nuffnang

Wednesday, March 2, 2011

LOVE STORY AKONI part 5

Sa bandang huli, kami parin ng girl friend ko ang nagwagi, pinaglaban niya ako sa kanilang angkan. Wala talagang tatalo sa dalawang nagmamahalan kapag hawak kamay nilang ipinaglaban ang pag-ibig nila, lalo na kung kakampi nila ang mag-sister, si aling destiny at manang fate.

April 22, 2010. Final stage na kami, prepared ko na ang lahat ng napagkasundoan, ibibigay na namin sa kanila. Magtitipon-tipon ang pamilya niya at pamilya ko upang magkakilalanan sa kanilang bahay. Isang paraan din ‘yun upang makilala ako ng kanyang pamilya at makilala din siya ng pamilya ko bago kami ikasal, in short engagement party, pinahaba ko lang, trip lang. 

Nagtipon-tipon na ang pamilya ko, ‘yung mga importanteng tao lang sa lakad ang pinasama ng tatay, saka nalang daw ang iba kapag araw na ng kasal.

Umalis na sila (pamilya ko) papunta sa bahay ng girlfriend ko. Nagpaiwan ako sa town dahil mayroon akong kailangan e-encode, gumawa ako ng written agreement para don sa ibang kasundoan. Sa mga oras na ‘yun wala na akong kabang nararamdaman, dahil sigurado na akong makakasal na kami, lalo na kapag naibigay ko na ang napagkasundoang halaga ng dowry sa araw ng engagement party namin.

Nagtxt ang girlfriend ko, “Hon, nasaan ka na, nandito na ang lahat?” nangiti ako, “Dito ako sa isang Internet Café, tataposin ko lang itong ginagawa kong written agreement para don sa churva.” Reply ko sa kanya.

Pagkatapos kong gawin ang churva agreement. Dumaan muna ako sa isang school supplies store para bumili ng plastic folder. Nag-abang ako ng taxi (tricycle), “saan po kayo?” sabi ng mama, “doon, doon kung saan ang langit, ihatid mo ako doon” sabi ko naman pero hindi ‘yan totoo, hindi ko lang maalala ang lenya ko. 

Habang nasa biyahe kami, wala akong nararamdaman kahit na isang kapiranggot na kaba man lang sa buong katawan ko, hindi ko alam kung bakit? na-e-excite pa nga ako e, excited akong makita ako ng angkan ng magiging asawa ko, exicted akong harapin sila.

Dumating kami kung saan nakatira ang langit ko, bumaba ako mula sa taxi (tricycle) at binayaran ko, “Keep the change, thank you.” (ang tarussshh). Nakikita kong marami ang mga bisita, huminga muna ako ng malalim, exhale…inhale….“It’s showtiiiiime!!!”. Pumasok ako, may mga tao pati sa baba, pero walang pumapansin sa akin, siguro hindi nila alam na ako ang lalakeng may tadyang kung saan hinugot ang kanilang anak. 

Umakyat ako sa taas, at habang pumapanhik ako sa hagdan ay naririnig kong may nagsasalita, kilala ko ang boses, at alam ko ang mga sinasabi niya, pinapakilala niya ang angkan namin sa madlang people na nasa okasyon na ‘yun. Tumuloy na ako at naupo sa malapit sa may pintuan, nakitabi ako sa isang lalake at nakangiti akong nakipagkamay sa kanya, “Kuya, kamusta po?” sabi ko, “Sa awa ng diyos, mabuti naman” sagot niya sa akin. Parang wala rin siyang idea kung sino ako, naisip ko “Siguro hindi rin niya kilala na ako ang madadagdag sa pamilya nila.” hindi na ako nagsalita. Nakita ako ng tatay ko, tumango lang ako sa kanya na parang nagsasabi ng “Waz up dude?!” gumanti din siya ng tango sa akin na parang nagsasabi ng “Yoh mother-father!!!”. 

