nuffnang

Thursday, March 3, 2011

According to AKONI


Time check 12:35 am

Walang pasok  na naman bukas dahil day off namin, dalawang araw na naman na puyatan at dalawang araw na naman na lokohan.

Sa buhay natin (naks parang eksperto kung makapagsalita e noh?, haha, hayaan niyo na ako, adik lang magblog at e-share sa inyo ang mga guni-guni ko na may kunting halong kalokohan, gusto ko lang patunayan na hindi lahat ng guni-guni ay kalokohan.

Itong mga nakaraan araw, dami kong nababasang mga EMO post sa FB, pansinin mo karamihan sa mga post nila sa status ay patungkol sa mga hinanakit nila sa pag-ibig, sa buhay, sa...sa...sa..sa...ewan, puro pagrereklamo nalang.

Dahil doon nakaisip ako ng apat na paraan para maka-move on sa anuman kabiguan natin sa buhay. Epektibo ito sa akin, ewan ko lang sa inyo.

"4 steps na kailangan (din) natin sa atin buhay (para mag-move-on), according to AKONI."

1. Accept your destiny – Kung ano man ang mangyari o mangyayari sa buhay mo ay tanggapin mo nalang, nasa destiny mo na ‘yun. If hindi mo gusto ang nangyari? Magdasal at humingin ng magandang kapalaran , ask him to change it for you, ask him na kung hindi sana maganda ang dadating na kapalaran mo ay sana palitan niya ng like mo at kaartehan mo. Pero kapag hindi mo parin nakuha? Step number two ka na, dahil ibig sabihin hindi para sayo, hindi makakabuti sayo, at may mas magandang destiny para sa’yo.

2. Take the pain – namnamin mo ang sakit ng kabiguan mo hanggang sa mawala ito. Huwag mong labanan, wag mong takasan dahil habang tinatakasan mo ito ay lalong sumasakit, pansin ba mo 'yun? Ako oo, ika nga nila harapin mo. Iiyak mo ng tatlong taon kung gusto mo, iluha mo ng limang drum kung kaya mo, magwala ka kung trip mo, pero magwala ka na walang maiistorbo kundi ang sarili mo lang at basta wag ka lang magbabaril sa dibdib. Tingnan mo sa huli, marerealized mo din na may buhay ka, may bukas pa para sa'yo at marami pang magagandang bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin. Pagkatapos mong ilabas ang lahat ng sakit at tanggapin ang lahat, step 3 kana.

3. Move-on – Pagkatapos ng step 2, ituloy ang buhay, ituloy ang ligaya. Paghandaan mo nalang ang susunod na mangyayari. Kung inulanan ka kahapon, magdala ka ng payong para hindi maulanan ulit, ang experiences mo ang magsisilbing payong mo para hindi ulit maulanan ng sakit. Gamitin mo ang mga naranasan mo para maging matatag ka sa susunod, gawin mong armas ito. Huwag kang mag-sasara ng iyong pintuan, kalimutan mo na ang sakit at kalungkotan, burahin na lahat. Lumabas kana at e-enjoy mo ang iyong buhay at mga biyaya sa'yo, makipagkaibigan, makipaglandian ulit, hehe. Get a life, at higit sa lahat magpatawad ka, for give you self, amen!

4. Shut up – Don’t kiss and tell, minsan dahil sa pagiging taklisa natin ay nasasagi ang sugat na matagal nang naghilom, kapag nag-move on ka, huwag nang balikan o bangkitin ang nakaraan, store mo nalang ito sa trash can bin ng iyong utak. Huwag maging madada, okay? Kasi kung panay reklamo ka, walang magyayari sa'yo.

Ulit-ulitin mo lang ito, hanggang sa ma-mastered mo.

Note: Ang inyo pong nabasa ay walang kinalaman ang mga eksperto, tangin mga giniling na kalokohan at mga guni-guni ligaw sa utak ng may akda.

Hanggang sa muling kombinasyon....

