Ang nakaraan...
December 9, 2010
Araw ng huwebes, swabe ang feeling ko, wala ako ngayon sa mood magsulat pero kailangan kong gumawa ng akda para sa araws na ‘to. Challenge ko narin ito sa sarili ko, gusto kong magsulat ngayon kung saan tinatamad ako mag-isip. Kakaiba, parang pipilitin kong tumae ang utak ko kahit constipated na. Saka, mahalaga sa akin ang araw na ‘to kaya kailangan kong gumawa ng akda ngayon din.
Masaya ako ngayon, pero hindi normal na kasiyahan, kakaibang saya ito. Hirap ipaliwanag pero susubokan kong basagin sa harapan niyo sa pamamagitan nitong akda ko.
“Masayang natatakot” ito siguro ang malapit na salita para ma-describe ko ang nararamdaman ko ngayon.
Habang tina-type ko ito ay nanginginig parin ako sa tuwa, masayang masaya ako dahil pakiramdam ko ay kompleto na ako, natupad na ang pinapangarap namin ng aking asawa. Diretsohin ko na, buntis ang asawa ko. Uulitin ko, buntis ang asawa ko, wow! Isa pa nga, buntis ang asawa ko, hahahaha! Ang sarap ulit ulitin, buntis ang asawa ko, hahahaha, ‘di ba napapa-smile ka din habang binabasa mo ‘yan? Isipin mo nalang kung gaano katindi ang kasiyahan ko ngayon, to the highest level of mount Everest na. Parang buong laman loob ko ay kinikilig sa sobrang kagalakan ko, parang may mga naglalarong UFOs sa loob ng tiyan ko, parang gusto kong magpakamatay sa kasiyahan at mabuhay ulit.
Parang kakailanganin ko ng pampabigat dahil pakiramdam ko ay umaangat ako sa ere. Ngayon araw na ito December 9, 2010, ang pinakamasayang araw ko, ito ang araw kung saan sinabi sa akin ng aking asawa ko na positive ang pregnancy test niya, buntis ang asawa ko, hahaha, ganap na akong INA.
Naiyak ako sa sobrang tuwa at nagpasalamat sa diyos, ngayon alam ko na kung ano ang dapat kong gawin kapag may hiling ako sa kanya. Nakakatuwa, ganito pala ang pakiramdam ng magiging isang ina, unang maiisip mo ay kung ano ang ipapangalan mo sa magiging anak mo. Imagine, kung gaano tayo kamahal ng mga magulang natin? Pangalan palang natin ay sobrang pinag-isipan na nila, mapa-pangit man ang tunog o mapa-maganda ang tunog, believe me, pinag-isipan nila ‘yun, kaya mahalin mo ang iyong pangalan kahit mabantot ang tunog, ‘yan ang unang regalo nila sa’yo.
Ngayon unti-unti ko nang naiitindahan ang paboritong linya ng mga parents sa atin “Balang araw kapag naging magulang kana ay maiitindihan mo din kami”, lumilinaw na sa akin, wala pa tayo sa planetang ito, iniisip na nila ang kapakanan natin, binibigay na nila sa atin ang kanilang puso, nakakalimutan na nila ang kanilang sarili para sa atin. Iniisip na nila ang kanilang gagawin para sa atin, puro kabutihan natin ang iniisip nila. And take note, nasa sinapupunan pa tayo ng atin ina ay advance na sila ng pagmamahal sa atin.
Ang hirap tumbasan ‘yun, pero isa sa mga naisip kong paraan para masuklian ko ang pagmamahal na pinaramdam at binigay sa akin ng mga magulang ko ay ang mahalin ko ang magiging anak ko katumbas o higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko sa kanila. Bubusogin ko ng pagmamahal pero ‘wag sana magsuka. Teka, nabanggit ko na bang buntis ang asawa ko? Oo, buntis nga pala ang asawa ko.
