nuffnang

Saturday, March 12, 2011

Distrak


Akala ko si boss lang ang distraction ko dito sa office sa aking ka-adikan sa pagba-blog, mali pala. Wala ngayon ang boss ko dahil nasa lunch siya with his chuva friendship, pero I feel so distractive (parin) ngayon.

Siguro aabot ng 20 minutes akong nakatitig lang dito sa "Posting-New Post" ko, gusto kong magsulat pero sabi ko nga nadidistrak ang mind ko. Hindi ako makapag-isip ng isusulat na kalokohan o guni-guning ligaw.

Arrggghh...ayoko ng ganitong pakiramdam, 'yung pakiramdam ko ay napakaseryoso ng utak ko. Sa tuwing mag-iisip kasi ako, wala akong ibang nakikita kundi ang nangyari sa bansang Japan. Oo, yan ang nakaka-distrak sa utak ko ngayon.

Siguro naman ay lahat tayo ay alam o nakita o nabalitaan ang nangyari sa bansa ng mga hapon, niyanig sila ng 8.9 magnitude na lindol, sinundan ng aftershock kaya nagka-tsunami na..waaaaaaaaahh..so scary talaga, nag-hang ako ng ilang segundo noon pinapanood ko sa CNN, natakot at naawa ako para sa mga hapon at ibang lahi na nandon.

"Anong nangyayari?" yan ang nasa utak ko. Tapos ngayon umaga naman, nadagdagan naman ang pangamba ko dahil maaaring pati Pilipinas daw ay maranasan ang katulad ng nangyari sa Japan. Ang MOA ang unang pumasok sa isipan ko, ang daming tao doon, ang daming mababasa.

Sana mapanatili natin mga pilipino ang pagiging makadiyos para sa kaligtasan ng sanlibutan at lalo na ng atin bansa.

9 comments:

  1. Aww.. honestly, napa smile ako sa sinabi mong.. " Ang MOA ang unang pumasok sa isipan ko, ang daming tao doon, ang daming mababasa." .. Hehe.. Una talagang pumasok sa mind mo ha. Hehe. Oo nga naman, tama ka. Dami kasing tao dun.

    ANyway, let's keep the faith na lang. Pray tayo kay God.. Let's ask for guidance and yeah, salvation. pero kung anuman.. His will be done.

    Gandang gabi. :)

    ReplyDelete
  2. sabi ko nga, pray when there's disaster. pray when there's no disaster :)

    ReplyDelete
  3. nakaka distruct nga ito. Pag pray na lang natin ang lahat na sana mabasa lang at walang masasaktan para masaya.

    ReplyDelete
  4. kasi dapat pray tayo palagi...

    ReplyDelete
  5. puro sympathy nga din nararamdaman ko kuya eh.. super puro yun lang.. huhuhu... pero yun nga..dahil wala naman powers ang kahit sino sa atin.. tayo ay mag pray na lamang...

    ReplyDelete
  6. oo nga nagulat din ako sa nangyari! aba eh sino naman ang di magugulat! tinawagan ko agad ang mga amo ko kung ok lang mga pamilya nila kasi nga diba sa Japanese company ako nagwowork syempre hapon mga amo ko! ok naman daw family nila yung earthquake lang ang tumama sa lugar nila.

    Kaya nga dapat lagi tayong mag pray di lang pansarili kundi sa buong sanlibutan natin....

    ReplyDelete
  7. uu nakaka distrak talaga ang nangyari sa kanila... nakakatakot... eihhhh... grabe... parang sa movie ko lang napapanod ang mga yan...

    ReplyDelete
  8. nung araw mismo nung tsunami, sabi sinara daw ang moa at pinauwi pati mga ung mga katabing establishments and offices (pati colcenter daw dun) for safety lang daw... (eto ay ayon sa kuya kong may pagka barbero minsan heheh)

    at kinabukasan, finals ng pyrolympics, di ako nakapunta ng moa... huhuhu

    ReplyDelete
  9. mama- airplane ka nalang..hehe

    Leah - Oo daming tao don, tapos baclaran, daming tao din, sa simbahan daming tao din..waaahh...dami tao ang mababasa..

    Bino - ameen pare, ameen!

    Diamond - Oo kaya nga ginamit ko ang word na "mabasa"..ayaw kong "mamatay"..

    Kiko - okay batman..auummhhmmm....

    kamila- si voltes V, nabasa na..Heal the world.

    iya_khin - hapon pala amo mo ah..now i knw. iya_khan talaga nangyari sa japan..haay

    Musingan - sana nga yan na ang huli

    Leorap - ang tindi ng source mo..hahahaha..ewas ka muna sa MOA..haha..sa trinoma ka lang..

    ReplyDelete