Limang buwan na akong nagtitipa ng kung anu-anong mga giniling na kalokohan at guni-guning ligaw mula sa utak ko, dito sa Akonilandiya. Dahil dyan ay medyo naging close na ako sa inyo, parang ganito, dito ka, tapos dito--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Ako, medyo close diba?
Napapaisip ako, na siguro puwedi na ako magbuhos sa inyo ng kunting katotohanan tungkol sa prinsepe ng Akonilandiya. Hindi ko alam kung ganito din kayo, syempre ang inaasahan ko ay iba rin sa inyo.
Ganito kasi yown, minsan o kadalasan ay nalulungkot ako dahil sa mga personal kong problema, pero kahit kailan ay hindi ko ipinaalam o sinabi sa ibang tao, o ipinagsigawan sa buong mundo, ganon ako ate charo. Humaharap parin ako sa mundo na masayahin, palabiro, makulit, malandi at kyut. Pakiramdan ko kasi ate charo, nagmumukha ka akong ingot na nanghihingi ng awa sa mga tao, ayaw ko ng ganun ate, Pilipino ako eh, matapang na may dugong mandirigma.
Pakiramdam ko rin ate charo, nakakaistorbo o makakaistorbo ako sa ibang tao kapag sinabi ko ang mga kaemohan, kaartehan at kadramahan ko sa planetang ito. Problema ko ‘yon eh, kalungkotan ko ‘yon eh, personal ko ‘yon eh, naman eh, bakit ako mandadamay ng ibang tao, lalo na kapag hindi ko kakilala? Eh paano kung masaya ang tao, bakit ko idadamay na malungkot din para sa akin, kung wala naman kinalaman sa problema ko? Bakit kailangan ipagsigawan ko sa mundo na, “HHOOOYYY mga Gago kayo, mga hinayupak kayo, malungkot kayo, dahil malungkot ako ngayon, nakikita niyo ba? nababasa niyo ba? mga gago. Magsuot kayo ng kulay itim”?!!
Kung ang pagkagunaw ng mundo o halimbawa ang pagkamatay ni Justin Beiber ang mangyayari, yan malulungkot ako dyan at puwedi ko kayong idamay dyan dahil walang paghingi ng awa para sa akin, para kay JB lang, pero ang kaartehan ko sa sarili kong mundo? Nevah.
Alam ko ate charo, hindi tama ang ganito. Walang mabubuhay na mag-isa daw, kaya nga ginawa ang kaibigan o ka-partner eh, para may pagbuhosan ka ng mga drama at problema o ano pa man kaartehan sa mundong ito, para may maging karamay ka at kasama sa hirap at hirap.
‘yan ang problema ko ate charo, minsan hindi ako maitindihan ng mga taong nakapalibot sa akin, akala nila wala akong pakialam, pero ang totoo wala talaga, ouuyy joke lang yan ate charo ah, charoot ko lang yan sayo. Naiiba lang siguro ako, ayaw ko lang talaga mandamay ng ibang tao, gusto ko kung malungkot ako, ako lang ang nakakaramdam. Kaya sinasarili ko nalang mag-isa sa loob ng kwarto ko, ninanamnam ang sakit ng kalooban, hehe, hindi na kailangan damayan mo pa ako, hindi ko kailangan ng kausap, at hindi ako magagalit, magtatampo, magdadadrama, magmamaktol o mag-iinarte sayo na wala ka sa tabi ko nung malungkot ako, kaya ko sarili ko, I can do it myself ika nga.
Paglabas ko ng kwarto, nakangiti parin. Hindi ko alam, pero ayaw ko makaramdam ng awa mula sa ibang tao ate at ayaw kong mahusgahan ng ibang tao at lalong ayaw kong mahalin ng tao dahil sa kaemohan ko. Karamihan sa mga tao ay mapanghusga at makikitid ang pag-iisip, kaya ayaw kong maging tae sa harapan nila. Gusto kong nakaharap sa kanila, bilang isang lalakeng kyut, palangiti, palabiro, malandi at makulit, makulit, makulit, makulit, at makulit, haaayyy ang kulit.
