April 23, 2010 ng hapon, kakakuha ko lang sa invitation card namin na parang birthday card lang, rush kasi, kaya ang pinaka-simple at pinakamadaling gawin ang nai-order namin ipagawa, walang choices, sa april 25 na ang araw ng kasal. Ang lupit, sobrang kulang ang oras namin, buti pa ang pag-ibig mayroon isang linggo, pero sa kasal namin? dalawang araw lang to prepare, mapapa-WTF! Ka talaga. Parang pagpapakuha lang ng pictures sa isang studio ang nangyari sa kasal namin, mabilisan. Rented pa lahat ng mga ginamit namin damit, OMG! Hindi ‘yun ang pangarap ko para sa kasal namin ng heaven ko.
Pero kahit ganun pa man, masaya parin kami ng magiging asawa ko, dahil matutuloy na ang pag-iisang dibdib at pag-iisang labi namin. Kakaiba ang feelings pala kapag malapit na ang kasal mo? masakit sa panga sa kakangiti, parang lahat ng mga taong nakikita ko ay nakangiti na rin at lahat ng nasa paligid ko ay masaya kahit mga alaga kong manok. Kinikilig ako tuwing naiisip kong magiging asawa ko na ang mahal ko, nanlalamig kalamnan ko sa kilig, Oh my gosshh, I am so excited, huh? ang saya-saya talaga. Hindi ako makapaniwala sa mga oras na yun, habang namamasyal ang isip ko sa wonderland ay isinusulat ko naman sa amin invitation card ang mga pangalan ng imbetado sa aming kasal. Oh my, kalokray talaga….so heaven.
April 25, 2010, 1:00 pm. Dapat nandon na ako sa function hall kung saan kami ay ikakasal.
Araw ng linggo, maaga akong gumising, syempre para marelaks at para may sapat na oras upang magawa at maihanda ang mga dapat gawin na orasyon. Lahat ng tao sa bahay ay masaya, lahat excited sa napakaimportanteng magaganap sa buhay ko. 12:13 pm, Handa na ang lahat, at lalo na ako!!! handa na akong lumusong sa bagong akda ng buhay ko. Nagdasal muna ako bago bumaba “Sana…........................................................(Sorry secret ko ‘yun)”.
Araw ng linggo, maaga akong gumising, syempre para marelaks at para may sapat na oras upang magawa at maihanda ang mga dapat gawin na orasyon. Lahat ng tao sa bahay ay masaya, lahat excited sa napakaimportanteng magaganap sa buhay ko. 12:13 pm, Handa na ang lahat, at lalo na ako!!! handa na akong lumusong sa bagong akda ng buhay ko. Nagdasal muna ako bago bumaba “Sana…........................................................(Sorry secret ko ‘yun)”.
Dumating na kami pero kunti lang ang tao, parang napaaga ata kami, excited? Inaabangan nila ang pagbaba ko mula sa sasakyan, ang soon to be wife ko naman ay ready na rin, nandon sa kwarto kung saan susundoin ko mamaya pagkatapos ko ikasal sa kanya.
Patalastas: Iba ang paraan ng mga maranao sa pagpapakasal, ang babae ay nasa isang kwarto lang ng (halimbawa) function hall, at ang lalake lang ang haharap sa mga tao (mga bisita), uupo sa stage kasama mga abay at bestman niya habang lahat ng tao ay pinapanood sila. May mga magtatalumpati sa stage, bawat panig ay may taga pagsalita para sa side nila, ipapaliwanag kung bakit ganito, bakit ganun, kung anung pamilya sila, saan galing lahi nila, churva…chuck chack chenes. Minsan nahihilo na ang lalake sa gutom sa sobrang tagal ng siremonyas. Para sa ibang katanongan CLICK HERE.
Nagbabalik ang batibot.
Bumaba na ako mula sa sasakyan, alanghiya pakiramdam ko artistahin ako, lahat ng tao nakatingin sa akin, halatang mangha sila sa beauty ko, hahaha, lahat naka-smile pero wala naman naglalaway, humaygad! buong buhay ko that time lang ako nakaranas ng sobrang attention mula sa mga tao. Ako ang bida sa araw na ‘yun.
Bumaba na ako mula sa sasakyan, alanghiya pakiramdam ko artistahin ako, lahat ng tao nakatingin sa akin, halatang mangha sila sa beauty ko, hahaha, lahat naka-smile pero wala naman naglalaway, humaygad! buong buhay ko that time lang ako nakaranas ng sobrang attention mula sa mga tao. Ako ang bida sa araw na ‘yun.