Napansin ako ng nagsasalita sa harap ng mga bisita, tinapos niya ang kanyang speech, nagtanong kung may tumututol ba? Sa hindi inaasahan pangyayari may biglang tumayong babae at nagsusumigaw “Ako!!! hindi puweding makasal si Akoni at si Heaven, manluluko yang si Akoni, dami na niyang sinaktan at isa na ako don, hindi ako papayag na makasal siya ng ganun-ganun lang, ako lang!!! ako lang ang may karapatan sa kanya”. Nagulat ang lahat ng tao at pati na rin ikaw na nagbabasa nito, dahil hindi naman totoo ‘yan.

Narinig kong nag-suggest ang uncle ko, “Palabasin ang inyong anak, upang makita namin” na-excite ang lahat ng bisita lalo na ang mga kamag-anak ko, may mga bumubulong na parang bubuyog pero hindi ko maitindihan, naging maingay na parang may lalabas na prensesa, halatang sabik ang lahat. Ilang sandali ay lumabas na nga ang isang mala-prensesang babae (para sure), blooming, pati ako ay natulala sa kagandang nakikita ng aking mga mata, nagslow-motion na naman ang mundo ko, siya lang ang nakikita ko, wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko na parang nakakonekta sa kanya, lalong lumakas ang loob ko, lalong naging kumpiyansa ako sa aking sarili, lalong naging panatag na ako.

Nahihiya siyang humarap sa mga bisita, pinakilala siya ng kanyang pamilya, sabay naman may humirit rin mula sa mga bisita, “Nasaan ang lalake na gustong mag-asawa? Gusto rin namin makita.” Sigurado akong galing ’yun sa kampo niya. Na-excite ako sa aking narinig, hindi ko alam kung bakit? kusa na akong tumayo sabay-taas ang kanang kamay ko, sinabayan ko rin ng aking super smile, at nagsabi “PRESENT!!”, tawanan ang lahat, lahat nakatingin sa akin, lahat nakangiti, pero mas marami ang tumatawa, hindi ko alam kung natutuwa ba sila sa akin o basa lang ang kili-kili ko.

Pagkatapos kumain ng lahat ay umuwi na ang pamilya ko pati ang ilang bisita nila, naiwan ako sa kanila upang tumulong asekasohin ang wedding namin, april 22, 2010 ang engagement party at april 25, 2010 ang nakatakdang araw ng kasal namin, how cool diba? Ang malupit pa doon, MAY 5 ay kailangan ko nang bumalik sa aking trabaho (Saudi Arabia). Ang igsi ng oras, kaya halos lahat ay dinaan sa mabilisan. Wala na ang dream wedding ko, lalo na ng girlfriend ko, basta sa mga oras na ‘yun, ang importante sa amin ay makasal na kami.

April 25, 2010: Wedding day and Honeymoon night.




Itutuloy...(kunti nalang, last episode na next post) TNT








21 comments:

  1. ngayun pa lng advance happy wedding akoni!

    :)

    ReplyDelete
  2. kapag talagang mahal ka kasi ng isang tao eh ipaglalaban ka..God bless for your journey..

    ReplyDelete
  3. aba parekoy.. malapit na ang wedding anniv nyo ah..love na love mo talaga si esmi.. :)

    ReplyDelete
  4. yeah! at napabackread lang ako pare! astig to! aabangan ko ang susunod :)

    ReplyDelete
  5. jusko haba nito..pero okay lang..natawa naman ako sa sulat mo eh. Grabe madalian. Lahat. huhuhuhu tapos magkakahiwalay kayo ng matagal pagkatapos ng kasala. huhuhuhu anglungkot naman...

    ReplyDelete
  6. Jay - salamat pare..hehe cheers

    emmanuel - salamat, power of love na itech.

    Istambay - syempre parekoy, bihira lang katulad niya..Hehe

    mama - Nag-e-agent ka na naman...we dont have plan..

