nuffnang

Monday, March 21, 2011

Blog-ibig page 2

Episode 1

Puppy love 2

Grade five, nagkahiwalay kami ng section ni Katie Lhuloy. Sobrang nalungkot talaga ako, gusto kong ipaalam sa titser ko na lilipat sana ako sa kabilang section kung saan nandon si katie, pero hindi ko kaya. Madalas o araw-araw ay nale-late ako sa first period namin dahil dumadaan muna ako sa room nila Katie, ganun din kapag recess time lagi siya inaabangan sa may pintuan. Naging ganun na ang routine ko sa school, araw-araw umaasa na ngitian man lang ako ni Katie.

Hanggang sa isang araw ipinatawag ni titser si mama, para isumbong ako. Bakit daw ako laging late sa first period e ako daw ang isa sa pinakamaagang pumasok school, lagi daw ako una sa flag ceremony, isinumbong ako na may pinupuntahan daw ako after ng flag ceremony, tama nga siya. Pinupuntahan ko nga ang babaeng nagtanim ng seed ng pag-ibig sa puso ko.

Haist! pahamak talaga sa puppy love life ang titser ko. Pero for the sake of puppy love, pinagalitan man ako ni mama hindi ko parin tinigilan ang ginagawa ko, patuloy ko parin pinagmamasdan at pilit inaalam ang feelings na nararamdaman ko kapag nakikita ko si Katie. Basta ang alam ko, masaya ang araw ko kapag nakikita ko siya, tumutubo na ata ang seed ng pag-ibig sa fresh na fresh at walang kagalus-galos kong puso.

Sa kalagitnaan ng taon, mayroon na naman bagong dating na transferee sa school namin at magka-klase kami. Sa pangalawang pagkakataon, humanga na naman ako sa isang babae. Pero dahil may Katie Lhuloy na ako, hindi ko siya pinapansin. Ang tumatak lang sa aking isipan ay maputi siya, matangkad, bilog ang mga mata, magaling manamit, malinis, at hangbango niyahahahaha, in short, mestisahin.

Pero may plano ata ang mestisahin na mag-aral sa lahat ng school sa buong Pilipinas, dahil mga tatlong buwan lang ata ay umalis na naman sa school namin, lumipat na naman daw, kalokray siya.

Namroblema ako noong graduation day namin, hindi dahil sa ako ang naka-assigned para mag-pray sa stage kundi namroblema ako dahil magkakahiwalay na kami ni Katie, gusto kong alamin kung what school siya mag-aaral ng kanyang high school.

Dahil desperado na ako, naglakas loob akong tanongin siya. Wala nang klase noon, nagpapractice lang kami para sa amin graduation ceremony.

Lumapit ako sa kanya, habang nakaupo siya mag-isa.

"Katie, saan school ka mag-aaral ng high school?"  Diretsahan kong tanong sa kanya na parang ikinagulat pa niya. Sa mga oras na 'yun, pakiramdam ko ay naihi na ako sa akin salawal, ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at panlalamig ng buong katawan ko.

"Ha?!! sabi ni mommy sa (Insert name of school) daw ako." sagot niya sa akin na nakatitig parin sa akin, dahil sa titig niya hindi ko na kinaya, kaya bago pa ako matae sa harapan niya ay umalis na ako bigla. Hindi ko alam kung nagalit siya o hindi sa ginawa ko, pero kung alam lang niya sana.


Itutuloy...


Note: Ipapaalam ko sana, kung puwedi kong magamit ang mga pangalan niyo para sa mga tauhan ng kwento ko, hehehe. Salamat

CONGRATS SA LAHAT NG GA-GRADUATE, GOOD LUCK SA INYONG LAHAT!

Thanks to Katie Lhuloy



20 comments:

  1. huajajajajajaja..nakakatawa tlaga!

    kung gnawang manga toh' papatok toh' sa Korea...ejejejeje...ang husay parang
    tru to layp lang ah...jejejeje....

    nakakabiiiittttiiiiiinnnnnnn....!!!!!

    ReplyDelete
  2. hahahaha!,gusto ko yng seed ng pag-ibig..! napaka-genius! mo talaga dong akoni!.tama si lhuloy girl!,, nakakabitin nga!,,hehehe..

    ReplyDelete
  3. niyahahaha... huweyt... hindi nila alam na true to layp toh hahahaha ano bey kuya kow.. hahahaha excited na ako...

