nuffnang

Saturday, March 26, 2011

What's up YOH! Mother-father!!!


ADVANCE
Happy Mother's day and Father's day



Inumpisahan ko din naman ang usapan mag-ama sa last post ko, e lubosin ko na. Tutal malapit na ang mother's day and father's day.

Ganito 'yun, walang magawa noon si Mother-father nang magpaalam ako na mangingibang bansa nalang ako, wala kasi nangyayaring pag-usad ng akin buhay sa pilipinas. Nakapagtapos nga ako ng pag-aaral pero patuloy parin ako umaasa sa kanila.

Ang igsi ng buhay, hindi natin alam kung kailan ito mawawakasan. Para sa akin, ang pinakaimportante ay ang masuklian ko ng pagmamahal ang pagtitiis, paghihirap, sakripisyo at pagmamahal sa akin ng mga magulang ko. Ang bigyan sila o tulongan sila maging mas maluwag ang kanilang pamumuhay, 'yan ang ilan sa alam kong paraan para makabawi naman ako sa kanila kahit papaano.

Humihina na si Mother-father, gusto kong magpahinga na sila sa bahay. Gusto ko ako naman ang kumayod para sa kanila. Pinaghirapan nila ako mula unang baitang hanggang sa pakapagtapos ng pag-aaral. Lagi silang nandyan anuman oras. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang mga magagandang payo nila sa akin, at ang pagmamahal na nagpapatibay sa akin, iyan ang ilan sa matinding baon ko dito sa bansang mayaman sa alikabok.

Sobrang naho-home sick ako noon una, sa unang pagkakataon kasi nahiwalay ako sa akin mother-father, magising na hindi sila ang unang taong makikita ko at matulog na hindi sila ang huling taong makikita ko. Ang hirap, halos lahat ng routine ng buhay ko noon ay naiba.

Ang buhay dito ay mahirap emotionally, kaya lagi ko namimiss si mother-father. Ang buhay dito ay mahirap na masaya, masaya dahil napapaligaya mo ang mga mahal mo sa buhay, nagkakaroon ka ng mga pangarap at nagkakaroon ng pag-asa sa buhay. Mahirap dahil hindi ito ang nakasanayan mo at kinalakihan mo, hindi ito ang iyong tahanan, mahirap tumira sa bahay nang may bahay, alipin ka dito, nandito ka para pag-silbihan sila.

Isa lang ang nagpapasaya sa akin dito, ang marinig ang salitang "Anak, salamat...." mula kay Mother-father.

17 comments:

  1. haayyyy...... ang bait mo naman na anak po kuya akoni..... :)

    aym sure proud na proud sayo mga magulang nyo po :)

    ReplyDelete
  2. pagpalain ka ni bro :) isipin mo na lang bukas na kayo magkikita. kung bukas di kau magkitakita, kinabukasan na lang ulit. Para bawat bukas may pag-asa ka at pananabik sa muli niung pagkikita... smile kna jan kuya habs :) hugs!

    ReplyDelete
  3. Egg- Oo sobrang proud sila sa akin..hahha

    mama - Oo excited na nga ako..hehe

    JEng-epic - salamat. naka-smile naman ako as always..miss ko lang parents ko..hehe

    ReplyDelete
  4. gusto ko ung term mo ng mother-father.... wala lang.. double meaning sakin! ahahaha

    ReplyDelete
  5. nakaka-homesick talga pag malayo ka sa kinagisnan mo. kaya mo yan. basta't para sa pamilya..aja!

    ReplyDelete
  6. kakabasa ko palang ng post ni mommy razz. :D

    ambait mong nak sa iyong mother-father.

    at congrats, soon to be dad ka na.

    ReplyDelete
  7. rap - alam ko magugustohan mo yan you mother-father!!!LOL

    Kraehe - Aja kraehe. thank you..Oo naman ilan tao na ako dto..hehe

    Khanto - Salamat..hindi naman gaano kabait..hehe..naging suwail din ako, bumabawi lang.

    ReplyDelete
  8. good luck sa iyo lagi....tiyak proud ang father at mother mo sa iyo..

    ReplyDelete
  9. aww, is kang ulirang anak akoni. and totoo. mahirap ang buhay ofw. pinakamahirap pa kung magkasakit ka. kalungkot at walang mag-aalaga.

    akoni, nawala nga yung blog mo sa roll ko! and di ko alam kung bakit kasi dapat updated yung ng mga na-follow kong blog. anyway i added yung url mo and mukhang gumagana na. pero ang dami kong na-miss na post mo! back-read na lang.

    ReplyDelete
  10. Arvin - salamat pare..yes i know, sobrang proud sila sa akin, nararamdaman at nakikita ko un kapag umuuwi ako.

    Sean - Oo gawa kasi ng nagpalit ako ng URL..hehe..nasabi ko na ata sayo un..salamat anyway. Ulirang anak? parang hindi ko pa tanggap..malayo pa..hehe..pero salamat!

    ReplyDelete
  11. lapit na pala mother's day. buti pinaalala mo

    ReplyDelete
  12. habang binabasa ko toh kuya..feeling ko nagbabasa ako ng sagot sa beauty pageant.. hahahahaha :)

    uyyyy at malapit ka na din maging father mather...

    ReplyDelete
  13. mahirap talaga malayo sa mga mahal mo sa buhay. ako nga naiisip ko pag umalis na ako baka kinabukasan bumalik na ako agad sa Pilipinas sa sobrang lungkot pero baka isipin ko na lang din na ang gagawin ko para sa mga mahal ko.

    Advance happy father-mothers day sayo!

    ReplyDelete
  14. Bino - Oo malapit na...pati fathers day.

    Kamil Shake - hahaha..un kasi feeling ko habang sinusulat ko yan..parang may nagtatanong na judge sa akin..haha

    Sey - Sa una sobrang hirap...nakakaubos ng luha..hehe

    ReplyDelete
  15. isa din sa reason kaya ako umalis.. dahil kay mother.. humihina na nag katawan... hayst....

    ReplyDelete
  16. very tatsing! namimis ko na tuloy si mudrax and fader! wuhuhuhu...

    ReplyDelete
  17. Usapang pamilya kakakinspire naman yan. Magiging bahagi kami ng iyong pagiging ama. lOoking forward sa makasaysayang bahagi ng buhay mong ito.

    ReplyDelete