Tapos na ang oras na binigay ko para umamin ang mga mambabasa ng AKONIlandiya na natatawa o nangingiti sila sa mga pabasa ko.
Bago ko umpisahan, nais ko munang magpasalamat sa inyong lahat. Maraming maraming salamat, sana nandyan parin kayo kahit puro giniling na kalokohan at guni-guning ligaw sa utak lang ang mga pabasa ko, pasensya hanggang dyan lang ang kaya ng utak ko.
Nwe, narito na sila, ang mga magigiting na bloggers na naglaglag na ng kanilang emosyon dito sa Akonilandiya, nakakataba ng puso ang mga komento nila.
Para maitindihan mo ang guni-guni kong ito, huwag mo click dito, dapat sa kabila mo click, ayy dito nalang, sige dito nalang click mo.
Ladies first tayo…be gentledevil naman kahit minsan.
1. “Syempre nangiti na naman ako. hehe. You really deserve it. At kahit hindi na ipasa ok lang ang importante nasa side bar. haha.. I'm sure hindi lang ako ang napapangiti sa mga post mo! :)- Mayen
- Si Mayen, ang nagbukas ng pinto para maisipan ko ang blog na ito, maraming salamat iha. Ramdan na ramdan ko ang bawat guhit ng kanyang ngiti at ang bawat halakhak niya sa mga banat ko. Hindi mo na kailangan suntokin ang ilong mo para dumugo, basta click mo dito, para malaman mo. Matututo ka ng leksyon sa blog niya.
2. “Akoni #2 ako! pagdating ko ngayon 15 na comments siguro pang 15 na ako sa listahan. hehehe! Wag kang titigil sa pagsusulat or else kulang ang araw namin. Love ko mga side comments mo sa mga lines gaya nitO:
gusto kong yakapin, at mahalin, juk, ayaw kong makilala ng mukha ko ang kamao ni JED, or ito: Maglagay ng matamis at masarap na ngiti sa delicious mong face bago basahin.”- Sey
Si Sey, isa sa mga inaabangan ko ang comments niya sa bawat post ko, masarap kasi basahin ng paulit-ulit. Hahanga ka sa babaeng ito, promise, hindi mo pa nakikita mararamdaman mo na. Ramdan na ramdam ko sa kanya na may silbi ang pagpapatawa ko. Click mo dito, para malaman mo. Oo nga pala, magtabi kana ng tissues.
3. “tnx mayen sa pagbibigay mo ng award na yan sa anak ko..
ikaw din anak nagbibigay saya sa akin d2 sa blog world.” – Mama
Si Mama my biggest fan, pinakaloyal sa inyong lahat, tapos maganda pa. (Mama, ‘yong final season ng SMALLVILLE ah…hehe). Ilalaban niya ako ng karatehan sa leeg, dahil anak niya ako, at cute niya ako. Pasokin mo ang mundo niya, para magkita tayo don. Magteleport ka, wag kang iihi doon.
4. “neks namen deserb mu naman kua Akoni coz ur a funny guy...jejejejejeje...
congratulations!!!!” - Grabe kakaawa ka naman ngsuka ung pwet mu..me tinitinda bang diatab sa riyadh?! – Lhuloy
Si lhuloy, ang nakakatuwang jejemon mag-type, isa din sa mga inaabangan ko ang comment niya sa mga post ko. Tingnan mo naman, pati dito dinala ang pagsusuka ng puwet ko noong isang araw, jejeje. Alamin natin ang career niya, buhay niya, SO niya at mga drama niya, tumambling ka dito, tapos lundag dito at click mo na dito dahil corny na.
5. “Congrats! Dong Akoni..” -Joey
Si Joey or Tame – Isa din sa mga regular na nagbabasa ng mga post ko, na sobrang naghahatid ng kiliti sa akin, ang mga comments niya. Masipag ‘to dati mag-komento, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya lately at bakit ngayon lang nakapag-comment ulit, paging tameeee…paging, why? Wala siyang blog site, pero laging nagbabasa ng mga post ko.
6. “Hehe.. natatawa rin ako sa mga posts mo, Akoni. And I'm wondering, bakit wala ako sa listahan? hehe.. Dyuk! Ang galing lang tlga ng mga humor blogs.. nakaka entertain. :)
P.S.