Hindi pagiging “plastic” ang taong ayaw niyang ilabas o ipakita ang nasa loob niya, ayaw lang niya makaistorbo sa feelings na ibang tao.
Ayaw ko lang idamay ang ibang tao na masaya sa kalungkotan na nararamdaman ko, gets? Dig it!!!
Kanya-kanyang nalang tayo ng pag-iitindi sa bawat isa. Itindihin mo na magkaiba tayo ng paniniwala, kung gusto mo, kumbisihin mo ako na sumanib sa paniniwala mo.
Do not worry about me; I am FINE, Oo fine ako, fine lang ako ate charo, fine. Sana po ate charo ay mapayohan niyo ako.
Nagmamahal at nagpapakyut,
Akoni
Base muna
ReplyDelete-khanto
di ako makalogin sa blogger using chrome kaya as anonymous na lang muna.
ReplyDeletehahah, may mga tao talagang katulad mo na ayaw maka-istorbo ng iba. Pero tandaan mo din, kung bigat na bigat ka na sa problemang dinadala, pede mo naman ibulong sa hangin ang lahat ng nadarama. gagaan din ang iyong pakiramdams. :D
ang pagbablog ay parang isang outlet na din para masabi mo yung saloobin mo. pero nasa tao pa din talaga yon. mayroon talaga na hindi nakakapaglabas ng saloobin nya sa iba lalo na sa katulad netong blogging na di mo naman talaga kilala. (nevah! lol natawa ko dito sa nevah!)
ReplyDeletekung ako tatanungin mo, siempre gusto ko din malaman problema mo kase baka makatulong naman ako. pero kung sa tingin mo nga e ang gusto mo lang ishare e yung problema ng pangkalahatan. e its up to you. F.U. lol. joke lang pre.
bilisan mo mag comment back. naiinip ako ka rerefresh ng page mo lagi pag nagcocomment ako at wala pang sagot. lol. joke ulet.
ngaps. cheer up lang pre. lahat ng tao ay may problema at lahat ng bagay ay may solusyon.
ReplyDeletekung san ka masaya suportahan taka. tandaan mo, hindi lahat ng tao mapanghusga at makikitid ang isip... \m/
tama na napahaba na post ko sayo nagkapart 2 pa. lol.
napa-comment tuloy ako agad...sensya na bolero, minsan kasi pagkapost ko, log out na ako. at nagpapaliwanag pa ako...haha..sa lahat ng nai-comment mo ito na ang pinakamahaba at dahil sa sobrang ganda, nagkaroon pa ng sequel..hehe..natutuwa ako sa mga sinabi mo, thanks...
ReplyDeleteKhanto - bumi-base ka pa...hahaha..sige subukan ibulong sa hangin...wag sa hangin na galing sa katawan..hehe
tama, nakakhawa pa naman ang kalungkutan. pero minsan mas masarap may nasasabihan ka, lalo na sa mga taong hindi ka itinuturing storbo. maswerte ako kasi marami akong ganung kaibgan
ReplyDeleteagree ako kay MG, masarap pag meron kang mapagsasabihan ng problema sa buhay. pwede mo rin naman itong isulat, it will lessen a bit. sa nagbabasa na lang yun kung makikiramay sya or hindi. basta ang mahalaga nailabas mo ito. dahil kung hindi....KABOOOM!
ReplyDeletedi ko lang maimagine kong papaano ka mag emo kasi binabangit mo pa lang ang ate charo napapagulong na ako ng tawa.
ReplyDeletemakulit na maladi kaya masaya.
di ba nagkakakabag ang mga kasama mo diyan?
Pero alam ko rin na ang masayahing tao may malalim na pagkatao at kung ano ano pa. kaya tutal natatawa naman ako sayo kung dumating man yon . eh bulong mo na lang sa akin kung may bumagabag sayo at kailangan mo ng kakampi. Ayos ba yan.
KABOOOOOM!
