Disclaimer: Mabuwesit ka kung gusto mo mabuwesit…
Alam ko sa panahon ngayon ay hindi na uso ang
walang girlfriend(s) at boyfriend(s) naman sa mga babae. Kung meron man wala (BF/GF) ay
kunting kunti nalang sila, kasing
dami nalang nila ang mga matitinong pulitiko sa atin. Hindi tulad talaga noon
kapanahonan namin (Putcha ang tanda ko na) na talagang luluha ka ng pawis,
dudugo muna ang utak mo at kamay mo dahil sa kakasulat ng love letters bago ka
magka-girlfriend. At kung anu-ano pang pagsubok ang ipapalasap sa’yo ng babae
bago mo maamoy kung ano ang brand ng pabango niya, tapos hanggang kiss lang ang
pinaka-peak ng “base”, sa pisngi pa, buwesit, buwesit talaga, sana hindi ako pinanganak kahapon.
Ang “First base” noon ay makatabi mo ang crush mo.
Nasa alapaap kana noon kapag nakatabi mo ang crush mo. Nagmimistulang parang
robot ako non kapag magkatabi kami sa umupoan ng crush ko, panay pakyut ako,
alam mo ‘yun, yung bawat kilos mo ay dapat nasa tamang angkulo ang dating sa
kanya? Mamaya pag-uwi ipagyayabang na, na katabi ko kanina si Kuwan sa upoan,
sarap ng feeling sabi ng rebisco.
Ang “Second base” ay makausap mo na ang crush mo.
Putcha halos mawasak ang kama ko pagsapit ng gabi dahil sa kilig, dahil para
akong bulate na pagulong-gulong sa ibabaw ng kama. Taas noo sa mga kaklase,
sempre nakausap ang pinakamagandang babae sa school eh, nakasecond base. Hindi
pa uso noon ang “pagnasaan” sa isip.
Ang “Third base” ay mareplayan ang love letter mo
na pinaliguan ng pabango na inipit sa kanyang notebook o libro. Parang nagkakaorgasm ka dahil sa saya habang
dahan-dahan mo binubuksan ang liham pagkatapos mo ito amoy-amoyin at sundin ang
nakasulat na “Smile before you open”, putcha ang lakas ng kuryente ng kilig
non.
Ilan lang yan sa mga “base” kahapon (kahapon
nalang gagamitin ko kasi parang Jurassic na ang dating ng noong unang panahon),
kapag nangyari saiyo yan noon sobrang saya mo na, halos sumabog kana sa sobrang tuwa. Lalo na kapag
nahawakan mo na ang kamay dahil girlfriend mo na. Grabe na ang level mo, hard
core ka na p’re, isa ka nang alamat sa mata ng mga kaklase mo na kulang nalang
ay ipagtayo ka nila ng rebulto at alayan ng mga bulaklak at prutas dahil sa
paghanga nila sayo. Ganyan katindi kahapon, mababaw lang ang kilig, kunti lang ay kikiligin na, hindi tulad
ngayon na ang lalim na at ang init pa at mamasa-masa pa (If you know what I
mean) LOL.
Ngayon ang pinaka-peak ng mga “base” ay “Nabuntis na
ang girlfriend o nakabuntis ng babae (sempre)”. Napapahiling tuloy ako minsan ng may halong pagsisisi at puot sa akin budhi na sana hindi ako pinanganak
kahapon, LOL.
1990’s noong kumalat sa lugar amin (ewan ko kung
ganun din sa inyo) ang mala-Nostradamus na prediction na mangyayari daw sa mga
kababaehan. Sabi nila (hindi ko alam kung sino sila), sa year 2000 daw ay babae
na ang maghahabol sa mga lalake. Grabe noon ang takot ng mga kaklase namin mga babae,
halos masuka na sila kapag naiisip nila o nababanggit ‘yan at pinagbabato kami
kapag itinutukso namin sa kanila ‘yan. Pero Kung gaano sila noon natatakot ay
ganun din kalakas ang tuwa namin, putcha hindi mo na kailangan manligaw pa ika
nga nila, kindat lang ang magiging puhunan mo at kunting landi, ayos na ang
boto-boto at ang “malaking ugat sa katawan”. Malalasap mo na ang lahat ng klase
ng mga “base”. Year 2013 na, mukhang nagkatotoo ang hula ng mga matatanda sa
amin, sa palagay niyo?
Noong magbakasyon ako ng Pilipinas, September
2012, mukhang mas lalong malala pa ata ang nangyari. Noon ay ang madalas na
kuwentohan namin ng barkada ay tungkol sa mga kanta ni Bryan Adams at Michael
Bulton, mga jokes sa gag shows (Super Laugh In at Bubble Gang at Tropang Trumpo
at Wow Mali), mga paboritong PBA at NBA teams kasama na mga players, at ang
love team ni Judy Ann Santos at Wowie De Guzman. Kung may maisingit man na
babae ay tungkol lang ito sa kagandahan nila o kaayosan, nahihiya kami
magkuwento noon tungkol sa kahalayan at kalandian.
Sa paguwi ko nga, iba na talaga ang trip nila.
Nagulat ako kuya Eddie at napakasakit ang mga narinig ko. ‘yung paboritong
topic namin noon na basketball ay napalitan ng basketball sa kama, at 15 years
old lang kuya ang nagkukuwento noon sa akin, kasama daw mga barkada niya na
hindi rin lalagpas ang edad 15, kuya Eddie seks trip sila. Friends with
benefits na pinaggagawa nila, at fling-fling lang daw. Nakanganga lang ako noon,
hindi ko alam kung hahanga ako o maawa sa kanila o pagbabatokan ko sila at
pagsisipain (dahil ayaw nila ako isama?). Buwesit talaga, samantala noong ako’y
15 years old palang ay nangungulekta pa ako ng mga tansan, mga balat ng
kendi, teks, goma at holen, at umaakyat pa sa mga puno ng bayabas.
Buwesit talaga, bakit pa ako pinanganak kahapon?
Isama ninyo naman ako sa agos ng buhay ninyo ngayon, LOL.
Salamat madami sa mga nagbabasa, sa mga nagse-share at lalo na sa mga nag-iiwan ng bakas palagi. Sorry kung hindi ako nakakaganti, may personal akong pinagdadaan...LOL.
liberated na ang maraming kababaihan sa panahon ngayon.
ReplyDeletemas okay for me ang panahon kahapon.... hindi sobrang bagal, yet di rin sobrang bilis
ReplyDeleteganyan talaga yan ang nagagawa ng makabagong pagmamahal :)) punyetang pagmamahal haha.
ReplyDeletehaaaay andami talagang mga pagbabago ang hindi katanggap tanggap... mas gugustuhin ko talagang mabuhay sa lumang panahon...hyyyy... maganda ang post na ito... madadalas na ang aking pagtambay... yey
ReplyDeleteIba na talaga ngayon grabe magkipagkaibigan at bolahan ka lang sa fb o text magkakagf/bf ka na
ReplyDeletepero kung kasabayan ka namin walang magpapaalala kung gaano pa rin kayo kaswerte noon, sana maibalik pa rin ang dati mas magiging maganda pa nga siguro
ReplyDelete