nuffnang

Sunday, May 8, 2011

MANNY VS MOSLEY: AKONI REPORTING...

Hindi gaanong maaksyon ang laban ni PACMAN at SUGAR, pero natutuwa parin ako dahil kahit ganoon ang naging laban nila, sa huli ay si pacman parin ang panalo.

Kung anu-ano pa kasing chuva ang mga sinasabi ni Mosley habang pino-promote ang laban eh "I will shocks the world", e pagkatapos ng laban ang nangyari ay "I sucked the world".

Gawa ni Jobert Harvey, di ko kilala.

Dyaan sa round 3 lang ako nabuhayan ng mandirigmang dugo dahil nag-ala MUTYA dito si Mosley, ang kyut ng pose niya noh? Kulang nalang si Dyesabel at Mutya, happy family na.

May mga rounds na rin na parang na-bored si Manny dahil parang ayaw lumaban ni Mosley, nagulat kasi ng makilala niya ang kaliwang kamao ni pacman sa round 3, kaya ang ginawa niya ay atras abante, yakap at takbo, na naging dahilan para mag-booed ang mga nanonood sa arena.

Dahil sa inis ni Manny, ito ang ginawa niya. Hindi ito nakunan ng camera dahil busy sa pangungulangot ang Camera man. Kaya Camera chuva lang ang nakahuli pero hindi nakuha ang iksaktong nangyari, tingnan mo muna ang larawan sa baba. 

Ang totoong nangyari dyan ay sinipa (round kick) ni Manny si Mosley sa mukha na naging dahilan kung bakit na out balance si Pacman, tapos akala niyo at ng referee ay knock down si pacman, pero ang totoo, sinipa ni Pacman sa mukha si Mosley, at sira ulo ka kung maniniwala ka sa akin.

Gawa-gawa nila

Sa lahat ng natalo ay si Mosley lang ang masaya, dahil tumataginting na 5 milyon dollars ang kinita niya sa laban na ito, at madadagdagan pa ng 20 plus % share sa kikitain nila sa PPV.

Syempre malaki ang share ni Manny, siya ang LION dito e, kaya sa kanya ang Lion's share. 20 milyon dollars ang kikitain ni Manny plus 75 plus % na dagdag sa kikitain nila sa PPV. At dahil sa puro "kita" nalang sila, may nakita din ako.

Ito, bahala ka na mag-analyze!
Syempre mga ganitong high class na Photoshop, walang ibang gumawa kundi si AKONI


13 comments:

  1. Grabeh ikaw lang talaga ang makakagawa nito. super funny. dami kong tawa sa morning.

    May konting review din ako. Napansin ko sa laban nila, si sugar shane mosley depensa, mosley lumalayo kay Manny, mosley appir at higit sa lahat mosley yakap. Ay mali yata spelling ko mostly. Sabi ko sayo mahina ako sa spelling at ang corny ko pa. haha..

    GOOD MORNING!

    ReplyDelete
  2. naaasar ako sa tuwing makikita ko ung pagmumuka ni pacman... ewan ko... pareho kaming asar ni EX sa mukha nya... ahahaha...

    ReplyDelete
  3. ahahaha.napaka adik mo talaga hahaha..
    ikaw na talaga...LOL


    may ganun tlaga sa ibaba>lol


    anyways congrats pacman!


    iba ka!
    akoni,iba ka din!lol

    ReplyDelete
  4. hahaha! ayos sa last pic ah,ang nagpadugo lang ng ilong ni pacman ung post interview, englishan ang laban.. you know :P

    ReplyDelete
  5. hong soyo! kahit mayabang si pacman, the best pa rin :)

    ReplyDelete
  6. Parang nasa beach lang. Hahaha! Adik!

    ReplyDelete
  7. magandang umaga parekoy...

    napatawa mo ko sa report mo pare hahaha...

    pinanood ko ang laban nila ng live dito sa amin.. neexcite sa bawat round ng laban pero sa round three lang ako nasiyahan hehehe

    pero panalo si Mosley, nagtagumpay syang hindi maknockout ni pacman.. nagami din nya ang training nya, ang pagtakbo ng mabilis hahahah...

    magandang umaga sayo muli parekoy

    ReplyDelete
  8. mas masaya sana kung ipamigay ni pacquiao ang mga napanalunan niya sa mga tao dvah!!

    ReplyDelete
  9. hahahhaah para tuloy akong may naiisip na eksena bago maganap ang labang ito ."alam ng lahat at kahit ikaw mismo na talo ka sa labang ito pero kailangan ng mundo ng isang bigating palabas.5M ok na sayo ingatan mo lang ang suntok ni PACMAN dahil nakakamatay tutal wala namang mawawala sayo?" (imahinasyon ko lang yan) pasinsiya na po na carried away sa reporting mo AKoni.

    talbog ang report ni marc logan kahapon.

    di niya nakita ito.

    ReplyDelete
  10. Hahaha!! Natawa ako sa pictures.. hihi.. :P Milyones na naman ang nadala ni Pacman pauwi. Hay, sana meron siyang balato sa kada isang tao.. hindi naman siguro mauubos ang kwarta nya. LOL..

    Nainis ako ke Pacman dahil pumasok siya sa Poltics.. pero ganunpaman, proud pa rin ako sa nagwa nya para sa Pilipinas, sa larangan ng BOXING.

    Congrats ke Manny Pacquiao!

    ReplyDelete
  11. TNT putek ka akoni, ayus yung mga pictures mo dito...hahhahaha

    ReplyDelete
  12. waaaaajajajajaja..
    hongkulet...jejejeje

    huawww..congrats naman sa kua u
    kua Akoni..jejeje..galing mung
    magAdobe ahh...jajajaja...

    ReplyDelete
  13. Si Mayweather lang ang katapat ni Pacman..

    ReplyDelete