    Ester - mare, thank you sa pag-basa..oo nga pala, count mo na ako as a fan mo..haha

    Kamila - haha..i edited pa nga 'to e, kasi isang libro 'to..haha..pero salamat sa tiyaga. Long distance din kami..hehe..Pero masaya parin...

    ReplyDelete
  7. huaaahhh..nasad naman ako dun sa sinabi mu na last episode! however soper natuwa ako sa continuation ng story! jajajaja..nakakatawa ang paraan mu ng pagkkwento, asteeg ung tricycle nyo mukang taxi..jajaja...
    baka nga basa ung kelekele u noon kaya cla natawa...jajaja

    nakakakilig ung lumabas n ung grlfriend u..nakakaeksayt..jejeje

    husay! highest-five!

    ReplyDelete
  8. lhuloy- thank you..OO last episode na..hehe..ang haba kasi masyado,summarized ko..hehe

    apir!!!!!!!

    hahahahaha

    ReplyDelete
  9. next na kuwento naman about sa baby ha, hehehe

    ReplyDelete
  10. hehe..pareng adang...Oo nga noh..haha

    ReplyDelete
  11. sabi na nga ba, walang katapusan love story to eh.. ahahah to the nth part.

    ReplyDelete
  12. share ko sa iyo ang post ko noong june 5, 2010

    BAGONG KASAL
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Nagkakilala, nagligawan, nagmahalan, nagpakasal
    Hangad ko ang tagumpay
    Ang pagsasama ay hindi mawasak
    Yumabong nabuong pag-iisang dibdib.

    Magkakapamilya at magkakaroon ng mga anak
    Sa mga kakaharaping problema
    Huwag panghinaan ng loob
    Upang laging matibay ang samahan.

    Isipin lagi ang kapakanan
    Nang pinagsama na buhay
    Alalahanin na marami ang umaasa
    Maging matagumpay ang bagong kasal.

    Bilang parte ng komunidad
    Maging mabuti kayong ehemplo
    Iwasan niyo ang makapag iskandalo
    Hindi iyon maganda sa pandinig.

    Maghanda lagi para sa kinabukasan
    Huwag na maging maluho
    Iba pa rin ang sa oras ng kagipitan
    May nadudukot dahil nag-ipon.

    ReplyDelete
  13. ang galing pareng arvin..hehe..makata ka talaga..nabasa ko rin mga panulat mo na napublished sa isang pahayagan..hehe..ang galing..

    rap - last post nalang part sex este part six nalang..haha

    ReplyDelete
  14. detalyado tlga ah...

    hehehe nice blog po...

    ReplyDelete
  15. ahaha.. gusto ko yan!.. GUSTO NAMIN YAN!!! ung sex part... ahahaha... mas maganda ung detalyado ah... wahahahaha...

    ReplyDelete
  16. the best at winner yng tumayong babae at nagsusumigaw! hahaha.. lalong na yong basa ang kili-kili. Galing mo dude! Keep it up!..wahahahahaha!..

    ReplyDelete
  17. Thanks uno..hehe..

    Leorap - hahahaha...may MTRCB dito..napupusasan ako..hehe..Rated R nalang, okay ba un?hahaha

    anonymous - salamat...alam mo type ko ang name mo..unique.

    ReplyDelete
  18. @akoni: hahahaa.natawa naman ako dun! sobrang proud nga ako sa ermats at erpats ko eh, kc yan yng binigay nilang name pra sa akin (Anonymous),,hehhe so excited kung anong mangyayari sa next story mo dude..tapusin mo na!..

    ReplyDelete
  19. hahah..thanks Dude anonymous..hehe..sige post ko bukas or sa sabado ang last episode walang time e..busy ako pag day off namin..hehe..mahirap magsulat daming distraction.

    ReplyDelete
  20. Ang saya basahin ng kwento mo.Di lang dahil sa "love story made in heaven" KUndi dahil sa may kukulitan ang paraan ng pagkakakwento. May kiliti.di nakakaboring basahin. Ito rin ba ang paraan ng pagkakakwento mo sa na feature sa GMA.com.

    ReplyDelete