nuffnang

Sunday, May 15, 2011

Ang pagsusuka...



Babala: Bawal ang may pagkasensitibo ang sikmura at may pagkamakitid ang utak.
Paalala: Mabuti ang blog na ito sa mga taong nagda-diet.

Mula kay gugol


Sumakit na ang ulo ko, sumakit na ang ngipin ko, sumakit na ang puso ko, o magkasugat na ako, o kahit na anong sakit, ayos lang…basta wag na wag lang ang pagsusuka ang maramdaman ko, hindi pagsusuka na pangbuntis ang tinutukoy ko dito ah, ito ay pagsusuka ng puwet, in a wholesome words, “Pagtatae”.

Itong sakit na ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng nilikha ng diyos na puweding dumapo sa isang nilalang, pero kung ano pa ang pinakaayaw mo, ‘yon pa ang dadapo sa’yo. I am not in a good mood today, nagsusuka ang puwet ko, grrrrr…humahapdi na…wait, ito na naman nasusuka na naman, wait lang…(banyo mode)

Minsan nagiging masilan ako sa pagkain dahil sa pag-iwas ko sa pagsusuka ng puwet, doon kasi kadalasan nakukuha ang sakit na’to. Kahapon halos buong araw na ako hindi nakakain dahil sa sobrang pagkabusy sa trabaho, isang bote lang na fresh milk ang tinungga ko, kaya ito ako ngayon pinagbabayaran ang nagawang kabobohan, alam ko naman na hindi sanay ang tiyan ko sa mga sosyal o pangmayaman na inumin eh, uminom pa akong fresh milk, ito napala ko, nagsusuka puwet ko ngayon.

Pero kahit ganito parin ang pakiramdam ko, nagpapasalamat parin ako sa diyos dahil hindi nangyari na tatae tayo mula sa atin bibig, yaks!!
v
v
v
v
v
v

Mula kay gugol









14 comments:

  1. Naku bihira ako magkasakit ng ganyan my stomach is build for anything. Pero pag nagkaganyan ako feeling pumapayat ako. hehe.. kaya hindi ako masyadong badtrip.

    pero agree ako na buti na lang hindi sa bibig lumalabas ang tae.. haha..

    ReplyDelete
  2. ayan naman ang strength ko. kumain ng kuna anu anu. hehehe. hnd rin madali masira ang tiyan ko.

    bagay nga tong post na ito sa mga diet. bka mwalan ng gana. hehe

    ReplyDelete
  3. ako malakas ang sikmura ko..wag lang yung kababuyan ha! kahit ano pwede akong kumain basta malinis at talagang makakain ha!

    ReplyDelete
  4. Ako basa handaang fiesta o kasal o binyag basta halohalo sila sa tyan ko aasahan ko na ang ganyan. Yun lng pakyu!

    ReplyDelete
  5. Yan din ang pinakaayaw ko, nakakaasar pahirap at sagabal lalo na kapag wala ka sa bahay tapos biglang aatake ang traidor na iyan.

    ReplyDelete
  6. Ikaw na ang may napaka gandang timing ng post dahil nasa Nero cafe ako with a caramel slice and ice choco milano buti na lang sa lahat ng mga kaartehan kahit ano pa ang ikwento mo diyan im not affected.

    nalamigan ka lang Akoni.
    at next time wag kang iinom ng fresh milk at isumpa mo na yan mula ngayon inuming pang babay lang yan.

    ReplyDelete
  7. magkakaganun ako kapag kumanin ng shrimp..allergy talaga ako niyan..lipton lang ang gamit ko para mawala ang ganun..

    ReplyDelete
  8. Nung mga bata palang kami, naaalala ko kapag na LBM ako, pinapainom kami ng mommy ko ng Sarsi or Coke na merong Gawgaw or Cornstarch, plus pinapakain pa kami ng saging. Very effective naman, try mo din, baka makatulong! Unless na, 'di na regular LBM, or Amoeba na, better to see a doctor! Tnx for sharing, Akoni! =)

    ReplyDelete
  9. sorry now lang nakabisita ulit..hindi parin maganda pakiramdam kowwss..

    ReplyDelete
  10. ayoko talaga ang pagsuka ng pwet. yung ba'ng kahit ayaw mo na eh panay pa rin ang labas ng mga kinain mo. hehehehe

    ReplyDelete
  11. pakagaling ka akoni.

    mahirap ang pagtatae. ako din ayoko ng ganyang sickness.

    ReplyDelete
  12. idiatabs na yan,,,,heheheh

    ReplyDelete
  13. sakin naman eh huwag ok lang kung masakit ang ngipin, ang ulo, batsa huwag lang ang tiyan.. kasi to the point na hinihimatay ako pagsumakit ang tiyan ko...

    ReplyDelete
  14. parang ang pangit ng idea na sa bibig lalabas ang E-at! hehe!

    ako matibay sikmura ko sa foods pero wag lang magkwento ng kaderder pag kumakain kasi dun ako nasusuka, pero kung sa loob lang din, matikas ang tiyan ko!

    hehehe!

    ReplyDelete