Finally last part na.
MARAMING-MARAMING-MING SALAMAT sa lahat ng nagbasa. Gusto ko kayong halikan isa-isa kaso magkakalayo tayo, bad trip sayang talaga.
MARAMING-MARAMING-MING SALAMAT sa lahat ng nagbasa. Gusto ko kayong halikan isa-isa kaso magkakalayo tayo, bad trip sayang talaga.
Makalipas ang ilang oras, natapos narin sa wakas ang mga nagsasalita na kahit isa ay wala akong nakuha sa mga pinagsasabi nila.
Ikakasal na ako, ipinatawag na ng IMAN (religious leader) sa stage ang mga magiging saksi sa aming kasal, bawat panig ay mayroon kanya-kanyang mga saksi. Na-excite na naman si Akoni, kaya noong tinatanong na ako kung tinatanggap ko bang maging asawa si Heaven ay parang ang tagal ng pagtatanong ng Iman, parang gusto kong agawin nalang ang mic at ako narin ang magtanong sa sarili ko, matagal e. Halos hindi pa natatapos ang Iman sa pagtatanong kung tinatanggap ko bang maging asawa si Heaven ay sumagot na ako agad, “Oo, tinatanggap kong maging asawa si Heaven……On the wings of love”
Palakpakan ang lahat, tapos kinongrats na ako ng mga tao, sinabihan narin na legal ko nang asawa si Heaven at kunin ko na siya sa baba. Pinuntahan ko ang aking asawa (naks), sumama ang mga tao para tingnan kaming dalawa.
Nasa harap na ako ng kwarto, tapos kinatok ko ang pintuan, panget kasi kung sa sahig ako kakatok, diba? buti nalang pinagbuksan nila ako agad.
Patalastas. Minsan hindi pinagbubuksan agad ng pintuan ang groom hanggat hindi niya maibigay ang money demand ng mga abay ng bride, ito ay kasama sa tradition kasiyahan sa maranao wedding, Click here kung gusto mong malaman ang ibang paraan ng maranao wedding. (Kaya ako pinagbuksan agad ng pintuan ay dahil naibigay ko na in advance sa kanila ang money demand ng mga abay ng bride, syempre ayaw ko ng pinaghihintay ako sa labas, gusto ko dire-diretso na, hehehe).
Nagbabalik ulit ang batibot.
Nakita kong nakaupo ang asawa ko (naks). “Sumaiyo ang kapayapaan” bati ko sa kanya at sumagot din siya ng “At sumaiyo rin ang kapayapaan…” Nag-hand shake kami with malisya, palatandaan na akin na siya at palatandaan ipinagkatiwala na niya sa akin ang kanyang sarili,(nom…nom…nom…) Palakpakan ulit ang mga tao sa loob ng kwarto.
Umakyat kami sa taas, hawak kamay kaming naglalakad sa aisle papunta sa stage (walang altar kasi sa amin). Kailangan muna namin umupo don para makita ng mga tao at masaksihan na mag-asawa na kami, at syempre para sa picture taking.
Ang daming tao, nagkakasiyahan, may tumambling, kumakain ng apoy, nagbabasag ng kung anu-ano, syettt!!!teka, na over na naman pagkukwento ko, picture-picture lang pala.
Hindi ko makuha ang eksaktong salita upang maitindihan mo kung gaano ako kasaya sa oras na ‘yun. Nakikita kong masayang masaya ang mga kaibigan ko para akin, ang mga kamag-anak ko, at lalong lalo na ang mama at papa ko, kitang kita ko ang kagalakan sa kanilang mga mukha na kulang nalang ay ipagsigawan nila na “ANAK namin ‘yan, ang pogi!!!!”.
Honeymoon Night
Bawahahahahahahaha...mahina ang mga lobo, dahil tagum buwan, malakas ang mga bampira..bwahahaha...
Sa bahouse. Pagkatapos naming magpictures ulit, kumain, buksan ang mga regalo at makipagchickahan sa pamilya ng asawa, pumasok na kami sa aming kwarto, mwaahahahaha. Tahimik kaming dalawa habang nagbibihis. May nararamdaman akong enerhiya na dumadaloy sa buong katawan ko, familiar na sa akin ang ganun enerhiya. Nahahalata ko sa aking asawa na kinakabahan siya, nahihiya, at nati-tense. Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mapang-akit na mga mata.
Kaya ang ginawa ko pinatay ko ang ilaw at natulog na kami.
zzzzzNgoRkZzzzzz!!!
THE END
Ebedensya: Me and my heaven
baliw ka Akoni..hahahahaha pero ang saya saya ko habang nagbabasa... di ko alam kung fiction na yata kinukuwento mo.. pasaway,, ang pangit nung picture.. hindi papayag ang heaven mo na kayo yan! adik ka... hahahaha.. pero kakaiba naman wedding niyo... ikakasala ka..mag isa ka lang hahahaha..
ReplyDeletewaaaaaaaaaa... hindi ko anak yan. lagot na naman c akoni nito, papagalitan ko na yan talaga..grrrrr
ReplyDeleteang ganda ganda ng love story pero ginawang katawatawa sa huli..
tapos na an glove story.. ayos ah...
ReplyDeletemay halong fiction na yata parekoy hehehe.. nilagyan mo ng comedy.. pero love story... :)
ayos ang kwento at napabunghalit ako sa tawa dun sa picture hehehe
ReplyDeleteAhahahahhaha ang kulit lang! adik! di ko alam kung maniniwala ba ako... lol... di ko mapigilang humagalpak ng tawa! hehehehhehehe
ReplyDeletehehehe ang saya ng honeymoon. hahahaha. totoo ba tong kwento na to?
