nuffnang

Monday, May 23, 2011

Alamat



Wala pa nung myx wala pa nung MTV, wala pa nung internet, wala pa nung ipod at mp3, wala pa nung cable, wala pa nung cellphone, wala pa ring cd or dvd, meron lang betamax at pomade ni lolo, break it down yoowwhh…

Isang araw may nakaaway ako, hinamon ko siya ng sumtokan, kaso ayaw pumalag sa akin, buti nalang kundi basag ang mukha ko.

Nagkaproblema kaming lahat, dahil hindi matutuloy ang suntokan. Hindi maaari ‘to, dapat may dumanak na dugo sa araw na ‘yon, lahat kami nag-isip kung sino ang puweding makalaban niya, at dahil sa ako ang sangkot sa gulo, ako ang nakaisip kung sino ang ilalaban ko sa nakaaway ko na ayaw pumalag sa akin, buti nalang.

Napalingon-lingon ako sa buong klase namin, aha! Nakita ko ang batang patpatin sa may likoran ko, tinabihan ko siya habang inosenteng nagsusulat.

“Gusto mo labanan si JAM (tunay na pangalan) ng suntokan?” tanong ko kay Jashim (tunay na pangalan din).

Hindi pa kami noon close, parang classmate lang, magkakilala, ganoon lang. Napatitig nalang sa akin ang batang patpatin, nagkatitigan kami, parang love at first sight ang nangyari, nagkagaanan ng loob, kulang nalang maghalikan kami, ewww..

“Oo” sabi naman ni Jash at natuwa ako dahil nauto ko siya.
“Okay, game…” sabi ko at tumayo na kami ng sabay.

Syempre, pinakilala ko muna sa kanya ang taong babasag sa mukha niya kung sakali. Nang magkakilalanan na sila, binulongan ko na si Jash na unahan na niya, at dahil likas atang uto-uto si Jash, hindi pa ata tapos bumulong ang demonyo eh, ikinasa na niya ang kanyang kamao at mabilis na nagpakilala sa mukha ni JAM, wapaakk!!! Sobrang tuwa ko. Naging block buster ang laban nila sa buong klase, kaya noong recess nagkaroon agad ng sequel, sobrang saya ko talaga.

Doon na nag-umpisa ang pagkakaibigan namin dalawa, kung dati kami ni JAM ang magkatabi sa upuan, mula noon kami na ni JASH at nag-umpisa na mabuo ang pagmamahal namin sa isa’t isa, putek so gay naman ito.

Maraming araw ang dumaan at lalong naging close kami, parehong-pareho kami ng mga trips, parehong pareho kami takbo ng utak, ng ligaw ng bituka, at ng mga kapraningan.

Hindi kami sumasakay ng jeep, nilalakad nalang namin pauwi, siguro tadhana na ang gumagawa noon para lalo kami maging close sa isa’t isa. Sa amin paglalakad pauwi, nagdadala kami ng mga bato o kahit na anong mabibigat na bagay, minsan buko ng niyog, tig-dalawa kami.

Pagdating namin sa may bridge, titigil kami doon, sabay hihinga ng malalim at sabay ibabagsak ang buko ng niyog o malaking bato sa kung sino man tumatae, o naglalaba sa gilid ng lake, tatansyahin namin na sa tubig tatama ang bato o buko ng niyog, para pagbagsak ay mababasa kung sino man kawawang biktimang nilalang. Haaayyyy, ang sarap ng feelings habang minumura kami ng tao mula sa baba dahil basang-basa siya dahil sa talsik ng tubig gawa ng hinulog naming mabigat na bagay sa tabi niya.

Break it down na, atras ka nalang dito at magpaantok.

Lahat siguro tayo ay may best friend, yong best friend na parang magkapatid na ang turingan niyo. Mayroon din ako, akala niyo lang wala, pero mayroon talaga ako, siya si JASHIM.

Hindi lang basta mabait na tao, kundi isang mabuting tao. Katulad ko rin, makulit at mga adik ang salita, kaya isipin mo nalang kapag naging dalawa ang AKONI, laugh trip.

Violet ang utak ng taong ito, biruin mo graduated as a Cum laude ng MINDANAO STATE UNIVERSITY, at TOP 2 ng SHARIAH LAW bar examination, impressive, ha. Siya ang nagsisilbing moral guidance ko, dahil alam niyo naman wala akong ka-moral-moral na tao, hehehe.

May 23, 2011, dalawang araw pagkatapos magunaw ang mundo, at ngayon araw na ito ang araw kung saan isinilang noon ang taong magiging karamay sa lahat ng bagay ng isa pang nilalang na ipinanganak noong JUNE 9 na nagkukwento ngayon sa inyo.


MALIGAYANG KAARAWAN, BUDDY!