Matapos kong muntikan ng mabaliw sa sobrang kasiyahan ay medyo nakaramdam ako ng pag-alala o takot kahit nandon parin ang kasiyahan na nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng takot para sa aking asawa. Hindi ko naranasan mabuntis o manganak, pero inabot ng aking pag-iisip kung gaano kahirap ‘yun. Sabi nga nila, parang nasa hukay daw ang isa sa paa ng mga babae kapag buntis ito. Ito daw ang pinakamasakit na nararamdaman sa buong buhay ng isang tao (babae). WTF?!! Kahit ‘yun lang ay hindi natin kayang suklian sa ating mga INA. Natatakot ako sa aking asawa, hindi ko alam kung paano ko siya maalagaan, nakakataeniss ang situation na ito!!! OFW kaming pareho pero magkahiwalay kami ng work place, nasa dulo ako ng dila ng Saudi at nasa dulo siya ng ngalangala ng Saudi. Wala ako sa tabi niya kung kailan kailangan niya ako. Nakatataeniss, gusto ko siyang alagaan, patunayan sa kanya na “action speaks louder than words”, pero wala akong magawa.
Sorry mahal ko, alam kong naiitindihan mo ako, naiitindihan mo ang situation natin, pero pinapangako ko sa’yo, balang araw babawi ako sa’yo at sisiguradohin kong hindi mo pagsisihan ‘yun hanggang sa pumuti ang buhok natin.
Nakaramdam din ako ng kaba para sa magiging anak ko, alam kong handa na akong maging ama, pero hindi ko maalis sa isipan ko ang mga possibilities na sumablay ako. Pero dahil Pilipino ako, matibay ako, at may agimat ang dugo ko, kayang kaya ko at lalaban ako dahil marami akong baon na armas ng pagmamahal para harapin ang bagong pagsubok ng buhay ko. Anak, this is it! Gagawin kong maging ama, kapatid, kaibigan at maging ina sa’yo, Come to daddy....Apir, give me five!!!
Congratulations to you both! Naiintindihan ko kung gaano ka kasaya. Ganyan di. Kasaya hubby ko nung pinakita ko sa kanya ang preg test. =)
ReplyDeleteit is normal to worry, pero ingat at prayers lang & everything will be alright. I bet you can't wait to meet your little angel.....
masarap talaga ang pakiramdam na maging isang magulang :)
ReplyDeletewow...Kuya to the highest level.. congrats sayo!. Pero ang lungkot lang na magkahiwalay kayo. Kung ako tatanungin ayuko nun... basta ayuko lang. Pero yehey! Masaya pa rin ako para sa inyo ni wifey mo.. all is well!! :)
ReplyDeletehello po..akal ko 20 ka palang at wlang asawa..hehe
ReplyDeletebut anyway good luck to ur new life..and be happy always!!
buntis ang asawa mo. Isa pa. Buntis ang asawa mo. Ulitin natin, buntis ang asawa mo. ehehehe.
ReplyDeletecongrats. :D
by this time eh 3 months na si baby sa sinapupunan ni mommy. nasa maselang stage pa din nag paglilihi.
ReplyDeletewag kang magalala.. ganyan talaga naman eh.. ganyan din ako noon.. natatakot para sa knya... pero di ko inisip.. lalo na noong delivery na nya.. magdasal lang ang kailangan jan..
:)
graaaaaaatz! yan ang pinakamagandang regalo ni Lord sa mag-asawa. happy happy for both of you. pray lang lagi na sana maayos ang pagdadalang tao nya.
ReplyDeletewow.. o wow... o wow....
ReplyDeletecongrats sa imo...
isa ka ng ganap na magulang..
congats.. cheers on that..
masarap ang may bata sa bahay...
i hope maging healthy si baby mo pag lumabas siya :D
huaaaawwwww!!!!
ReplyDeleteprang chismis kong binalita ky joey ang good news...jajaja
kakatuwa naman ung line na "gusto ko siyang alagaan, patunayan sa kanya na “action speaks louder than words”, pero wala akong magawa. "
ang kuletz...jajaja...Congratz nga pla...
Congrats! Dong Akoni!..:D
ReplyDeletekabait naman na asawa...
ReplyDeletenice1. may baby blogger in the making. :)
congratulations ser! sana ay makarami kayo..hehehe
ReplyDeletefinally natagpuan ko din ang blog mo..weeee!
Thank you ma'am...weh? follow mo ko? hehe
ReplyDelete@bino - wow, bakit, magulang ka na ba? ahaha...
ReplyDelete@sayo, dakilang author nito - congratumalations!!!!! ang lakas ng libog ng sperm cells moh!!! ahahaha
Hahahaha...ayyooopp ka rap..haha..natawa naman ako sayo..makukulit din kaya ang mga sperms ko?LOL
ReplyDelete