Ntatawa na rin ako ngayon ke Bino. hehe.. nice post! you should write more often.. AGREE! Hahaha!!!” – Leah
7. “congratz!! Nakakatawa ka talaga! maraming beses mo na akong pinatawa! Mas lalo ngayon..tawang-tawa talaga ako sayo! hahahahahahahahahhaha! at marami pang hhaahahahahahahha!
patawa din itong word verification mo! PANTE daw!! wahahahahaha! kaloka!!!” -Iya_khin
Si Iya_khin, isa sa pinaka-close ko dito blog sphere, when I say pinaka-close, malapit sa puso ko at puson, hehe. Paiba-iba nga lang ng mood, tulad ng comment niya ngayon, hindi ko alam kung natutuwa talaga siya o ano. Nahiya tuloy ako, nafeel ko! – Magaling ‘to gumawa ng poem at magaling mag-emo. Sabayan mo siya magdrama at umiyak dito.
8. “asus may award naman pala congrats! LOL-
pero totoo pare mapablog o twitter lokuluko ka! hayop ang humor mo... Pakyu!”- MOKS
Si MOKS, bago ko lang naging kakilala, cool na lalake at nakakatuwa din mga post niya. Kinikilig ang puwet ko pag sinasabi niya ang “pakyu”, at ganoon din siya, nanginginig pati labi niya. Mag-donate ng “PAKYU” sa kanya, DITO.
9. “Ay hindi ako natawa... di ako kasama sa listahan... lels! Nyahahahahhahaha” – Xprosaic
Si Xprosaic – Isa sa mga sikat na blogger, at natutuwa akong natutuwa siya sa akonilandiya. Ang pogi ng mama na’to, pagnasaan mo DITO at alamin ang mga produkto ng kanyang utak.
10. “Ninanman ko ang ng pakunti kunti ang post mong ito. Di ko nahulaan na sa blog award pala ito. Pero para kay mayen special nga ang award na natangap mo dahil natangap ko din yan.” Diamond
Si Diamond, makabayan, makatao at makadiyos na nilalang. Parang diamonds ang mga aral na makukuha sa mga blogs niya, tinalo niya ang batibot. Mapagmahal sa kapwa at parang chicaron ang mga banat niya, laging may laman. Mag-igib ng mga aral niya, DITO.
11. “congrats sa award..” Arvin
Si Arvin, malawak ang pananaw sa mga bagay-bagay, kahit surot ay kaya niyang gawaan ng poem, ultimo dahon nga e, surot pa. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kinokonggrats niya, ako o ‘yong award? Digs natin ang mundo niya, DITO.
12.”ako natatawa din naman ako sa mga post pero at the same time kinapupulutan ng aral ang mga post mo eh. serious un. nice post! you should write more often lels” –BINO
Si BINO, isa din sa mga sikat na blogger. Taas bumbonan ako dahil naging kakilala ko siya, nakakayabang ang maging kakilala siya, lalo na ang mapatawa ko siya. Salamat sa advice palagi, tatandaan ko ito lagi “Nice post! You should write more often” hahaha…parang spam lang. Ang damuhan niya ang pinupuntahan ko kapag gusto kong ma-HIGH sa mga kaalaman, lalo na sa pagsusulat ng blogs. Makihithit sa kanyang DAMO, dito.
13. “congrats sa well deserved na award. nakakatanggal stress kaya magbasa ng blog mo hehe.” –Sean
Si Sean – Sa kanya ako humuhugot ng mga malalalim na salita. Lagi ako nakanganga kapag nagbabasa ng mga blogs niya, lalo na sa mga litrato na nilalagay niya. Maghubad ng pantalon at sungkitin natin ang mga sinasampay niyang kaalaman, DITO.
14.”ibang lebel ang humor mo sa twitter. ahahah. Pero sige, papalista ako kung ano man yun. lols. :p” –Khanto
Si Khanto – feeling bata ako sa mga blogs niya, tulad ko rin siya mahilig sa anime at mga Korean movies. Matindi din mga banat na pinapakawalan niya, sa kuyokot mo mararamdaman. Atin alamin ang mga pakulo niya, dito.
15. Guni-guni readers – para sa mga nagbabasa na hindi na-iiwan ng ebedisya, naiitindihan ko kayo, mahirap talaga magbigay ng komento sa mga blogs ko,hehehe…Maraming salamat din sa inyo, stay tune lang palagi.