ReplyDeleteDear Akoni,
ReplyDeleteSa totoo lang hinahangaan ko ang mga taong nakangiti pa din at nagpapasaya ng iba sa kabila ng kalungkutan. Kadalasan nga daw ang mga komidyante ang may pinaka mabibigat na problema pero nakukuha pa din nilang makapag-patawa ng ibang tao.
Natural lang ang nararamdaman mong hindi komportable sa pagbabahagi ng iyong personal na bagahe sa buhay. Pero kung minsan mas mabilis maibsan ang paghihirap kung may nakakasalo tayo sa pagdadala nito. Pero maganda rin ang hangarin mo na hwag ng mandamay ng iba. Pero kung hindi na kaya mas mabuting humanap ng kaibigang mapagkakatiwalaan upang maging taga payo mo sa paglutas ng problema at hwag mong kakalimutang magdasal. Salamat sa liham mo. Hindi ko ito inaasahan.
Mas kyut pa kesa sayo,
Ate Charo
walang masama sa paglalabas ng emosyon sa blog. blog mo yan eh. di ba? pero hanga pa rin ako dahil nananatili ka'ng masaya kahit may mga pagsubok sa buhay. kumbaga, nice post! you should write more often! lels
ReplyDeleteHanga po ako sa lakas at tamang na ipinapamalas niyo sa kabila ng mga suliranin sa inyong buhay (malapit n kitang maging idol)
ReplyDeleteAng maipapayo ko po sa iyong problema,... hindi po masamang ilabas ang inyong tunay na nararamdaman. lahat ng tao sa mundo ay may problema (sinu bang wala??). Wag niyo po na lang intindihin ang sasabihin ng iba. At kung may matinong pong makikinig sa inyo magpasalamat po kayo sa maykapal at may natitira pang ganitong nilalang sa ibabaw ng mundo...
Prehas tayo ng mga sentimento de pimiento akoni, ako rin ang taong kung keri pa sarilinin eh go lang..dihins ako manghahassle ng iba unless to the nth level na..oh yeah! pero alam ba ni ate charo yang pinagagawa mo? hindi parin ako makaget over sa layout mo!!! hehehe
ReplyDeleteGanyan talaga ang buhay akoni. Lahat ay dumadaan sa mga suliranin.Pero siguro iba ka nga, ganyan din sana ako. Masayahin kahit may problema. Hehehe!
ReplyDeletePero kulit pa rin ng post mo. Lol!
Cheer up!
Empi - gusto ko mapatawa ang magbabasa nito..anuveerr..lels
ReplyDeleteTabian - tama na ang trip sa layout ko..aarrgghh..papalitan ko yan ng nakaharap..hehe..sabi ko naman sayo, parehas tayo..nagkakatol karin siguro noh?
Anonymous - una sa lahat, gusto ko ang name mo, unique. Malapit mo na akong maging idol? mag-isip-isp ka muna..lels..thank you, touch ako sayo kung sino ka man..hehe
Bino - iiyak na sana ako sa comment mo, pero pagdating ko sa "kumbaga" natulo sipon ko...hahaha
ate charo mayen - Hindi ko inaasahan na sasagotin mo ang liham ko, ako'y lubos na natutuwa may mga taong katulad mo..tama ang sinasabi mong kadalasan..hehe..maraming salamat, susubokan ko po bagohin ang nakagisnan ko..mwah! <sa kamay yan
Iya - ty
Diamond - salamat, at napatawa pa din kita...hehe..sige malay mo isang araw, tapos magign isang gabi..
Cat - hehe...gusto ko din sana isulat, kaso maraming nagbabasa dito na kakilala ko..hahaha
MG -marami din naman ako kaibigan na puweding pagsabihan, nahihiya lang ako..hehe...
ah wag nalang..promise ok na yang nakatalikod, mas nakakatakot ang nakaharap..eeeee!
ReplyDeletehindi ako nagkakatol oi, ngumangatngat ako ng albatross..mas social..hehehe
hahaha di ko maintindihan sarili ko kung matatawa ba ako o mag-emo din.. hahaha
ReplyDeleteProven ko na yung mga taong palatawa at mahilig magpasaya minsan may mabigat na problemang dinadala. Pero hinahangaan ko sila kasi sa kabila ng lahat nagagawa pa nilang magpasaya ng iba.
