nuffnang

Monday, March 14, 2011

DIARY

Dear diary,

Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kita kasi.

Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba?. Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.

Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.

Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!

P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.

(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)

Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!

Namimiss ka,
Akoni

19 comments:

  1. nyahahaha..nagsusulat din ako sa diary..actually hanggang ngayon..kahit madame nagsasabi na inappropriate.. pero di rin.. hahahaha... pang pito na yata diary ko..

    ReplyDelete
  2. dumadiary ka pala..hehehe

    uso pa ba yan now?hehehe

    morning akoni

    ReplyDelete
  3. ah parang kuwan..kuwan kasi..a basta kuwan? hahaha parang adik lang! sama mo na ang diary ni tyo karlo sa mara clara, ayown na discover din...weeee!!!

    ReplyDelete
  4. pag nagreply yan, baka diary ni Tom Riddle ng harry potter. :D

    ReplyDelete
  5. May diary din ako noong high school ako. at ang laman ay lahat ng mga fantasy ko sa mga nagugustuhan ko. Lol! Pero sinunog ko na siya. Hahaha!

    May tanong ako.........


    Paano kung replyan ka ni Diary mo? Ano gagawin mo?

    ReplyDelete
  6. God Bless to your new life with ur wife manong ko.

    ReplyDelete
  7. ako din, maraming diary wahihi. yun din tanong ko dati, san nagmula ang word na diary? bakit sya ang sinusulatan? bakit hindi "Dear Notebook" or "Dear Logbook".

    ReplyDelete
  8. dear akoni,

    swerte mo sa iyong asawa. nawa'y maging masaya ang inyon pagsasama.

    diary

    hehehehehe

    ReplyDelete
  9. Kamila - ako hindi ko na alam kung nasaan ang diary ko nun Highschool ako..haha...sana walang makakita..LOL

    Jay - hindi na ata uso ngayon, namiss ko lang..isa ako sa mahilig mag-diary nun dalaga pa ako..LOL

    Tabian - hahaha..mara/clara...nakakamiss talaga magkwento ng kuwan sa diary..haha

    Khanto - hehe...hindi ko alam un ah..haha..1 and 2 lang napanood ko sa harry potter..hehe..

    Empi - Red diary ata ung sayo e..haha...kung magrereply, matutuwa ako..haha..gagawin ko, magreply ulit ako, kakahiya kasi..lol

    salamat emmanuel..love ko name mo..hehe

    Kraehe- karya, itanong natin yan kay kuya kim..haha

    Bino - hahahahhaa..sobrang natawa ako, nak ng....ikaw pala yan, lalake ka pala? haha

    mama - nagpalit na ng pangalan si diary mama, Blog na name niya ngayon..hehe...para in daw.

    ReplyDelete
  10. huat dah mader-fader!
    seryoso ahhh...! warap?!
    eniwi...

    trip ko din itopic c kuwan ih..
    klala u dn pla xa..jejeje..

    hilig ko din ang magdiary
    kaya nga title ng blog ku
    ay my journal ih...jejeje..lo long...

    ReplyDelete
  11. hahhah! adik! pero aaminin ko adik din ako kasi hanggang ngayon nagdadiary pa rin ako, pero it's more about devotional. di na katulad dati brutal! lolz

    naalala ko pa dati gumagawa pa ako ng symbols para gawing alphabets para pag may makakuha ng diary ko di nila mabasa! hahahhaa

    ReplyDelete
  12. alam niyo bang ang blogging ay ang modern day diary kaya sa tuwing nagpopost tayo ng entry ay para narin ayong nagsusulat sa isang diary.. waheheh

    ReplyDelete
  13. titser kat - hehe..good, natutuwa ako sa journal mo..tsismoso kasi ako..hahaha..seryoso ba ito? haha

    Iya_khin - haha..sinubukan ko din yan paggawa ng symbols na ako lang nakakaintindi, pero hindi nagwork out..haha..naingganyo ako noon sa symbols na ginamit ng kapatiran sa panahon ng KKK..haha

    Kikomaxxx- so kailangan natin lagyan din ng "Dear blog" chula, chula, chula, chula, yada, yada, yadah...hehehe

    ReplyDelete
  14. ako... binabasa ko diary ng yaya ko nuong bata pa ako... oh hah... kaya nalaman ko na may crash siya sa kapit bahay namin... eheheheh... ayun pinalo ako.... ehehehhe...

    di ako nagsusulat niyan.. pero mahilig akong gumawa ng homemade na diary.. para sa mga kaklase kong mahilig magsulat niyan...

    ReplyDelete
  15. hehehe ako ng try ako dati mag sulat sa diary pero sabi parang hindi bagay s akin hahhaa

    ReplyDelete
  16. Musingan - para lang sa mga nerd kasi ang diary...LOL

    Uno - ganun din sabi ng mga pinsan ko sa akin noon..hahaha..I am so gay daw..LOL..after high school, tumigil na ako..hehe..

    ReplyDelete
  17. kulang na naman sa kwan ung pagiisip moh... mag kwan ka nlng, ahahaha... pa-kwan ka naman!!! pakwan!! pakwan!!!! wahahaha

    ReplyDelete
  18. d ko ni try mag diary pero journal, Oo. pareho lang ba yun?

    ReplyDelete
  19. Cute naman, nagdadiary ka. Ako bullet point lang sa diary ko, kasi tamad ako!
    Pero ang sweet naman ng sinulrat mo about your wife =)

    ReplyDelete