nuffnang

Tuesday, May 3, 2011

Blog-ibig page15

Walang personalan...

Ilang araw hindi pumasok si Arvin, kaya nag-alala rin ako sa kanya, alam ko nasaktan siya sa ginawa ni Kamil. Hindi ko sinadya ang lahat, hindi ko alam may lihim din siyang pag-ibig kay Kamil at mas nauna pa siyang magtapat sa kanya, naunahan niya ako magtapat sa pamamagitan ng sulat, pero naunahan ko naman siya magtapat kay kamil ng personal, kaya walang personalan.

Ilang araw wala parin si Arvin, medyo nag-worried ako sa kanya, active kasi un ng sobra sa school, kaya nanibago ako.

Kamil, bakit kaya hanggang ngayon hindi pa pumapasok si Arvin?’ tanong ko kay Kamil.

“Hindi ko nga alam e, nag-aalala na ako sa kanya.” Sagot ni Kamil

“Na-gi-guilty tuloy ako, sana hindi ko nalang ginawa, sana hindi ko nalang sinabi sa kanya” nalulungkot na sabi ni Kamil.

Hindi na ako sumagot, dahil parang nahahati ang emotion ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magi-guilty para kay Arvin.

Maganda ang samahan namin ni Arvin, siya lagi ka-grupo ko sa tuwing may mga activities sa school dahil alam ko active siya dito, hindi siya pabaya sa kanyang pag-aaral, kaya masasabi ko rin na magkaibigan kami.

Habang nag-uusap kami ni Kamil, dumating ang kapatid ni Arvin na sophomore namin, may dalang sulat para kay kamil.

Tinanong namin ang dalagingding kung nasaan si Arvin, “May sakit” ang maarteng sinabi sa amin at masama ang tingin kay kamil.

Binuksan ni Kamil ang liham...

Dear Kamil,

Lubha akong nasaktan sa nangyari, pero wag kang maguilty, expected ko na ito, pero naniniwala ako na hindi ito ang katapusan natin..hindi ito ang tuldok na tatapos sa atin kung tuldok nga ang katapusan.

Kamil akala ko akin ka na. Kasi sabi mo special ako sa iyo. Kaya akala ko tayo na. Pero ng sinabi mo na may mahal kang iba. Narealized ko na iba nga pala ang especial sa mahal
Masakit kamil na ako ay iwan mo para ipagpalit sa iba...........pero kailangan kong tanggapin kasi mahal kita at tanggap ko ano ang pasya mo sa buhay......siguro sa kanya naroon ang tunay na ligaya mong hanap..

Nandito lang ako palagi para sa’yo.

Mahal ka,
Arvin

Nakita kong namula ang mga mata ni Kamil, hindi ko sure kong ano ang nararamdaman niya, pero parang nakokosensya siya sa mga nangyari.

“Puntahan natin siya mamaya” sabi niya na bakas ang kalungkotan sa kanyang boses.

Hindi na ako humadlang sa mga gusto niya, ayaw kong maging pabigat kay kamil, ayaw kong lalo pang mahirapan ang loob niya, kaya kung ano gusto niya go sago ako.

Pagkatapos ng klase, binisita namin si Arvin kasama ang mga kaibigan niya, sina Mayen, Sey, Jhengpot, at Iya_khin, at ako lang ang lalake sa kanila.

Pagdating namin sa bahay nila Arvin isang masamang balita ang sumalubong sa amin.

“wala po sila, na-hospital po si Arvin...” sabi ng kanilang kasambahay

Chorus kaming napa-AAAaaahhh....

“Bakit?” tanong ni Mayen

Ako naman parang nahuhulaan ko kung bakit nagkaganoon si Arvin at nakikita ko si Kamil na nakayuko lang ang ulo.

“Kasi po, tumalon si mula sa roof top.” Sabi ng kasambahay nila

Napaduet naman kaming lahat,

“Ha?” Banat ni Jhengpot.

“Weh?” Si iya_khin

“Di nga?” Mayen

“owwwsss?” Akoni

“huhuhuhu” Kamil

Chorus...

“Bakiiiiiiiiitttttttttttttt......?”

Ilang sandali pa ay dumating ang kapatid niya, matalim ang tingin niya kay kamil, kaya alam ko na ang dahilan kung bakit ginawa ‘yon ni Arvin.