Nakaupo na kami sa stage. Habang nagsasalita ang mga dapat magsalita sa stage ay padami ng padami ang mga bisita, tinitingnan ko sila isa-isa, hinahanap ang mga kakilala ko lalong-lalo na ang mama ko, si mommy-razz (sipsip lang mama, pero thank you). Kumakaway ako, ngiting pang universe ang aking ngiti, center of attraction talaga ako, biruin mo, isang sakong mga mata ang nakatingin sa’yo? Hahaha..isipin mo lang ‘yun ah, oh my, I love that moment.
(sobrang haba ulit ang part 6 kaya pinutol ko nalang muna..hehe..)
Itutuloy ulit (Last na)
Part last part
Itutuloy ulit (Last na)
Part last part
ahh ayun.. kaya nagtataka ako, nasa isip ko ang paraang nakagisnan ko sa kasal hehehe.. ang bobo ko.. :)
ReplyDeleteIderetso mo ba sa honey moon? hehehe joke lang parekoy..
tanong ko lang.. si mommy rizza ba ay ang literak mong mommy o ang iyong biyenan? nagtanong lang po para malinaw sakin hehehe... hindi pa ko nagbabaktrack ng post mo eh.. :)
magandang araw :)
Hindi ko siya biyanan..LOL..haha..siya ang mama ko. hindi ko pa masyado close ang biyanan ko..hehe
ReplyDeleteOo iba paraan namin, syempre after ng wedding diretso honey moon na..haha
Na-feel ko ang excitement mo sa mga isinulat mo akoni. And very interesting kasi di pa ako naka attend ng ganyang ceremony. And ang cute nyong mag-mommy na bloggers!
ReplyDeletepara ka palang magdedebut pag kinasal sa maranao.. hahaha.. at medjo binasa ko din yung part na yun na sinabi mo susunduin mo siya pagkatapos ikasal.. at buti nag-explain ka ulit hahahahaha....
ReplyDeleteat gusto ko na rin ikasal.. although ayuko nung attensyon.. weeeeehhh
ReplyDeleteWow! ang bungga nman non kua Akoni! asteeeggg!!!
ReplyDeletekasu nkakalungkot lang kc last n next post! huaahhhhh,,sana me kasunod..jejeje
@ kamila - gusto u ndin mgpaksal?!
uyyyyyy....tarushhhh...
huaawww...actually 2 kameng panateks mu kua akoni..si Joey din po umaantabay sa mga post u... (n_n)
ReplyDeletehahaha..Oo nga pala, si Joey..kakaiba name niya, puwedi sa babae, puwedi sa lalake...hehe..sabihin mo na kasi sa kanya bigay sa akin blogsite niya..joey na yan ah..ayaw magpabasa ng blogs..hmp..:P
ReplyDeletebabae pu c joey...bale pu gmgawa p sya ng pam-public ng blog..di nga nya ko fnalow ih ksi private dw ung kna...jejeje..bale nakiki-open sya sa blog ko pagmagbabasa ng mga post u...
ReplyDeletemay another part na naman?... no ba yan!!! asan ang sex part dun? wahahaha...
ReplyDeleteui, fan mo din ako! pero ako ang artista kesa sayo! wahahaha
hahaha..leorap..hindi pa natatapos ang part six/sex na ito..haha..sobrang haba kaya pinutol ko..haha..
ReplyDeletehahaha..nagulo ang guni-guni ko don ah..
wahhhhhhh! nakakabitin naman..:D @akoni: di ko pa alam if matutuloy ang pam-public kong blog.hehe kc minsan ko lang din binisita yng private blog ko,,hehhe.. hindi ko passion ang magsulat eh.hehehe nakaka-aliw lang mag-basa sa blog mo.naka-blocked kc mga illegal sites dito like fb etc. Hindi ko naman sinasabi na napipilitan lang akong magbasa sa blog mo, pero parang ganun na rin,,hahahhaaa! kidding!..tnx to katie for recommending me your blog.charrr..:*^___^
ReplyDeleteNakakataba namn ng kolesterol sa puso yang sinabi mo Joey..parang gusto kong maluha...hahaha..e ano pala ang passion mo, baka masabayan din kita? hehehe..thank you always sa bisita dito.
ReplyDelete