TNT (Tawa Ng Tawa)

18 comments:

  1. yaw ko din ng kiss and tell

    heheheeh

    naks akoni!
    the best ung 1-5 na yan...:)

    morning!

    ReplyDelete
  2. like ko yung 1 and 2. ang Motto ko in lyf is Maximize the Pleasure and minimize the pain.

    like it!

    ReplyDelete
  3. seryosong entry ata to ah?.... kakapanibago. lol

    ReplyDelete
  4. gusto ko ang take the pain parekoy.. magaling...

    ganyan naman talaga.. wag mong kokontrahin ang likas na dumarating syo.. tulad ng alaala nya, kahit ayaw mong maalala ang sakit pero naalala mo, eh di alalahanin lahat.. ayaw mong pumunta sa lugar na pinpuntahan nyo dati dahil masasaktan ka lang, pero gusto mo naman puntahan.. e di puntahan mo diba? darating din ang araw na mamamanhid ka din sa sakit na iyong nararamdaman.. tapos gagaan ang lahat ng bagay na dinadala mo..

    maganda din ang payong payong mo parekoy.. hahaha

    magaling ang nasabi mo.. ayos parekoy.. apir.. :)

    ReplyDelete
  5. ako0niiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!! eto na ung inaantay ko!
    gusto kong sundin ang mga payo mo, pero minsan parang hdni ko kinakaya, pero i will try my best para kayanin ang lahat ng trials na yan.. malaki laking payong ang kaylngan ko. para next time hindi na ko mababasa ng bagyo ng ksawian sa buhay pag ibig! ^_^

    ReplyDelete
  6. salamat akoni. super need ko din toh.. lalamunin ko na lang din lahat ng sakit..emo lang.. joke..

    haha..pero pinaka gusto ko wag labanan yung sakit... hay... salamaaaattt

    ReplyDelete
  7. take the pain and the consequences ganun talaga, lalo na pag mali ang nagawa mo....
    kiss n tell! kakabad trip yan ha!

    ReplyDelete
  8. Jay rule - sumobra ata bilang mo..1 to 4 lang...hehe

    emmanuel - thanks, ako lahat ko like..gusto ko yang motto mo.

    Leorap - hahahaha..parang seryoso lang..siguro seryoso ka non binabasa mo..hehe

    mama- akoni e..hehehe..wag kakalimutan ang payong mo ah...dapat lagi kang handa sa buhos ng ulan..hehe

    istambay - salamat parekoy, pero still youre one of my Idol na blogger..hehe..payong kaibigan lang..haha

    Kikz - I dedicated this to you..:) hope you are doin fine now. ingat ka...hiramin mo payong ko..:))

    Kamila - walang anuman...Oo wag labanan kasi kusang aalis din yan, sa tamang panahon lang..

    iya_khin - apir! Oo para hindi mahirap tanggapin ang katotohanan..

    Joey - tawang tawa ka na naman dyan...haha..

    salamat guys..sana nakatulong ako!

    ReplyDelete
  9. halaka! kua Akoni..ganyang gnyan ang gnigawa ko ih..acept lng ng acept, take ng take...move ng move...shut ng shut...

    so I think ang kailngan ko nlng gawin ulit ih ang ulitin ng ulitin toh' tulad ng cnv mu..jajaja...la leng...me advice k din bjan para s mga confused? jejeje

    ReplyDelete
  10. haha..hmmm..depende kung saan confused lhuloy..hehe..pero kung comatose wala na akong advice..

    ReplyDelete
  11. grabe komatos aman agad..jajaja...

    ReplyDelete
  12. hehehe...na-confused lang ako..haha

    Oo, yan din top one ko..hehe@arvz

    ReplyDelete
  13. medyo timely sa akin ito hehe.

    ReplyDelete
  14. nakapag post ka pala kahapon? di ko man nakita.... anyway sa highway ... nice siya.....

    ReplyDelete
  15. Maglagay ka kasi ng blog roll mo musingan..para updated ka din sa amin, hindi un kami lang updated sayo..:))

    ReplyDelete