nuffnang

Saturday, May 21, 2011

Judgement day



Nagising akong madilim ang buong paligid, ito ang pinakamadilim na nakita ko sa
buong buhay ko. Nagtataka ako, may mga naririnig akong umiiyak, kilala ko mga boses na yon.

Ano ang nangyayari, bakit nasa isang madilim na lugar ako? Bakit may mga umiiyak?

Kinapakapa ang paligid ko, wala akong maramdaman. Sigurado ako, mag-isa ako ngayon, dito sa lugar na walang liwanag.

Kinabahan na ako, naiiyak na ako at sumigaw ng tulong, tinatawag ko ang mga umiiyak. Walang nakakarinig sa akin, walang sumasagot.

Kinapa ko ang aking sarili, iba ang suot ko, may idea na ako kung bakit nasa isang madilim na lugar ako, tama! Alam ko na.

Patay na ako at nasa loob ako ng aking libingan, nasa ilalim na ako ng lupa.

Tuloyan na akong napaluha, bumalik sa akin ang lahat ng alaala noong nasa mundo pa ako, lalo na mga pagkakamali ko, punong-puno ako ng pagsisisi.

Ito na, dumating na ang araw ng paghuhukom, isasakdal na ako. Wala na akong takas dito, haharapin ko na ang kaparusan ng bawat maling nagawa. Ako lang mag-isa dito sa libingan ko, wala akong kasama kundi ang mga nagawang kabutihan sa mundo.

Hindi pera, hindi kaibigan, hindi alahas, wala na kahit ano, kundi ang kabutihan lang na mga nagawa ko.

Sana sapat ang kabutihan nagawa sa mundo para maisalba ako sa kumukulong apoy ng imperno!




12 comments:

  1. Kakaiba seryoso! akala ko tutuloy ka sa pintuan ni san pedro at ibabalik ka sa lupa para ituwid ang pagkakamali mo...LOL 100 Days to Heaven starring Akoni! Lels

    ReplyDelete
  2. ako din i dreamt of my funeral, pero inaantay ko pa ung continuation kasi hanggang dun lang ako sa pagkita ko sa mga nakipaglibing sa kin.

    100 days to heaven? dapat 101 days naman hehe

    nice post! you should write more often! i like the way you write!

    ReplyDelete
  3. lahat naman siguro takot mamatay...lalo na pag di ka hada......hugs for you...wag na u lungkot..di ako sanay na ganyan ka...ako lang ang emo wag mong agawin ang korona ko!! whahaha! toinks

    -love you BBF

    ReplyDelete
  4. Oh my! SERYOSO? hehe.. speechless ako.. wait lang..

    Naiinis ako sa mga predictions na yan. Kasi parang binibigyan lang tayo ng mga irrational fears and paranoia. Alam naman nating darating ang oras na tayo'y mamamaalam na sa earth. Sana na lang, wag nang pangunahan. Hay..

    Ako, hindi naman sa takot mamatay. Slight lang, pero hindi todo. Alam ko kasing pupunta ako ng heaven. May mga nagawa rin naman akong kasalanan at mga pagkakamali. Pero hindi ako masamang tao. Patuloy akong nanampalataya ke Lord. At alam kong mahal Nya ako.. kahit na minsa, matigas ang ulo ko.

    Let's all pray na lang.. and never los faith ke God. Kung darating man ang time na sinasabing judgement day or end of the world or kung ano pa, at least kampante tayo na tayo'y naging isang mabuting anak ng Diyos.

    Amen.

    P.S.
    Seryoso kasi ang post mo eh.. kaya napaseryoso na rin ang omment ko. #lels ka!!!

    ReplyDelete
  5. aww.. ang seryoso naman. Nagaanty ako ng gugulat sa akin at sasabihin ko "si akoni talaga..hahaha" kaso hanggang sa huli seious.

    Tama si iya_khin, hayaan na antin sa kanya ang korona ng emo. lol.

    Tama din si mommy magdasal at maging mabait. :)

    ReplyDelete
  6. Nasira ata reputasyon ko sa blog na to ah..hahaha..seryoso ba? lels

    MOKS - hehehe...tapos lilitsonin namin manok niya..haha

    Bino - nice spammers...haha..baka s sunod makita mo na ako don..hehe

    mama -kasama na ung 5 times pray don sa kabutihan..hehe

    iya_ naks may bbf i love you ah...ano yan bed breakfast? haha..lab u too bff..

    leah - sabi na eh..haha.ang haba nga..hayaan na natin sila sa mga prediction nila, sana nagpalit na ng binabasa ung pagpridicted..hehe..buti ka pa sure kung saan mapupunta..hehe

    Mayen - sorry nasira ata reputasyon ko sayo ah..haha..bawi nalang sa sunod..hehe

    ReplyDelete
  7. sabi ni abdul hakeem postphoned.
    natawa akong bigla.

    ReplyDelete
  8. ang taong mabait hindi napupunta sa impiyerno......walang dapat ipag alala kasi mabait ka.....hango ba ito sa palabas na 100 days to heaven..

    ReplyDelete
  9. asus... gumaganun pa... mabulok ka na sa hukay... ahahaha... joke

    ReplyDelete
  10. napaka metaphor naman ng pag kasulat. hehehehe. Ako nga din eh, hay naku, false alarm!

    ReplyDelete
  11. kanina hiniintay ko ang judgement day,hehehe. Kaya ako hindi magpapalibing, gusto ko magpacremate para sunog agad ayoko kasing maging lonely habang inuuod sa loob ng ataol.

    ReplyDelete
  12. Budz bangaden kokowaa a kasandagan na...hehehe! Batanoden pakalaa so mga amal tanu para maging handa tayo sa araw ng paghuhukom... Humingi lang tayo ng kapatawaran kay Allah, sa lahat ng mga nagawa nating mali at isumpa sa sarili na hindi na ito babalikan,InshaAllah... Tayo ay walang humpay na magiging maligaya sa paraiso... Allahumma Ameen...

    ReplyDelete