nuffnang

Tuesday, March 22, 2011

Blog-ibig page3

Episode 1
Episode 2

Puppy love 3

First year high school, medyo naiitindihan ko na kung anong klaseng feelings ang nararamdaman ko kay Katie Lhuloy. Ganun nga ang ginawa ko, kung saan siya nag-aral, doon din ako pumunta at kami ay magkaklase na muli...ayyiiiiiiiii..

After 3 months, unti-unti nang nag-iiba ang feelings ko kay Katie. Hindi ko maitindihan kung ano ang nangyari, bigla kasi naiba ang feelings ko sa kanya. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay nawawala ang feelings ko sa kanya, nagagandahan parin naman ako sa kanya pero 'yung ganda na masarap sa mata pero walang kurot sa puso.

Siguro dahil sa nagkaroon na ng maraming kakompentensya ang kanyang kagandahan at katalinon sa school or siguro dahil sa sinasabi nilang panandalian pag-ibig, ang puppy love. Pero ang magandang nangyari ay naging magkaibigan kami, at nakakapag-usap na kami na hindi ko na nararamdaman maihi at matae.

                                                                               -Wakas-

Unang sibol ng pag-ibig: Siya nga


Marami na akong nagugustohan na mga babae lalo na sa mga klasmets ko, isa na rito si Iya_khin. Pero lihim na pagtingin lang ako dahil ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko at kaklase ko, ayaw kong tuksuhin nila.

Isang araw wala ang first period titser namin, kaya habang nagkakagulo sa loob ang mga klasmets ko na makukulit, ako naman ay nakatayo lang sa may pintuan namin. Takaw-pansin ko ang babaeng naglalakad patungo sa kabilang section, napatitig ako sa kanya at napasigaw ang isip ko.

"Wooowwww...Ang ganda naman niyaaaaaa.."

Pero wait, pamilyar sa akin ang babae na ito. Pilit kong kinalikot ang akin utak para hanapin ang alaala kung saan ko unang nakita ang magandang babae na nakikita ko. Napalingon siya sa akin, siguro napansin niyang naka-kunot-noo ako dahil nga sa pag-iisip ko, kaya natawa siya at nginitian niya ako. Huwaw, ang ganda ng ngiti, muntikan na akong mapasigaw ng "ta'aaaaahhoooooooo....".

Nagulat ako sa akin nakita dahil bago siya pumasok sa kanyang klasrum ay nag-usap muna sila sandali ni Katie Lhuloy.

"Huuuwaaaaattttt, magkakilala sila?" sa isip ko.

Pagkatapos noon ay biglang may naalaala na ako,

"SIYA NGA!!!" pabulong kong sigaw.

Siya si babaeng mestisahin, 'yung transferee sa school namin noon elementary pa ako. Oh em ge, sobra akong nagandahan sa kanya, lalo pa siyang gumanda, at dalagang-dalaga na si nene.

Hindi ko alam, pero kakaiba na naman ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nadidiligan ng kanyang kagandahan at matamis niyang ngiti ang seed ng pag-ibig sa akin puso.


Itutuloy....

17 comments:

  1. hahaha! may naramdaman akong kurot!! nauutot ako sa tawa!! lihim pala...huwag naman sanang maitim na lihim!! hahahah!! nice-nice!!

    ReplyDelete
  2. ang kulet... dalagang dalaga na si nene... may video blog pa naman ako tu8ngkol sa kanya... ehehhe... bleh....

    ReplyDelete
  3. nakakasuspenz! wahahaha...inaabangan ko ang paglabas ng pangalan ni rap dito...jajaja...sinu kaya sya sa story mu kua Akoni...jajaja...husay!

    ReplyDelete
  4. hahaha.. nabasa ko na naman and seed ng pag-ibig..hhehe hindi ko na mabilang dong akoni kung ilang seeds ng pag-big ang naitanim ko,hehhe (atik lang!) ang alam ko, isang seed lang ang nakatanim sa puso
    ko ngayon! naks!;D

    ReplyDelete
  5. wow nmn ang mga cahracters pang bida talga.

    ReplyDelete
  6. Iya_khin - mabuti naman at may kurot yan sayo..hehehehe...maganda twist ng story..hehe..basta..hehe..maitim na lihin? ano ako witch? haha

    Musingan - vblog mo na..ikaw na..hehe

    Lhuloy - Katie Lhuloy, hehehe..hahaha..malapit na din siya lumabas..hehe...siya si el presidente..haha

    Joey - sa susunod tutubo na ang seed..haha..ang dami mo palang nataniman..haha..love farmers ka pala..haha..naks isa lang ah..panget..hahaha.jk

    Uno - hehehe....tayo ang bida

    Bino - salamat talaga hehehehe

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Sabi na siya yung mestisahin na nagtransfer agad eh! hahaha! anu kaya magiging katapusan ng unang sibol ng pag-ibig?

    ReplyDelete
  9. an kulet..nadidiligan talaga? halaman ba itey? lagyan mo na rin ng fertilizer akoni! ituloy mo na ng hindi na mabitin!

    ReplyDelete
  10. for me hindi puppy love yan.. kalibugan yan! ahahaha

    ReplyDelete
  11. Sey - hahaha..ang galing mo naman...hehe...hhmmmm hindi ko pa alam ang kataposan..hehe..thanks sey

    tabian - haha..oo at pweding pitasin..hehe

    Rap - wait ka lang, malapit na favorite part mo..hehe

    ReplyDelete
  12. Hahaha! Bilib naman ako at naaalala mo pa ang mga ito, complete with details =)

    Aabangan ang susunod na kabanata!

    ReplyDelete
  13. Koya! Hanggaling mo! Pramis palakpakan! Hahaha.. feeling ko highschool ulit ako..at parang pang teleserye naman ang dating nung nakita mo siya.. naimagine ko si Marian RIvera siya.. hahahahaha :)

    ReplyDelete
  14. hahahaha
    nakakatuwa ito ha..

    nagbackread pa ako mula 1st episode hehehe

    at ang lupet ng karakter hehehe
    mga anghel...

    ReplyDelete
  15. lol... ano daw? ayuf ang storyhan ah. may part part pala to.

    ReplyDelete
  16. Kalokang pinay - kaya nga may tinatawag na "karanasan hindi malilimutan"...hehe

    Kamila - haha..thank you, maniniwala na ako..haha..alam mo na kung sino si mestisahin..haha

    Jay - thank u pare, really. Ahahha..mga mala-anghel..hehe

    Mama - hehe..I edited some mama..hehe

    Bulakbolero - hahaha..parang by episode lang iba-iba ang story..hehe..salamatdin

    ReplyDelete