“Ayos lang si Kuya, mga kunting galos lang naman eh, thanks god hindi siya napilayan, okay na siya, bukas papasok daw siya.” Sabi ng kapatid ni Arvin.

Kinabukasan pumasok nga si Arvin, may mga galos nga siya sa kamay. Pero hindi ko na pinansin ‘yon, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagka-guilty sa kanya. Kahit papaano ay ako parin ang dahilan sa pagkalasog-lasug ng kanyang puso at muntikan pagkalasug-lasog ng kanyang katawan.

Pero dahil sa pagiging sport ni Arvin, hindi ‘yon naging hadlang sa pagkakaibigan namin, sa aming samahan. Nilabas namin sa aming pagkakaibigan ang nararamdaman namin pareho kay Kamil, kahit hindi sa akin sabihin ni Arvin ang totoo, alam kong masama ang loob niya sa akin. Hindi ko sinadya ang lahat, walang personalan, umiibig lang.


itsutsulhuLOY


17 comments:

  1. nalaos ang TGIS at GIMIK dahil sa post na to...hahahaha kailangan may chorus pa talaga na sabay sabay mag Ha??? hehehhe

    ReplyDelete
  2. hindi ko na to nasubaybayan. hahhahaha. keep it up akoni

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  3. hala, me suicide pang nalalaman XD sobrang pagmamahal naman yan.

    ReplyDelete
  4. Kawawa naman si Arvin. Pero tama lang na irespeto nya ang desisyon ni Kamil.

    ReplyDelete
  5. Huhu, dapat bang tumalon? Sige na nga...

    pwede n ito sa MMK or better yet sa teleserye.... hehe

    ReplyDelete
  6. naku kuya!!kilog moment to the highest level..hehe

    eh napano na po si arvin?bka nasaktan un. hehehe

    good pm po kuya!

    ReplyDelete
  7. talagang tumalon ha! kala ko naman magbibigti! hahaha!

    ReplyDelete
  8. nwwonder tuloy ako kung may halong fiction pa din ba itey..jejeje...
    grabe ngang pag-ibig yun...nkuha pang
    tumalon somewher awder...haneeep....
    thnks kua for the niks pij...apir!!!

    ReplyDelete
  9. ang tibay ni arvin ha. tumalon pero galos lang at nakapasok na rin. sana puso nya matibay din.

    ReplyDelete
  10. ang masamang damo di agad namamatay.... ahahaha.. peace arvin!!!


    traggic?... love scene naman jan.. ahahha... ung torrid! ahaha

    ReplyDelete
  11. grabe palang mabigo si arvin hehehe..

    tsk tsk,,

    ReplyDelete
  12. akala ko matutuluyan si Arvin, tumalon ba naman from the rooftop. Siguro may super powers siya kasi galos lang ang natamo niya. Buti walang masamang nangyari sa kanya.

    ReplyDelete
  13. Owemgee... nag try sya mag... ganun? Hala.. bakit naman? *Kontrabida ako sa comment ko.* Hindi nya dpt ginawa yun. Life is so beautiful.. and I'm sure naman na andami pang mga taong nagmamahal sa kanya. Lokong arvin to.. The world has so much more to offer and he's willing to end his life just for a girl? Naman... hindi nya love ang sarili nya. Hmp. Buti na lang hindi sya natuluyan ha.

    *breathe .. sorry, nadala. hehehe...

    Actually, hindi siya sport. nag try siyang mag suicide eh.. pero all is fair in love and war. Hindi ka na dapt makaramdam ng guilt, Akoni. Kasi yung ginawa ni Arvin, desisyon nya yun.. Eh kung natuluyan siya, eh kasalanan na niya yun. Walang sala ikaw or si Kamil.

    Oh diba, sabi ko nga.. kontrabida ako sa comment ko. Hehe..

    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH.
    I am LEAH.

    ReplyDelete
  14. Nagulat naman ako kay Arvin at may patalon talon pa from roof top akala mo end of the world na talaga.


    Super galing! ang galing ng pagkakasulat.

    ReplyDelete
  15. ayos ah.....iyon ang maganda..sport sa pag ibig..tanggapin kung sakali man na biguin..huwag personalin kasi masisira ang pagkakaibigan..madami pa namang babae.....

    ReplyDelete