Sa mga hindi nailagay, pasensya na. Binase ko lang ang mga ito don sa previous post ko, atras ka dito. Pero puwedi ka pang humabol, para naman magkaroon ng part ito 2. Maglaglag kana ng emosyon mo dyan sa comment box, uulitin ko ulit, bawal umiihi dyan.
MARAMING SALAMAT!
Ang dami mong napapangiti at napapasaya. :D
ReplyDeleteWaaahh!! Ba't di mo sinabi na copy-paste ang comments, eh di sana mas ginandahan ko pa ang comment ko last time. Hihihi!! Dyuwk.
ReplyDeleteBabaeng Kuracha talaga ha? #Lels ka. Nanotice mo rin pala. Hay, misan simpleng ideya lang sa comment, humahaba nang humahaba. Sabi sa akin, dapat KISS lang daw.. Keep It Short & Simple. Pero ewan, ang daldal ko lang. Blogpost. Hekhek.. Siguro mas mainam, gamitin ko na lang din ang spam comment ni Bino.. "Nice post. You should write more often." Itrend natin to sa twitter. #lels
Ay sensya na lang din. Oo na, inaamin ko na. Minsan lang kasi ako nagba bloghop, depende sa mood. hihi. guilty! Pero sa twing sipagin naman ako magblog hop, lagi naman akong napupunta dito sa bahay mo. Choz! :P
P.S.
Weeeh! May pizza nga pala ako mamyang lunch. Hehe.. Mapapabili ako ke Kuya. Bleh.. Inggit? #lels Pdalahan kita dyan, ipapa LBC ko na lang. :)))
LOL! Pakyu muna! Kilig ka naman!
ReplyDelete“Nice post! You should write more often” <---pati ako naspam ni Bino! LOL
PAKYU! HAHAHAHA. Sinisilaban ako habang binabasa ang post mong ito. sayo ko lang yata at kay moks pweding sabihin yan na di magagalit. Mahirap na.
ReplyDeleteKay aga- aga ang tamis ng mga ngiti ko. Wag kang magalala di ako umihi dito at doon sa Welcome to My world.
yun oh.... ang dami mo ng fans.. ang lupit...imba hehehe..
ReplyDeleteacctualy naaliw ako sa mga post mo.. HS na HS yung iba.. whahhaha
more post ha... dapat yung pagcollege naman yung dating....
pero sympre naman may kakatawanan pa rin.. :D
testi din ba to? lol.
ReplyDeleteuna kong nakita yung link mo ke mamy raz, pinopromote nya yung blog ng pinakamamahal nyang anak. sa simula hindi ko pinansin (inaamin ko). hanggang sa may time na nagpost ulet si mamy raz tungkol sa pagpapapalit ng url ng blog mo. at dun nagsimula ang lahat.
umaasa ako na mafefeature ako sa blog-ibig serye mo pero bigo ako.
pinahanga mo ko dun sa muli niong pagkikita ng mahal mo sa pinas.
natuwa ako sa post mo tungkol sa pagiging ama.
naaliw ako dun sa fools day post mo. natural kang kenkoy.
at sinadya kong hindi magpalista dun sa post mo tungkol sa nakapagpatawa ka ba.
ehem...(naka-smile ng konti)
ReplyDeletemalapit nga ako..pang no.7 ako..sabagay lucky ang no. 7 pero i don't believe sa lucky kasi pag may lucky may edu! joke corny
thanks dito..at sa pag amin mong mahal mo ako..ay..close pala tayo..#lels
yun lang bow..
ay may nakalimutan ako...
ReplyDeletepwede isang beses lang..sana di bumula ang bibig ko...
PAKYU! #lels
salamat din sa iyo....di ko yata kaya ang magsulat ng poem tungkol sa surot,hehe......
ReplyDeleteay nagkaka-crush na ata ako sayo. hehe.. pero wag na lang baka makalbo ako ni heaven mo. Ang galing naman kasi talaga. Ang galing ng pagkakasulat nito. Halos lahat ng di ko pa kilala sa bloggers na na-metion mo gusto kong bisitahin. Pero later na. nasa office ako. Nag AIDS lang ako. hehe..
ReplyDeleteSana may ganyan din akong talento. I super like this post akoni. Good Job! :)
ahahaha... kudos sa inyo lahat.. at lalong- lalo na kay akoni.. hehehe... sayang at di ko naabutan.. pero ok lang.. kasi nakakahiya.. ang epal ko kaya.. hehehe
ReplyDeletehumeyged!!! nagalak naman ako dun kua Akoni...jejejeje...achulee expekted ko na kasama talga ko dito jejeje (kafal!) este kming lahat pla...thnks-THaNkS!!!!!!!
