nuffnang

Thursday, March 17, 2011

Kagat ni MASTER

Magtatlong buwan na akong nagba-blog, natanong ko tuloy ang aking sarili.



-Hoy…sarili ko, certified blogger na ba ako? Marami na akong naisulat na blogs at naipost sa loob ng tatlong buwan, full pledge blogger na ba ako? Pagtatanong ni akoni.



-Hindi ko alam, sabay tayong pumasok sa mundo ng blogging, diba?” sagot ng aking sarili.



-Oo nga noh? Salamat- sagot ni akoni.



-Bakit hindi mo nalang tanongin ang mga kaibigan mong bloggers na mas nauna sa’yo? Ang “the elders” ika nga, imbes na ako ang tanongin mo. Nagmumukha ka lang tangang-kyut. pagsesermon ng aking sarili.



Tandang-tanda ko pa noong araw bago ako matuto magsulat, nag-umpisa ito isang gabi ng November 2010.

Wala akong magawa kaya lumabas muna ako, nagsindi ng sigarilyo at naupo sa isang madilim na sulok, hindi ko alam kung ano ang trip ko sa gabing ‘yon.



Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ko na rin pundohan ng usok ang aking baga, kaya naisip ko matulog na. Tahimik ang buong paligid, tumayo ako at sinulyapan ang aking relo, alas dose na pala ng hating gabi. Papasok na sana ako, nang biglang may umakbay sa akin.
Magkasabay ang pagkagulat ko at ang sakit na naramdaman ko, may tumusok na matalas sa leeg ko, putcha kinagat ako ng isang bampira.



Ang sakit, pero parang hindi naman niya sinipsip ang dugo ko, pakiramdam ko pa nga dinadagdagan niya ito, dahil may nararamdaman akong dumadaloy  na parang tubig sa mga ugat ko na namumula sa matatalas niyang pangil na kabaon sa leeg ko. Ramdan na ramdam ko na kumakalat ito sa buong katawan ko.

Tangin yun lang ang naaalala ko sa gabing ‘yun. Hanggang sa isang araw pagkagising ko, may nakita ako na sulat sa ibabaw ng side table ko.



Binasa ko…



Akoni,



Kung binabasa mo na ito, ibig sabihin ay isa ka nang blogger. Isinalin ko sa iyong dugo ang kapangyarihan na makapagsulat, ang kapangyarihan magkaroon ng imahe ang mga guni-guni at mga kalokohan sa utak mo, sa pamamagitan ng papel o sa mga makabagong teknolohiya. Nakita kong maraming kalokohan at mga guni-guning ligaw dyan sa utak mo at sayang lang kung hindi mo ito ilalabas. Maganda man ito o hindi, nakakatuwa man ito o hindi, at least may masasabi kang galing mismo sa ideya mo at matatawag mong sariling iyo. Makakatulong din ito sa’yo, sa utak mong may pagkabobo.

Welcome sa lahi ng mga bloggers

P.S.
Sana ay maging asset ka sa amin.

Kumagat sa’yo,
Bob Ong


14 comments:

  1. pwede pang pakagat din kahit di na kay Bob Ong sayo nalang.nanalaytay na sayo ang dugong blogger.

    ReplyDelete
  2. si Bob Ong ang insiprasyon mo? aba muntik na tayong magkapareho hehehe...

    halos kasabayin lang kita.. november din ako nagsimula year 2010..

    pero ako hindi kinagat ng bampira.. langgam ang kumagat sakin hehehe

    magandang araw sayo parekoy

    ReplyDelete
  3. ang kkuuullleeetttt!!!!!!!!!!


    natawa ako dun sa message sayo ni bob ong.. buti pa u nakareceive ng isang sulat mula sa isang sikat na author na ayaw magpakilala sa publiko....

    hehehehe....

    ReplyDelete
  4. hahaha...likes ko yun closing na "Kumagat sayo". ang cute wakekeke.

