga ilang araw na ang nakakalipas, kaya naalala ko na may mga hindi
pa pala ako nasasagot, pasensya na earthlings dahil makakalimutin na lately ang
inyong hari.
Tanong mula kay Richie ng www.1man1world.blogspot.com
What is the essence of being a man?
Masyadong malawak at seryoso na tanong, pang Mr. World. Naghahanap ng matinong sagot sa isang matinong nilalang na siyang hindi makikita sa akin, magkagayun pa man ay sasagotin ko ito.
Siguro ay ang maging mabuting mamamayan at maging maboteng kaibigan, at maging mabuting kapitbahay lalo na kay kumare. Magkaroon ng concern sa kalikasan, gaya ng hindi pagkakalat sa kung saan-saan, magtanin ng puno, huwag umihi sa pader (sa mga lalake, sa mga babae ayos lang), at magbayad ng pamasahe sa jeep dahil God knows hudas not pay. Maging good citizen ka ika nga, magkaroon ng disiplina sa sarili. At maging si Batman sa gabi.
Mula kay Brave-heart
Baket masama ang magpakamatay? Baket napupunta sa
hell?
-Kaya masama ang magpakamatay ay dahil mapupunta ka sa hell, sobrang masama ang hell, gusto mo mapunta don?
-Kaya napupunta sa hell dahil nagpakamatay. Ganyan lang kasimple.
Laging tandaan lahat ng makakasama sa tao ay masama. Malinaw na malinaw pa sa singit, na ang pagpapakamatay ay makakasama sa tao kaya masama ‘yan.
Tanong mula kay momosan
Kuya bakit po hindi namamatay ang puno ng saging
pagtinanggal ang puso nito?
Iha, hindi puno ang saging, isa itong malaking halaman-damo o herb. Kaya hindi ito namamatay dahil puso lang ang tinatanggal hindi ang buhay nito. Tulad din ng mga taong walang puso, hindi rin sila mamatay-matay. Ganun lang ‘yun. *Tumunog ang kantang pusong bato*
Kung may gusto pang malaman, itanong mo na dito,
at sasagotin ko kapag hindi na ako busy at nasa good mood. Hehehe
Ito naman 'yun mga nasagotan nang mga tanong: Nganga and Enjoy.
"Kaya hindi ito namamatay (punong ng saging)dahil puso lang ang tinatanggal hindi ang buhay nito" -> Bravo! gandang sagot po neto promise.
ReplyDeletemalatino ang pagsagot sa ikatlong katanungan haha!
ReplyDeletelaughing ako sa pag ihi sa pader ng mga babae. hahaha!
ReplyDeleteWow naman sa puso ng saging! ;)
ang kulet ng mga sakot/ hahaha
ReplyDeleteWow may pagkafeminist ka pala dahil pwedeng umiji sa pader ang girls hindi ang boys LOL anyway..panalo sagot mo sa saging question haha
ReplyDeletenaaliw ako sa saging at sa puso at sa pag-ihi sa pader. whahahah
ReplyDeletenamiss kong tumambay dito :)
ako rin namiss ko dito .. nakakatuwa talga dito .. makalipas ang mahigit dalawang buwan na hindi pagba-blog ay eto ako at dito napadpad sa iyong kaharian.. dito ako una nag comment.. hehe .. ayus talaga..
ReplyDeletemakapag isp nga ng tanong XD
nakakatuwa after a year nabasa ko parin tanong ko dito,. haha.. :)
ReplyDelete