Dear diary,
Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kita kasi.
Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba?. Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.
Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.
Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.
Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!
P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.
(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)
Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!
Namimiss ka,
Akoni
nyahahaha..nagsusulat din ako sa diary..actually hanggang ngayon..kahit madame nagsasabi na inappropriate.. pero di rin.. hahahaha... pang pito na yata diary ko..
ReplyDeletedumadiary ka pala..hehehe
ReplyDeleteuso pa ba yan now?hehehe
morning akoni
ah parang kuwan..kuwan kasi..a basta kuwan? hahaha parang adik lang! sama mo na ang diary ni tyo karlo sa mara clara, ayown na discover din...weeee!!!
ReplyDeletepag nagreply yan, baka diary ni Tom Riddle ng harry potter. :D
ReplyDeleteMay diary din ako noong high school ako. at ang laman ay lahat ng mga fantasy ko sa mga nagugustuhan ko. Lol! Pero sinunog ko na siya. Hahaha!
ReplyDeleteMay tanong ako.........
Paano kung replyan ka ni Diary mo? Ano gagawin mo?
God Bless to your new life with ur wife manong ko.
ReplyDeleteako din, maraming diary wahihi. yun din tanong ko dati, san nagmula ang word na diary? bakit sya ang sinusulatan? bakit hindi "Dear Notebook" or "Dear Logbook".
ReplyDeletedear akoni,
ReplyDeleteswerte mo sa iyong asawa. nawa'y maging masaya ang inyon pagsasama.
diary
hehehehehe
Kamila - ako hindi ko na alam kung nasaan ang diary ko nun Highschool ako..haha...sana walang makakita..LOL
ReplyDeleteJay - hindi na ata uso ngayon, namiss ko lang..isa ako sa mahilig mag-diary nun dalaga pa ako..LOL
Tabian - hahaha..mara/clara...nakakamiss talaga magkwento ng kuwan sa diary..haha
Khanto - hehe...hindi ko alam un ah..haha..1 and 2 lang napanood ko sa harry potter..hehe..
Empi - Red diary ata ung sayo e..haha...kung magrereply, matutuwa ako..haha..gagawin ko, magreply ulit ako, kakahiya kasi..lol
salamat emmanuel..love ko name mo..hehe
Kraehe- karya, itanong natin yan kay kuya kim..haha
Bino - hahahahhaa..sobrang natawa ako, nak ng....ikaw pala yan, lalake ka pala? haha
mama - nagpalit na ng pangalan si diary mama, Blog na name niya ngayon..hehe...para in daw.
huat dah mader-fader!
ReplyDeleteseryoso ahhh...! warap?!
eniwi...
trip ko din itopic c kuwan ih..
klala u dn pla xa..jejeje..
hilig ko din ang magdiary
kaya nga title ng blog ku
ay my journal ih...jejeje..lo long...
hahhah! adik! pero aaminin ko adik din ako kasi hanggang ngayon nagdadiary pa rin ako, pero it's more about devotional. di na katulad dati brutal! lolz
ReplyDeletenaalala ko pa dati gumagawa pa ako ng symbols para gawing alphabets para pag may makakuha ng diary ko di nila mabasa! hahahhaa
alam niyo bang ang blogging ay ang modern day diary kaya sa tuwing nagpopost tayo ng entry ay para narin ayong nagsusulat sa isang diary.. waheheh
ReplyDeletetitser kat - hehe..good, natutuwa ako sa journal mo..tsismoso kasi ako..hahaha..seryoso ba ito? haha
ReplyDeleteIya_khin - haha..sinubukan ko din yan paggawa ng symbols na ako lang nakakaintindi, pero hindi nagwork out..haha..naingganyo ako noon sa symbols na ginamit ng kapatiran sa panahon ng KKK..haha
Kikomaxxx- so kailangan natin lagyan din ng "Dear blog" chula, chula, chula, chula, yada, yada, yadah...hehehe
ako... binabasa ko diary ng yaya ko nuong bata pa ako... oh hah... kaya nalaman ko na may crash siya sa kapit bahay namin... eheheheh... ayun pinalo ako.... ehehehhe...
ReplyDeletedi ako nagsusulat niyan.. pero mahilig akong gumawa ng homemade na diary.. para sa mga kaklase kong mahilig magsulat niyan...
hehehe ako ng try ako dati mag sulat sa diary pero sabi parang hindi bagay s akin hahhaa
ReplyDeleteMusingan - para lang sa mga nerd kasi ang diary...LOL
ReplyDeleteUno - ganun din sabi ng mga pinsan ko sa akin noon..hahaha..I am so gay daw..LOL..after high school, tumigil na ako..hehe..
kulang na naman sa kwan ung pagiisip moh... mag kwan ka nlng, ahahaha... pa-kwan ka naman!!! pakwan!! pakwan!!!! wahahaha
ReplyDeleted ko ni try mag diary pero journal, Oo. pareho lang ba yun?
ReplyDeleteCute naman, nagdadiary ka. Ako bullet point lang sa diary ko, kasi tamad ako!
ReplyDeletePero ang sweet naman ng sinulrat mo about your wife =)