    ReplyDelete
  5. oo certified blogger ka na. tama ang kumagat sayo sayang naman ang guni-guni at kalokohan kung hindi maibabahagi. Syanga pala may nag bigay sa akin ng stylish blogger award and kailangan ko ito ipasa sa iba. naisip kita eto ang link http://janemayen.blogspot.com/2011/03/seven-facts-about-me-and-stylish.html

    tutal certified blogger ka naman. enjoy the award. thanks.

    ReplyDelete
  6. Diamond - hahaha..pre,sige..haha..basta hindi ka mapait ah..

    Istambay - pare, Oo si Bob Ong, hehe..after ko makabasa ang book niya (ABNKKBSNPLako). Masaya ang month na nagsimula tayo, buwan ng mga patay?haha..ang bampira ay ung book ni Bob Ong..un ang kumagat sa akin..hehe

    Itlog - bakit hindi ka pa ba nakakarecieved ng sulat ni Bob Ong..?hehe..wala na ata sulat niya sa atin..hehe

    Kraehe - like ko din kumagat..haha

    Mayen - thank you so much..Gawin ko after this weekends, busy pa..hehe..thank you..

    ReplyDelete
  7. Wajajajajajajajaja!!!! wo0o0o0ohhh! yeah-bahhh!!! jajajaja...
    ang kulet ng pagkakakwento kua Akoni...although malalim ang
    tunay na detalye,d ko pdin maiwasang di matawa! jajaja!

    halos sabay pla tayong nagumpisang magblog, nauna ka lng sken
    ng isang bwan..jeje..lo long...

    basta ang alam ko pgkadating ko ng work post mu agad ang
    inaantabyanan ko..ksi nkka-stress relief kc nkkatawa...
    jejeje...wapak n wapak!

    ReplyDelete
  8. nalate ka atang magpost ngayon kua Akoni ahh...jejeje

    ReplyDelete
  9. influenced by pareng bob ka rin pala, kala ko all along lamok lang kumagat sayo! hehe
    nga pala bakit akoni? na koryus lang..

    ReplyDelete
  10. 100 percent certified blogger ka para sa akin..kasi halos araw araw ay may bago kang post..last february lang ay 33 ang post mo..gayong 28 days lang sa february..sa napakadami ng blog na napuntahan ko ay ikaw lang ang blogger na araw araw may bagong post..ako kasi at ang iba pa ay lumilipas muna ng ilang araw..pero ikaw halos araw araw......

    ang hirap ng requirements mo para maging presidente kasi dapat may alam na 200 languages..

    ReplyDelete
  11. Hello! Thanks sa pag-follow. Bagong follower din ako.

    Masasabi kong certified blogger ka na nga. Akala ko din lamok ang kumagat sayo. hahahaha! Buti ka pa kinagat ni Bob Ong, ako kahit hindi niya kagatin makita ko lang siya, okay na.

    ReplyDelete
  12. gusto mo kagatin kita? may rabbies ako!!!! ahahaha....

    bkit nga ba ang dami mong post lagi? wala kang magawa noh?! ahahaha....

    natae na naman ako dito habang nagcocoment. lol

    ReplyDelete
  13. Lhuloy - day off ko kasi pagthursday and friday, kaya walang time sa computer..hehe..salamat..hehe..

    tabian - aauummhh..akoni? expression namin magbabarkada yan noon..hehe

    Arvin - YES, am happy na matawag ng katulad mong certified blogger na ako..hehe..hehehe..un, edukasyon lang gusto ko, may pagkaadik lang ang pagkasulat..haha..salamat sa pagbasa..hehe

    Sey - lahat naman siguro ng nakabasa ng libro ni Bob e gusto siya makita..hehe..salamat din sa pag-follow..rock n roll na ito..

    Leorap - sabi na nga ba e, nandito ka e..kaya pala may naaamoy na naman ako..hahaha..adik much ka..

    ReplyDelete
  14. ang kulit kulit mo talaga hehehe

    naaaliw ako sa mga post mo

    :))
    morning akoni!

    ReplyDelete