ReplyDeletedhil dito napangiti ako ng ganito ka-wide!
(^_____________^)
Hi Dong Akoni, wow! nandiyan yong name ko!.hehehe. Salamt kay lhuloy gurl, sa pag-recommend niya ng blog mo. Si lhuloy gurl ang taga-update saken pag may new post ka, magkatabi lang kc kami..hehehe..nakakatawa naman kc talaga mga kwento mo.(Hahahahahahahaha!) sobrang nakaka-aliw! Nagbabasa pa rin ako ng blog mo, tinatamad lang akong mag-comment.hehehe! Keep it up!
ReplyDelete**Tame a.k. a. Joey**
Ah, ito ang pinakamagandang reward ng blogging: ang magkaroon ng mga kaibigang kahit pa ang iba ay hindi mo pa nakikita pero alam mong naglalaan ng panahon para dalawin ang blog mo at makibasa sa saloobin mo.
ReplyDeletethis is a very nice post! You should definitely write more often!
ReplyDeleteo ha! naglevel up ang spam ko hehehehe
tats naman ako napabilang ako dito. ala lang. heheehhehe. oi pwede ka ding ifeature damuhan ha. heheeh
sobrang ganda ng mga posts mo,.. marami kang napapasaya sa mga banat mo.. Totoo pala ang sabi ni ate Mayen magaling ka at dahil jan isa na ako sa iyong mga tagahanga..syanga pala ako si Pearl bago mong taga hanga...
ReplyDeleteSyet! di nga ako natawa! lels ka! yung atay ko lumapad ng husto... nagkaroon ng pakpak... lels... naku wala ngang nagnanasa eh... bebenta na muna ako ng fats... lels
ReplyDeleteAy uu pakyu! di ako sikat! lels ka!
X- lels ka X...haha..natawa naman ako sa comment mo..isama mo na tong fats ko, mura lang..pakyu din, kakakikilig ka.
ReplyDeletePearl - una sa lahat, welcome to akonilandiya...nahiya naman ako sa comment mo pero thanks at kay mayen..apir!
Bino - lels ka...dami mong spams..haha..aabangan ko yan
Norteha - ayy sinabi mo pa iho..i so love this.
Tame - ayos lang yan..alam ko naman nandidito ka lang sa gilid-gilid na puno ng linga
katie - salamat sa mga ngiting binubuhos mo dito sa akonilandiya..
Kiko - kasi ikaw na ang busy. pero thanks din sayo.
Mayen - kinabahan ako bigla sa unang linya mo...hahaha..salamat naman..baka mainlabo din me to you..hehe
Arvin - pakagat ka para magkaroon ka ng idea..hehe
iyakhin - marunong ka pala mag analyst ng mga post ko..hehe..pakyo too..hindi yan mura..pagmamahal yan
Bolero - shocked naman ako sa post mo, grabe naman..nahiya me at kinilig sayo..i lab u na pare..mwahpaxxx
AX - baka walang magbasa na bata pag pang college post ko..iba experiences ko sa college eh..haha baka maging porn site to.
diamond -salamat pare..dont worry hindi nakakaharm ang pakyo..hehe..kilig nga eh..lels
MOKS- pakyu biyatch..umiispam ka pa..hehe
leah - hahaha..sabi na..ang haba..hehe..pero i love reading all your comments, you should commen more often...lels
Empi -apir...sayaw!
bat di lumabas ang comment ko as anonymous with my name kahaps?
ReplyDeleteO since ni message mo sa twitter, heto na at ako ay kukumento. :D
Sensya na naka login ako sa 2nd account ko.
Ayun, salamat ng madami at kasama ako sa post na to. Natawa naman ako sa description na nakakapagpabata ang blogs ko. Ahihihi. Anime lover kasi ako. :D
Good job sa funny posts na nakakatanggal antok lalo na kapag binabasa ko ito sa opisina. :D
more prowess to you. :D
Khanto - salamat pre, dadamihan ko ng ganito para matanggal ka sa trabaho mo..hahaha
ReplyDeleteSey - hehe..ano yan? kayo ni mama? sama ako dyan...salamat mama, panonoorin ko yan pag-uwi..hehe..sey ako di mo ibibigay number mo para magkita tayo manila? hehehe