I LOVE YOU P’RE…


With his son: Pinapahalagaan ko lang ang kapakanan ng bata


20 comments:

  1. napakanta ko sa intro. lol.

    hangsarap talaga magkaroon ng katropa lalo ang bestfriend.

    saka dami kong tawa dun sa pinapahalagaahan yung kapakanan ng bata pero ung mukha ng tatay ang nakatakip. LOL! anglufet ng sense of humor mo pre.

    ReplyDelete
  2. ang sweet naman ng samahan nyo ng Bestfriend mo.

    Happy Birthday sa Kanya.. Isa kang mabait na kaibigan..

    ReplyDelete
  3. ayos! ang sweet na kaibigan ah.


    Happy birthday sa kanya~

    ReplyDelete
  4. Hindi ko ma-imagine ang akoni na makikipagsuntukan. hehe.. mukang hindi na patpatin si Jash ngayon ah?

    Happy birthday sa kanya.

    sobrang tawa ko pag protekta mo sa bata. ganyan nga yata ang tamang paraan. hehe..

    ReplyDelete
  5. Break it down.
    talagang may pagpapahalaga talaga sa kapakanan ng bata. tudo effort ang pagtatakip.

    happy birtday sa kanya buti umabot pa sa deadline ng mundo ang kaarawan niya.

    ReplyDelete
  6. hahah kasweet sa buddy oi.. hahaha... pero ako sad ako lang naluoy sa bata kung inagna mo ka violent ug utok.. hahaha..joke

    ReplyDelete
  7. wow bestfriend!!! happy birthday sa kanya. ang swerte mo at may bestfriend ka. ikaw na!

    nice post! you should write more often. I like the way you write.

    ReplyDelete
  8. bilib na bilib talaga ako sa iyo....araw araw may post ka...

    ReplyDelete
  9. Jashim A. AbdulRahmanMay 23, 2011 at 6:35 PM

    Nwe Thanx pala sa lhat ng naggret: mommy-razz, pEarL, empi, iya_khin, mayen ,Diamond R ( Ang name ko sa BLog-Ibig)hehe, Bino...

    ReplyDelete
  10. kala ko brokebackan...ahaha

    sya pa ginawa mong bouncer,topaking bata ka talaga akoni..

    heypey beerday na rin sa buddy mo!

    ReplyDelete
  11. tabian, tabian, tabian...hahaha..nasa diskarte lang yown...hehe

    ReplyDelete
  12. Hahaha, Violet b utak ng matalino? Parang hindi na patpatin si Jashim ah! First time kong nabasa yung name niya sa comment mo sa post ni Mommy Razz.

    Kawawa naman yung mga tumatae, napag-tripan pa. bwahahaha!

    Natatawa ako sa comment ni Jashim....KAMINI, KAMINI! Magkaibigan talaga kayo. Kamini, Kamini! hahahah! dami kong tawa.

    May kabirthday ka..secret kung sino. HAPPY BIRTHDAY KAY JASHIM.

    Siya daw si Bino sa blog-ibig aba, aba mabalikan nga at tru to life pala yun. San na nga pala second book?

    ReplyDelete
  13. P.S. buti pinrotektahan mo ang bata tinakpan mo mukha ng tatay. Kakaiba ka talaga mag-isip. Dami kong tawa kaya para nanaman akong luka-luka dito.

    ReplyDelete
  14. OT: na distract ako sa layout mo...ang harot, ang harot harot talaga..bihisan mo nga baka magkapolmonya, susme! XD

    ReplyDelete
  15. lels budz may comment ka falah..lels..abangan mo ang series ng alamat natin dito..e-se-share ko na, pero kailangan maging maingat ako dahil maraming...ahem..

    Arvin - hehe..hindi puwedi tumigil ang utak ko sa kakaisip ng bagong post..hehe

    Sey - dami kong tawa sa comment mo..hehe..auummhh..sino kaya ung kabirthday ko, i am sure, special someone un kasi binanggit dito eh...hehe...siya si Diamond Arce don, hindi si bino..hehe..kunti lang exposure niya don..hehe...Ganyan dapat magprotekta ng bata, wag ipakilala ang kanyang tatay...hahahaha..hahaha...kyut kaya ng bata..hehe..tapos tatakpan mo lang ang mata..hehe

    ReplyDelete
  16. tabian - yan si prinsepe AKONI...hahaha...kapag nasa akoniLANDIya siya, ang kanyang kaharian..hehe

    ReplyDelete
  17. Xmpre naman po gusto kitang maging kaibigan..alam ko kasi na pagkaibigan ni ate Mayen the best Yan..Pwede po bang kuya Akoni nalang itawag ko sayo?=)

    ReplyDelete
  18. ang daming may birthday ngayon..

    kuya, unfollow me muna taz follow me again para ma update na ung blog ko sa dashboard mo.thanks

    ReplyDelete