ReplyDeleteBago ang lahat, 99.52 % totoo ang kwento..hehe...ang picture lang ang obvious na hindi totoo..haha..sorry nagpapatawa lang..
ReplyDeleteKamila - kagabi kausap ko nga siya sa skype, tawa siya ng tawa..haha..binalaura ko daw kwento naman...hahaha..
mama- hehehe..hindi lahat ng storya ay happy ending, minsan may pa-cute..haha
Istambay - ang picture lang dyan ang fiction..hehe
Bino - hahaha..ako din, di ko kayang titigan ng matagal..LOL
Xprosaic - maniwala ka..sabi nga ni juday, maniwala ka sa kulam. salamat sa pagbisita.
KIKIlabots - hayy sobrang saya..haha..Yep! truelalow yan..hehe
hala kua Akoni! parang di cla makapniwla s lvestry na toh' jajajaja...
ReplyDeleteeniwi ngawit n ngawit ang panga ko dahil sa kangingisi, katatawa, at kakangiti sa last part ng love story muh...huaajajaja..
although nakakalungkot dn kc last part n nga..dpat kc maraming parts...jejeje...
parang kang smart!
ur simply amazing...nakz..! apir!!! pak!
hahahhaaaa!.. di ko mapigil..:D :D :D :D. Pra na akong si Ai-ai sa pelikula nia (Ang tanging ina,last na to) yong hindi na niya maibalik yng jaw nia, naka-nganga na lang dahil sa sobrang tawa!!!.grabe ang transformation nimo og ni heaven no? after pagpatay nimo sa ilaw, it shows sa picture,,hahahahaaa!..anyway, Dong akoni,I enjoyed reading..
ReplyDeletehahahaha! natulog daw!! nakita ko na ang picture na yan! aba eh kagwapo mo pala at kaganda ni heaven!! hahahah
ReplyDeleteWOOAAAHHH..ramdam ko ang tawa niyo dito sa office..hehe..
ReplyDeleteLhuloy - hehe..gagawin palang ang sequel,AKONI before marriage..hehe hahaha..Naks ka talaga..nakakapanginit ng mukha ang comment mo..hehe
JOEY - Joey, Joey, Joey, ano na? hehehe...tapos na kwento, pero gagawa parin ako para hindi ka umalis..hehe.."Akoni: Blog-ibig"
Iya_khin - e talaga naman natulog kami ah..hehehe..Oo matagal nang umiikot sa kung saan2x ang picture na yan..hehe..pero magkalapit lang naman ang mukha namin e, kaya parang ako lang yan..haha
@akoni: whew! really?..na-antig naman ang puso ko dun, di ngah!..weeeh!..hehhe.. gagawa u uli ng kwento? sabi nga ni Katie parang kang Smart kc you're simply amazing! para naman sakin para kang si BDO, you always find ways to entertain us! naks!,,galing mo talaga! Dong Akoni,,hehe :D
ReplyDeleteRAted X kalandian ang storing ito..w ahehehe... joke ,,,...ang sweet lang kaya..w aheheh
ReplyDeleteJoey - Oo gagawa ako..haha..tama na, maniniwala na ako..haha
ReplyDeleteKikomaxxx- alin ang sweet ung dalawang tao na nasa larawan?hehe
nyaks ito na...
ReplyDeletehehehe doon din pla ang bagsak...
sweet... enjoy it chong and i know you will
kasi masaya kasama ang tunay na mahal mo
ANG LANDI MOOOOOOOHHH!!!!!!! wahahahaha..... tapos na to, sure ka? ahahaha.... tanggalin mo na nga ung picture sa ilalim, nakakabwiset eh! ahaha
ReplyDeletemaniwala kayo... si akoni yan at si heaven niya.. hayst... kayo na...
ReplyDeleteUno - Walang kasing sarap talaga ang makasama mo ang iyong minamahal..
ReplyDeleteLeorap - hahahaha..Oo sure na sure na. pero may dadating pa..hahaha..dare kita if kaya mong titigan in 3 minutes ang picture na yan, papalitan ko..LOL
musingan - hehe..lamang lang ako ng isang paligo dyan..haha
hahahaha adik ka parekoy ha...
ReplyDeletekinabag ako sau LOl
gaganda ng ipin nyan ha...
LOL talaga
hahaha...pareng JAY, di ko kayang tingnan ng matagal ang picture..haha..
ReplyDeleteang gandan ng love story intense, pero all of a sudden parang may bumatok sa akin at parang nawala ako sa binabasa ko.Pa climax na biglang parang ng brown out-pag bukas change channel na at nag iba ang palabas.
ReplyDeleteGanon pa man salamat sa patikim na kwento ng iyong buhay.
Napansin mo wala akong ibang ginawa ngayon kundi mag comment lang dito.
Comment ako dito sa last kahit late na. hehe.. salamat sa chance na mabasa to. Grabeh, mas nakakatuwa pala pag sa point of view ng lalaki ang pag kwento ng love story. Mas nakakakilig. Kasi diba ang mga lalaki minsan di naman expressive so di mo alam kung gaano sila kasaya. Favorite part ko yung lumabas si heaven sa engagement party. Super kinilig ako sa naramdaman mo para sa kanya. :)
ReplyDeletetsaka naaliw din ako sa mga nalaman ko about sa maranao wedding. Super fascinated kasi ako Islam/muslim eh. Dati dapat yung ang focus ng Thesis kung tinuloy ko ang masters ko. kaso tinamad na ako mag-aral, Anyway, thanks na-enjoy ko talaga. swear. :)