Sa paglipas ng maraming buwan, ganun parin si prinsepe Imran. Wala pagbabago, matamlay parin.
Isang araw, biglang ang reyna na naman ang nagkasakit pero hindi naman ito gaano kalala. Kahit ganun parin ang sitwasyon ng reyna, ay nag-alala parin ang buong kaharian, lalo na ang Hari. Nag-alala din ang prinsepe, kaya lagi ito nasa tabi ng mahal na Reyna.
Ipinatawag ng Hari ang pinakamahusay na manggagamot sa buong kaharian. Dumating naman ang manggagamot, isang babae. Habang ginagamot ang mahal na reyna, ay walang imik na nakabantay lang ang prinsepe sa kanyang tabi.
Pagkatapos gamotin ang reyna ay nagwika ang manggagamot.
"Mahal na reyna, wala po kayong dapat ipangamba, normal lang na sakit po ang inyong karamdaman" Sabi ng manggagamot na ikinatuwa naman ng hari at agad itong nag-utos na ipakalat sa buong kaharian ang magandang balita.
Napansin ng manggagamot ang matamlay na prisepe,
"Mahal na reyna, 'wag po kayong magagalit sa akin, pero mukhang sakitin po ang iyong anak" sabi ng manggagamot.
"Oo, ganyan na 'yan mula pa noon ipanganak. Laging tahimik at matamlay." sagot naman ng reyna
"Kung inyong mamarapatin, maaari ko ba siyang masuri?" tanong ng manggagamot.
Nilingon ng reyna ang kanyang prinsepe, hinawakan niya sa ulo at ginulo ang buhok nito, sabay tinapunan ng tingin ang hari na nakatayo rin sa may likod ng prinsepe. Tumango nalang ang hari, senyales na ayos lang.
Lumapit ang manggagamot kay prinsepe Imran, dinasalan niya. Nakatingala ang manggagamot habang nakapikit ang mga mata, may binabasa siya, na siya lang ang nakakaintindi.
"Pakabageren ka o tuhan a mapuro, a da lagid iyan na mabager. Tohan aken, ilahamen ka raken a katukawan aken o antonaa e sakit giya wata" Dasal ng manggagamot.
Pagkatapos dasalan ng manggagamot si prinsepe Imran ay tinanong niya ang mahal na reyna.
"Mahal na reyna, ano po ang pangalan ng inyong anak?" pagtatanong ng manggagamot.
"aahh, siya si prinsepe Imran" sagot ng reyna habang hawak niya ang kamay ng kanyang anak. Bakas sa mukha ng reyna ang pag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak.
"Kung hindi niyo po mamasamain, maaari ninyo po bang palitan ang kanyang pangalan?" suhistyon ng manggagamot na ikinagulat ng reyna.
"Ha? bakit naman?" tanong na sagot ng reyna sa manggagamot.
"Dahil hindi po nababagay sa kanya ang kanyang pangalan, hindi kaya ng kanyang pangangatawan, hindi naaangkop sa kanyang pagkatao." salaysay ng manggagamot.
Tiningnan ulit ng reyna ang hari, at tumango lang ang hari sa kanya.
"Sige, wala naman masama kung susubokan. At ano ang ipapalit?" sagot ng reyna.
Tumayo ang manggagamot, itinaas niya ang kanyang kamay na nakakamao, itinuro ng kanyang kaliwang kamay ang prinsepe Imran, tumingin siya sa may bintana, at ang kanyang mga mata ay parang kumikislap, at nagwika ng malakas.
Tatawagin siyang........Akoniiiiiiiiii!!!!!!!!!!
(Tumugtog ang theme song ng Voltes five)
Biglang nagdilim sa buong kaharian, bumuhos bigla ang malakas na ulan at humangin ng malakas, nagsagotan ang kulog at kidlat, nayanig ng lindol ang buong kaharian, at nabalot ng takot ang mga taga kaharian.