    ReplyDelete
  4. ngeee! di alam ni lhuloy na true story eklaboo mo ito?!!shuhada!!

    buti di ka natae....eeewwww

    ReplyDelete
  5. anu ba? tawa na naman ako ng tawa. Tama ang desisyon mo na umalis na bago ka pa matae. hehe..pinaka favorite line ko.. fresh na fresh at walang kagalus-galos kong puso. haha.

    ReplyDelete
  6. weee.. ang saya ng lablyp mo chong.. waheheh

    ReplyDelete
  7. huwaaaaaaaa.... lakwatsero kana ng grade skul ka palang? ehehhehehe.... hanep naman ....

    ReplyDelete
  8. kahit sino hahanga sa ganda ni Lhuloy..kahit bata pa..

    ReplyDelete
  9. nabitin ako. next na bilis. ano nangyari sa lablayf niyo. Ano nangyari sa seed ng pag-ibig na tinanim niya sa puso mo?

    Buti umalis ka agad kundi bakak himatayin ka dun.

    ReplyDelete
  10. maarte lang ako, hindi malantod lyk you! ahahaha


    bidang bida si matutay!!! ayos!

    ReplyDelete
  11. Oh my lovely katie Lhuloy - thank you, naalala mo pa ba yan? hahaha..anyway, FYI true to life story yan..hahahaha..pero may halong fiction, it like 65 percent totoo, 35% fiction..hehe

    Joey - Ilan seeds na ng pag-ibig ang naitanim sa puso mo? haha..baka hacienda na yan ng pag-ibig.

    Kamila - bunsokoy, hindi ko nasabihan..hehekayo lang ni iya.

    and speaking of Iya, now lang niya malalaman..hehe..hindi ako natae, dahil nakaalis ako kaagad..

    mayen - I might use your name if you dont mind. fresh na fresh dahil wala pang latay ng pag-ibig..haha

    Kiko - Masayang masakit chong..hehe

    Musingan - Oo naman..maagang namulat..

    Arvin - Oo nga, tingnan mo naman..picture palang yan..hehe

    Sey - okay bukas...madaming nangyari..hehe...naging hacienda na ng pag-ibig ang puso ko..haha..thank you

    ReplyDelete
  12. haha..Oo na ikaw na ang maarte, at martes bukas..haha

    ReplyDelete
  13. natawa ako ah. pero usually pag puppy love ganyan talaga eheheheh

    ReplyDelete
  14. post kana ulit ng page 3! haha

    ReplyDelete
  15. hehe pati ako nahawa sa pagtawa..hehe hntayon ko yung kasunod.

    ReplyDelete
  16. Tsk. Kakainis naman ang titser. hehehe... Anyway, ganun talaga ang puppylove ano? Parang.. super kilig ka lang lagi, na kung hindi mo siya makikita, eh hindi complete ang araw mo.. na kung hindi mo man lang masialayan ang maganda/gwapo nyang mukha, eh sobrang lungkot na ang naramdaman mo... Pero at the same time, isang ngiti lang niya, nangangatog na ang tuhod mo. Isang tingin nya sayo, parang nawawalan ka na ng balanse.. haaaayyy.. puppylove nga naman. hihii!! CHOZ!!!!!

    Nag back read pa ako sa first post. Ilang posts ba to.. 3-psrt story? Sige, aantayin ko ang next post.

    P.S.
    Mabuti na lang pala at hindi ka natae sa harap nya. Harharhar!! Nakakahiya pag ganun.. LOL

    P.P.S.
    Gamitin mga name sa kwento? Hmmm...

    ReplyDelete
  17. Ito pala yong pinag-uusapan sa twitter. hahaha!

    kawawa naman iiwan ni katie.

    ano kaya mangyayari sa susunod na kabanata? hmmm

    ReplyDelete
  18. bkit hnd ko makiclik yung link ng episode 1?..


    hahahaha. nagulat ako.kala ko may papel sa kwento yung mistisahin..umalis nmn pala agad. haha.. pagpatuloy ang masasayang kwento tulad nito

    ReplyDelete
  19. Bino - salamat sir bino sa tawa..

    Menchie Anne - :) thanks.

    Emmanuel - salamat sa paghihintay

    Leah - habang buhay post ito..haha..blog-ibig nga e. thanks leah

    Empi - hahahhah..si katie best friend ko na. madaming mangyayaring twist..

    Kikilabotz- akala mo lang wala siyang papel sa kwento...hehehe

    ReplyDelete
  20. ayeeeee.. kiliti sa puso. ayeeee...
    na kilig-slash-lungkot-slash-natakot naman akow. eheheh

    ReplyDelete