Unang sibol ng pag-ibig: Sa wakas
Sayang hindi ko klase ang babaeng mestisahin, gusto kong malaman ang pangalan niya, pero paano? Ayaw ko naman tanongin si Katie Lhuloy kasi nahihiya ako sa kanya, saka baka malaman ng iba tapos tuksohin nila ako, naku mas gugustohin ko nalang mag-oral recitation sa klase.
Buong araw siya ang nasa isip ko, mula noon makita ko siya ulit ay pinangarap ko na siya. Pero hanggang dun lang muna ako dahil hindi ko pa alam kung ano ang gagawin at saka nahihiya ako, ni-pangalan pa nga niya hindi ko alam e.
Kaya tulad ng dati, lagi ko nalang siya inaabangan tuwing umaga, maaga ako pumapasok sa school para siguradong makikita ko siya. Magkatabi ang section namin, kaya magkatabi ang line namin tuwing flag ceremony, doon lagi ko siya tinitingnan at nag-uumpisa maging maganda ang araw ko hanggang kinabukasan ulit.
Si Iya Khin ang naging malapit kong kaibigan sa mga kaklase kong babae, maganda din siya, matalino at gustong gusto ko ang kanyang mga mata, napakamahinhin din niya magsalita.
Minsan sabay kaming naglalakad pauwi kasama namin ang best friend ko, si Acre Diamond. Crush din ni Acre si Iya Khin, pero hanggang doon lang din daw siya, masaya na siyang nakakasama niya minsan pauwi si Iya Khin, pag-aaral kasi ang priority ni Acre. Hindi alam ni Acre na may gustong gusto akong babae sa kabilang section, sinisekreto ko kasi 'yun kahit kanino.
Isang araw, na-leyt ako sa school dahil hindi ako nagising ng maaga kaya napagsarhan ako ng gate, at recess na ako nakapasok. Pagpasok ko, wala pa ang titser namin, nakita kong nagtatawanan/nagkakasiyahan ang mga klasmets kong lalake sa may bintana.
“Hoy, ano yang ginagawa niyo dyan? Sino yan sinisilip niyo?” pasigaw kong tanong sa mga loko.
“Si Kamil pare, ang ganda niya oh.” Sagot ng isang klasmet ko at nagtulakan sila at nagtuksohan.
Ang mga babae naman ay busy sa pag-uusap.
“Sinong Kamil?” tanong ko ulit.
“Si Kamil Shake, ‘yung taga kabilang section.” Sagot ulit ng isa pang loko.
“Halika nga rito para makita mo” sabi ng isa pang loko at tawanan ang mga loko.
Kaya lumapit din ako, nakita ko maraming mga babae, naglalaro sila ng volleyball.
“Sino si Kamil Shake dyan?” Tanong ko sa kanila.
“Ayun pare, kita mo ang ganda niya oh, ‘yun may head band na kulay puti.” Sabi ng katabi kong loko.
Napa-wow ako sa akin isip.
Kamil Shake pala, Kamil Shake pala ang pangalan ng babaeng mestihan. Sa wakas, alam ko na ang pangalan niya.
Itutuloy…
Patay inlove na si Akoni. natawa ako nung mabanggit ang pangalan ni Acre Diamond. Besplen sila...magugulat yun pag nakita niya. siguro kung magkakaharap ang mga blogger, puro tawa palagi!
ReplyDeletehehe..madami pang lalabas ang name niya dito..haha..siguro nga, masaya...bago palang ako dito kaya hindi ko nasubokan makipagEB sa ibang bloggers..
ReplyDeleteSige na tuloy na sa pagsulat, para mabasa na ang part 5! :-)
ReplyDeleteHahahahahah! Kuya... at bespren mo naman pala si Acre.. at hahahaha at pala-aral.. nice! Hahaha..
ReplyDeletepero ang pinaka-kinatuwa ko dito.. hahaha kada sinasabi mo ang salitang GANDA malapit sa pangalan ko.. ako ay dinadaanan ng hangin sa batok ko.. niyahahahahahahah!!!
NATUWA AKO ng super duper uber the bakod! :) NIYAHAHAAHAHAHAH!
ahahaha....
ReplyDeletewala akong masabi... ahahah
magkapareho pala tayo ng love story eh..nung 1st yr ako hanggang 2nd yr, clasmate ko yung..uhmm lam mo na as in..wala akong alam na gawin kundi titigan siya.haha
ReplyDeletenaka relate ako.para ako ay ikaw na nagku kuwento.
paano naging shake kamil c meimei (kamil)? hahaha! ano ba kwento jan anak?
ReplyDeleteoh may...exciting!!!!...at as always nakakabitin...!!!! jejeje...
ReplyDeletehulaan ko janitor ng skul ang papel ni rap...wajajajaja...!!!!!
meganito pala.. sobrang hindi na ko updated eh.. kakabasa ko pa lang nito.. at babalikan ko ang episode 1...
ReplyDeletekamil, mestiza ka pala.. :)
bitin na naman ang kwento mo... ehehehe... abangan na lang
ReplyDeleteahahaha..natatawa ako.. ang ganda naman ni kamila!taray! ang haba ng hair! kala ko sasabihin mo dun sa "babaeng nakaheadband e babaeng nagheheadbang...hahaha...tingin ko mas bagay yun, sana makasama ang besfrend ni kamila sa casting nito..hahaha.. si jhengpot na umeepal lang..hehe
ReplyDeletenatatwa ako sa comment ni lhuloy..saktong sakto!
ReplyDeleteayun nalaman di akoni ang pangalan g lagi nyang inaabangan. kaya lang mukang may mga kaagaw pa syang mga loko. hehe..
ReplyDeletenakakamiss naman ang teenage crush. naalala ko nag-aabang din ako nun sa crush ko nung high school. excited akong pumasok, hindi dahil sa lessons kundi dahil sa crush ko. hehe..
astig! bagong aabangan ahihi. ang galing.
ReplyDeleteKalokang pinay - hirap minsan.haha..iisipin pa mga twist ng storya..hehe
ReplyDeleteKamila - Oh my babaeng mestisahin..:)) maghanda ka dahil madaming madaming GANDA ang mababasa mo katabi ang pangalan mo..:))
Leorap - wait ka lang, may oras ka din sa kwento ko..hahaha..iniisip ko pa.LOL
Emmanuel - hehe..typical na nangyayari sa highschool..hehe
mama - hahaha. mama madaming kwento dito..
Katie Lhuloy - ahahhahah pwedi un kay rap..LOL
Istambay - maligayang pagbabalik parekoy...Tagal mo nga nawala ah. namis ko mga post mo
Musingan - syempre kung ipopost ko lahat at tataposin sa isang poste lang, naku walang magbabasa sa sobrang haba..
Jhengpot - best friend ka pala ni Mestisahin ko...haha.natawa ako sa nagheheadbang..hahaha..makakasama un!gawan natin ng way..haha
mayen - daming kilig moments sa HS. grabe dami kong crushes noon..hehe
Kraehe - salamat, namiss ko mabasa name mo dito. hehe
@lhuloy at jengpot - tae kayo! hahaaha... kung soxal ng janitor naman why not. ahaha... hmpf!!!
ReplyDeleteat sayo naman, mukang masamang balak yan ah... gusto ko, gawin mo kong masamang tao. ahahah. nagrequest?
hahaha..eh wlang masama sa utak ko e, pero sige...haha adik.
ReplyDelete