ReplyDeleteGaya nga ng sabi ni Diamond R, pagsabi mo pa lang ate Charo natatawa na rin ako. Pati yung mga side comments mo sa mga serious lines, napapasaya mo ako.
AT tulad ng sabi ni Ate Charo Twin Sis Mayen, hindi ka nag-iisa. Minsan ang pagsasabi ng nararamdaman ay hindi nangangahulugan na gusto natin silang idamay sa ating kalungkutan. Minsan nakakabuti yun para mabawasan ang bigat na dinadala sa dibdib. May mga taon na close sayo parang ganito...dito kami_______________________________________________________________________DITO KA....mas malapit. Dito lang kami maiintindihan at dadamayan ka kahit hindi tayo magkasama.
Okay, *Apir* hoha! Hola, bola, bongga!!!!
eow akoni,
ReplyDeleteano itsura ng fez mo pag umeemo ka?> sample? heheehe
nweiz...
kung may dinaramdam kang mabigat now eh,sana ay gumaan na yan,at malampasan,ganon talga ang buhay...
:)
ano kaya kung mabasa ito ni ms. charo santos,hehe.......gusto ko ang salita mong ito.. Kanya-kanyang nalang tayo ng pag-iitindi sa bawat isa. Itindihin mo na magkaiba tayo ng paniniwala, kung gusto mo, kumbisihin mo ako na sumanib sa paniniwala mo.
ReplyDelete(^^,)
ReplyDeleteAYON nagwork kala ko di masesend...jeje ako din ung anonymous kua akoni ah...ermmmm.tungkol sa post...
ReplyDeletenatamaan ako dun ahh..jejeje..madrama ko sa mga post ko ih...at mahilig pa kong mangdamay ng iba sa ka-emohan kowhz...wolo long...
yeah may kanya-kanya tayong trip at kung paano naten ihandle ang ating mga kalungkotan...mdalas tlaga sa mga lalaki ang di mgshare ng kanilang emoxon dahil matatag sila...di naman sa di mtatag ang mga girls, part na ksi smen ang pagiging madaldal lalo na pag may prop...char...jejeje..
ayan ang haba na tuloy...ibuhos u lang kua pag ready ka nah...we'll listen and read it here sa yong kaharian... (^^,)
We need as well mag emote emote.. Para ika gagaan ng puso..
ReplyDeleteU said it, no man is an island. We all need someone to cling on to when we feel bad. Tao ka lang. Let loose buddy... :)
ReplyDeletepwede ba kong mag-text ng title ng episode na 'to ng buhay mo ate charo? hehehe. ^_^
ReplyDeleteWalang masama kung gustong ishare.. pero syempre, iba-iba ang paraan ng tao kung pano maka cope up sa problems.. Ako, pareho tayo Akoni.. Ayokong ipublish sa blog ko yung mga malalalim na problema ko. Para kasing... BAD VIBES lang. Ang style ko lang. baka maging okay rin sayo.. Syempre diba, kelangan ng emotional outlet, isinusulat ko talaga siya sa blog.. pero HINDI ko pina PUBLISH. Kumbaga, para lang maexpress ko lang yung sama ng loob ko or whatever. hehe..
ReplyDeleteAko, masayahing tao rin.. May problema, madalas tinatawanan ko na lang. Kasi problema na yan, poproblemahin ko pa. And sa paniniwala ko, yung mga mabibigat na problems, ako (at ang pamilya) ko lang din ang makakalutas. Though it helps na merong mga tao na magsasabing "Kaya mo yan!! GO!".. naappreciate ko yan. pero in the end kasi, ako lang din ang makaka solve ng problem ko. :)
Kaya ako, ayokong magkaroon ng parang... emo post sa blog ko. Seryoso, pwede.. informative, pwede rin. Cheery, pwedeng-pwede.. Pero ayoko ng sad. Kasi feeling ko.. parang ambigat!
Anyway, idinamay mo p tlga ang name ni JB. hehe... Wag naman sana ano. He's only 17. Hekhek.. :)