Pagkalipas ng ilang minuto ay muling lumabas na naman ang araw, kung gaano nakakatakot kanina ang nangyari, ngayon naman ay sobrang ganda ng panahon ang nasasaksihan ng mga tao. Lumabas ang bahaghari na walang kasing kinang at ganda ang mga kulay nito, lumipad sa ere ang mga ibon, ang sarap ng simoy ng hangin, at nagmukhang paraiso ang kaharian.
Sa unang pagkakataon, nakita ng hari at ng reyna na naging masigla ang kanilang anak, sobrang ikinatuwa ito ng reyna at hari.
Kaya mula noon ay pinalitan nila pati ang pangalan ng kanilang kaharian, tinawag nila itong "Akonilandiya".
Wakas na?
Unang bahagi
hahaha! natawa ako sa dasal ng manggagamot, exactly yan talaga sinasabi nila..
ReplyDeleteanak paano mo ba natatandaan yon eh hang bata bata mo pa non? hehe!
anong salita yong sa dasal?
ReplyDeleteayos... si Prinsepe AKoni! :D
pakitranslate ng dasal
ReplyDeletehehehehe
magandang umaga prinsipe akoni!
tapos na ba talaga? may question mark kasi sa dulo.
ReplyDeletegusto ko sanang itranslate sa google ung dasal kaso tinatamad ako hehehehe
ReplyDeletejajaja...natawa ko dun sa voltes five!
ReplyDeletenu un kua Akoni napasayaw kb nun...jaja
akala ko maiinlab ka dun s mngggamot ih..jejeje..dming ngrerequest ng ptranslate daw ung dasal...jajajaja...
bwahahahhaah! tama si katie, katawa talaga yong voltes five!.kala ko anong name? excited pa naman ako,,hehhe,, Dong akoni lang pala,,hahhahaa..nabitin ako sa kwento, maranao na prayer yng sabi ng manggagamot db?..hehee.
ReplyDeletehaay nakapag-online din sa wakas...
ReplyDeleteMama - haha..5 years old ata ako noon e, kunti lang natatandaan ko don...hehe..fiction na un ibang dyan..haha
Kol u Empi - Maranao pare..hehe..promote ko lang..haha
Jay - magandang araw at magandang buwan sayo...hehe..hirap translate..haha
Khanto - kaya nga may question mark kasi hindi ko alam kung may karugtong o wala..hehe..depende kung may maisip ako..hehe
Bino - idol..hehe..wala ata to sa google..hehe..sa lumang kasulatan mo yan makikita..haha
Lhuloy - hahaha si joey alam ata ang meaning...Voltes five fave cartoons ko at song..hehe
Joey - sige dagdagan ko..magkahalong fiction at katotohanan yan..Imran ang name ko noon bata pa ako, tapos pinalitan ng isang manggagamot..hehe..dahil matamlay daw ako, ewan ko sa kanya..haha
hi akoni. thanks sa comment and pag follow mo sa blog ko> i followed you back. hanep naman ang story telling skill mo. I love it.. more kwento. :)
ReplyDeleteakoni. seryosong seryoso akong binabasa ang kwento ni Imran kapangalan pa naman ng kaibigan kong Indian biglang pinalitan ng akoni. bigla akong natawa.
ReplyDeleteYon eh talagang kaharian ang setting.
shuhada!! loko ka talaga! intro lang pala yung ng bago mong bahay,ginawan talaga ng kwento! gutom lang yan!
ReplyDeletemayen - thank you..pasensya, more on guni-guni at kalokohan dito sa bahay ko...hehe..pero mahilig ako magbasa ng mga blogs na seryoso..:)
ReplyDeleteDiamond - hahaha..actually, Imran ang unang name na binigay sa akin ni mama, kaso laging sakitin ako..kaya pinalitan nila, sabi kasi ng manggagamot niya..hehe..magkahalo ang fiction at katotohanan sa story ko..hehehe
iya_khin - kida-kida...hahaha..para bonga..haha
nyahahahaha... the best yung tinaas yung kamao at tumuro.. naimagine ko bigla si Pacquiao... hahaha adik! Adik adik adik adik ka Kuya
ReplyDelete:)) Idol ko si pacman e..hahaha..like kuya like bunso, adikers..
ReplyDelete